Andrea's Pov
"Bakit ngayon ka lang?! Alam mo bang kanina pa ako naghi---" Di ko na pinatapos ang talak ng ugok na to.
"5 thousand" saad ko na nakapagpangiti sakanya nang hanggang tenga.
"Sa susunod kahit malate ka na ng ilang oras." sabi nya, kita mo tong ugok na to mukhang pera talaga. 😒
"Saka libre mo na rin ito ha? WAITER!" tawag nya sa waiter at nagorder na sya syempre ako rin.
"Ikaw ang magbabayad nito okay? Dahil pinaghintay mo ko ng 21 minutes and 45 seconds. About 22 minutes na yun!"
"Alam mo ikaw! Kalalaki mong tao, napakakuripot mo. Sobrang yaman mo na nga pero lahat ng galaw mo kailangang may suhol pa rin?!" Naiinis na wika ko sakanya. Hmp! Totoo naman kasi e ang yaman na nga barat naman.
Tumawa naman ito. "Syempre naman masyado akong gwapo at mahal kaya dapat lahat ng galaw ko may katumbas na halaga Quish, Ayoko namang laging naeexpose ang napakagwapo kong mukha sa harap ng maraming tao." ngisi ngising sabi nito. Napanguso na lang ako. Gago talaga to!
"Ikaw nag-aya tas ako manlilibre. Kuripot mo talaga G." Natawa lang sya, andami pa naming napagkwentuhan hanggang sa hintid na nya ko sa H company.
Yes, I work here. Sa kumpanyang pagmamay-ari ng lolo ko na ngayon ay pagmamay-ari na ng Beast ngayon. Wala naman akong magawa dahil sakanya pinamana ito. Hays, hanggang ngayon nakakainis pa rin isipin ang araw kung kelan akala kong ako ang mamahala sa kumpanyang ito yun pala ay yung ugok na yun ang makikinabang.-
260 words