REXIE POV:
Magaapat na buwan na nang magmulang na laman ni dean na buntis ako,kina umagahan noon ay agad syang nag leave sa kanyang kompanya at papasok uli sya hanggang sa makapanganak na daw ako, kaya si ginoong jin na muna daw ang pinamahala nya sa kanyang kompanya, at sa mga nakalipas na buwan na yun nakita ko ang pagaalaga sakin ni dean tulad na lang ng pagbibigay nya ng mga gusto ko lalo na sa pagkain dahil nga sa naglilihi ako, andon rin ang paggigising ko sa umaga dahil sa naduduwal ako at iba pa.--
At ngayon andito kami ni dean magkatabi sa sofa nakaakbay sya sakin habang kami ay nanunuod,
"hmm babe pwedeng pakiss? " agad kong sabi sa kanya,
Ganyan ako sa kanya parati palagi akong humihingi ng kiss sa kanya, at minsan pinipisil ko ang kanyang pisngi,Nakita ko ang paglapit nya sakin at mabilis nya akong hinalikan sa labi.
"i love you baby" sabi pa nya sakin habang naka ngiti
"i love you too" sagot ko sa kanya at mabilis ko naman syang hinalikan sa kanyang labi.
Matapos kong halikan sya niyakap na nya ako habang nanunuod kami.---
Maya maya pa may biglang dumating na isang katulong.
"ahm pasensya na po sa istorbo señorito may mga naghahanap po kasi kay señorita sa labas" mabilis na pagkakasabi nya habang naka yuko lamang sya.
"ahm sino daw po sila? " sabi ko naman sa katulong
"ang nanay at tatay mo daw po señorita at may isa silang kasama na babae na sa tingin ko po ay kaidad lang po ng magulang nyo" agad kong tiningnan si dean, tumingin rin naman ito sakin at muling bumaling uli sya sa katuling
"papasokin nyo sila" mabilis na wika ni dean sa katulong,
Nakita ko naman ang pagtango ng katulong sa kanya"masusunod po señorito" sabi pa ng katulong at mabilis na tumalikod samin at umalis.
Ano kaya ang dahilan ng pagparito nila inay,
Nung isang linggo kasi pumunta kami ni dean sa bahay namin upang sabihin kila inay at itay tungkol sa aking pagbubuntis.
Sa una Nagulat sila inay at itay ng sabihin ko na buntis ako pero ilang sandali pa nun nakita ko ang pag ngiti nila, salamat naman daw at magkaka apo na daw sila,.Bago kami umalis nun sa bahay at umuwi dito sa mansyon kinausap mo na nila inay at itay si dean, wala akong ideya kung tungkol saan ang pinagusapan nila, tinanong ko naman si dean kong ano yun sabi nya wala lang daw nagkamustahan lang daw sila, kaya binaliwala ko na lamang yun.
Pero ngayon anong dahilan at naparito sila itay? sino ang kasama nila?
at
bakit ba ako kinakabahan????
------------------------
REXIE POV:
Natauhan ako sa pagiisip ng biglang hawakan ni dean ang aking isang kamay,
" Ayos ka lang ba? Gusto mo magpahinga ka na lang sa kwarto natun at ako na lang ang kakausap sa mga magulang mo?" rinig kong sunod sunod na sabi nya.
"ayos lang ako, gusto ko rin kasi malaman kong bakit pumunta dito sila inay" naka ngiti kong sagot sa kanya.
At mabilis ko rin hinawakan ang kanyang kamay.Ilang sandali pa nakita ko ng papalapit yung katulong kanina at naka sunod sa kanya ang aking magulang at isang babae na hindi ko kilala.
Mabilis naman akong inalalayan ni dean patayo, nang makalapit na sila samin
"maiwan mo na kami," baling ni dean sa katulong at mabilis naman tumango ito at tumalima papaalis sa amin.
"inay, itay" sabi ko at lumapit sa kanila sabay nagmano ako sa kanila ganun rin ang ginawa ni dean nagmano sya sa magulang ko.
"bakit po kayo naparito-------" hindi ko na natuloy ang aking sasabihin dahil biglang nagsalita yung babae na kasama nila inay.
"ija pwede bang payakap? " sabi nito sakin habang naka ngiti, nakita ko rin sa kanyang mata ang pagpatak ng kanyang luha.
Magsasalita pa sana ako ng magulat ako ng yakapin ako nito ng mahigpit,"ahm bakit po? " tanong ko dito habang naka yakap sya sakin,
Tiningnan ko rin ang aking magulang pero pareho lamang sila inay at itay na umiwas ng tingin sakin.
Nakita ko rin si dean na umiwas sakin ng tingin!!!Maya maya pa biglang nagsalita yung babae na nakayakap sakin.
Na sanhi ng pagkagulat at pagkalito ko.
..
.
."Anak" rinig kong sabi nya
"anak ko, ako ang tunay mong ina" sabi pa nya..
Anak?????
Anak nya ako?Ano bang pinagsasabi nya eh si inay lang naman ang ina ko,
Naramdaman ko na lang ang mabilis na pag tulo ng mga luha ko sa aking mata.
BINABASA MO ANG
MY HUSBAND STRANGER
ActionPaano kong kinasal ka sa taong hindi mo kilala? At sa araw ng kasal mo pa lang sya unang makikita? Pero alam nyo hindi ko yun pinagsisihan, dahil habang tumatagal lalo ko syang nakikilala, yung totong sya. Bakit kamo???? Eh di basahin mo ang kwenton...