Chapter 28

23 0 0
                                    

Andrea's Pov

Nagtext sa akin si Zach na sumunod daw kami sa kumpanya dahil sa labas na lang daw kami kakain. Ilang linggo na rin ng magsimulang imanage ni Zach ang kumpanya nila.

Binihisan ko ang mga anak ko at saka kami nagpunta sa kumpanya. Nagpahatid na lang kami sa driver dahil medyo pagod ako at medyo masakit ang katawan ko.

Hindi ko namalayang nakatulog pala ako ng dahil sa pagod sa loob ng sasakyan.

(Third Person's Pov)

Nang dahil sa pagod ay nakatulog si Andrea,  samantalang ang dalawang bata ay kapwa walang imik upang hindi magising ang kanilang ina dahil alam nilang pagod ito.

Nang makarating sila sa kumpanya ay aakmang gigisingin ng batang babae ang kanyang ina ngunit pinigilan ito ng kapatid na lalaki.

"No Zia,  Mommy needs to sleep. Look,  She's very tired" mahinang wika ng batang lalaki upang hindi magising any nanay nito.

"But Kuya, How can we go to daddy If mommy's not with us." bulong ng batang babae sa kapatid nito. Nag-isip naman ang batang lalaki.

"Then we will just go together, let's find dude and after that let's go back here and we will wake up mommy" bumulong rin ang batang lalaki.

"But kuya we don't know where daddy is! And why don't we just wake up mommy--" pinutol ng batang lalaki ang sinasabi ng kapatid.

"Because she need to rest!  If you don't want to go,  It's fine with me." wika ng batang lalaki saka lumabas ng sasakyan.

"Kuya Jose,  Pakibantayan po ang mommy ha? Susunduin lang namin si Dude." naiislang na wika ng bata marunong kasi itong magtagalog kaya lang hindi sanay sa wikang ito. Kaya kapag nagtatagalog parang nababaluktot ang dila nito. Kailangan nga lang niyang magtagalog ngayon dahil hindi nakakaintindi ng English ang kanilang driver.

Tumango naman ang matandang driver at maglalakad na sana siya ng may tumakbo papalapit sa kanya ang kapatid niya.

"I'll go with you." nakangiting wika ng kapatid na babae, tumango lang naman ang batang lalaki.

Papasok ang mga magkapatid sa kumpanya ng harangin sila ng mga guard ng kumpanya.

"Teka bawal ang mga bata rito!" sita sakanila ng isa sa mga guard.

"Mabuti pa umalis na kayo" wika ng matangkad na guard sa mga ito.

"W-e will just find our daddy" nanginginig na wika ng batang babae,  natatakot kasi ito sa mga tingin ng mga guwardiya.

"Let us pass san goku!" naiinis na wika ng batang lalaki sa guwardiyang matangkad na kapareho ni San Goku ng hairdo.

"Abat! Bawal nga ang bata rito!" singhal ng matangkad na lalaki.

"Kuya,  I'm thirsty I want water" bulong ng batang babae.

"Hey! She said she want water!" sigaw ng batang lalaki sa mga guwardiya.

"Oh ngayon?" nakataas ang kilay ng mga ito.

"Then get some water!  Stupid." dire-diretsong sigaw ng bata sa nga guwardiya.

"Aba!  Aba! Ang tulis ng dila mo g bata ka ah!  Sa tingin mo porke englishero ka hindi na kita papatulan!" mahinang pinalo nito sa braso ang batang lalaki. Dahil sa malaking tao ang guwardiya at may kabigatan ang kamay kaya kahit mahina ang pagkapalo ay nakaramdam pa rin ng sakit at namula ang braso ng batang lalaki.

"Go hide. Before our daddy knows what you've done to my brother!" matapang na wika ng batang babae.

"Wala dito ang tatay niyo kaya umalis na kayo nakakaabala kayo e. Kaya siguro kayo iniwan ng tatay niyo dahil makukulit kayo kaya alis naa!" sigaw ng isa pang guwardiya.

Nginisihan lang siya ng batang babae. "Oh yeah? Enjoy your last minute in this company, Because  I assure you this will be your last day in this company." wika ng batang babae habang nakacross arms. Samantalang ang batang lalaki naman ay nakangisi sa inaakto ng batang babae habang nakahawak sa brasong pinalo ng isang guwardiya. Kitang kita kasi na parang natatakot ang mga guwardiya sa mga pinagsasabi ng batang babae at sa mga paraan ng pagtingin nito na para bang sinasaksak ka sa sobrang talim ng mga tingin.

"Zio!  Zia!" magkasunod na sigaw ni Andrea at ni Zach.
-

Doll Of The Heartless BeastWhere stories live. Discover now