Andrea's PovF*ck! Ang sakit ng ulo ko tangina, grabe hindi na talaga ako uulit last na yung kagabi. Ano bang nangyari kasi? At saka bakit nasa bahay na ako. Hinatid kaya ako ni Xands, malamang sya lang naman ang kasama ko. Naligo muna ako bago bumaba buti na lang weekends wala akong pasok. Hinihilot hilot ko ang sintido ko nang pababa ako ng hagdanan. Nagulat ako ng makita ko si Blake sa sala bakit andito pa to? Kahit naman day off nya work, work, work pa rin sya ah.
"Can we talk?" nagaalalang sabi nito. Luh? Anong nangyari dito at parang ang bait naman atta nya ngayon.
"Hmm, Pwede mamaya? Gutom na kasi ako e" nakangusong sagot ko. Nakita ko namang napangiti sya pero binawi din agad ng tinitigan ko sya.
"Sure, nagluto pala ako. Kumain kana lang don" Hala?! End of the world na ba?! Pinagluto nya ako? Napangiti naman ako.
Ninanamnam ko yung pagkaing linuto nya ang laki ng ngiti ko hanggang sa maubos ko yung pagkain, nakangiti akong pumunta sa sala hanggang sa pag upo ko sa tapat nya.
"Anong pag-uusapan natin?" nakangiti pa rin na tanong ko.
"You told me last night that I killed our child." seryosong sabi nito. Nagimbal ako sa narinig ko. F*ck, how did he know?!
"Sinabi mo sakin kagabi ng sinundo kita sa bar, dala na rin siguro ng kalasingan mo kaya mo nasabi" F*ck! Hinding hindi na ako iinom pahamak talaga ang alak na yan.
"U-hm t-that was just a joke" nanginginig na sagot ko. Tumalim naman ang tingin nya sakin.
"What joke Andrea?! You keep on repeating it last night! Ano bang nangyare?! Ano ba talagang nangyare pagkaalis mo?!" galit na sigaw nya. I think he needs to know it.
"I was hit by a car when I left your office because I saw you with your secretary making out inside your office " punong puno ng hinanakit na sabi ko.
"I tried to explain" I just laugh and ignore him.
"Pumunta ako sa office mo para ibalita sayo na buntis ako, I was suppose to surprise you." natatawang sabi ko. "After that scene, Tumakbo ako palabas ng kumpanya mo at dahil na rin sa kakaiyak di ko namalayang mababangga na pala ako. Naramdaman ko lang yun ng mabangga na ako. Nang magising ako 4days after that incident , My parents told me that I lost my baby." humagulgol ako ng maalala ko ang mga nangyare, hindi lang sa dahil nawalan ako ng anak kundi sa isang bagay na alam kong hindi na mangyayare.
"At nang mga panahong bumisita ka sa hospital na ang alam mo lang ay naaksidente ako at tinaboy kita ay dahil sinisisi kita dahil sa pagkawala ng anak ko. You don't even know that I lost our child, ni hindi ko man lang naranasang magsuot ng maternity dress, naglihi, nahawakan ang kamay ng baby ko, mag isip ng pangalan nya. Marinig syang umiyak ng pagkaluwal ko sakanya, hindi ko naranasan lahat yun dahil lang sa katangan ko. Sana namatay na lang din ako ng namatay ang anak ko. I should, I should" hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil napahagulgol na talaga ako, lumapit sakin si Blake at niyakap ako.
"Shh. Stop crying baby, I'm sorry, Im sorry" He keeps on saying sorry and kissing my forehead while hugging me tightly.
Umiyak lang ako ng umiyak. Kung sana lang maibabalik nang sorry nya ang anak ko at ang karapatan kong maging ina. Kahit gaano pa karaming sorry yan. Sorry can't ease the pain that I'm feeling.
Two weeks after nang nangyari. Zach became more sweet, more caring and more gentleman, Yes I'm calling him Zach again. And because of what happened naging mas close at mas open na kami sa isa't isa.
"Anong iniisip ng princess ko?" sabi ni Zach habang hinahaplos ang mukha ko, magkatabi kami ngayon sa kama Kakatapos lang namin mag 'you know'. We decided to fix our relationship,
"Wala naman baby ko" nakangiting sagot ko, saka
ko siniksik yung katawan ko sakanya.Sinusuklay nya yung buhok ko gamit ang mga daliri nya at pinaglalaruan ang dulo ng buhok ko. Yung parang kinukulot kulot nya yung dulo.
"Date tayo" biglang sabi nito. Saka ngumiti, napapadalas na din ang pag ngiti ngiti nya. Kinilig naman ako sa pag ngiti nya.
"Kinikilig kana naman" natatawang sabi nito saka sinundot ang tagiliran ko, napahiyaw naman ako sa ginawa nya.
"Hayp ka! Huwag nga" nakangusong sabi ko, pinulupot ko ang kumot sa katawan ko saka ako tumayo papuntang banyo.
"Sus, tatakpan mo pa e nakita ko naman na yan nahalikan ko pa nga." natatawang sabi nito. Pinagbagsakan ko lang sya ng pinto ng banyo, naririnig ko pa ang pagtawa nya ng malakas. Siraulo talaga yun pero nagpapasalamat pa rin ako dahil nagkaayos kami, Palagi na kaming nagdadate, palagi na din syang tumatawa at ngumingiti. ☺
Pagkatapos kong magayos ay bumaba na ako, nakita ko syang nakaupo sa sofa sa sala.
"Tagal mo, sa banyo na ako dito sa baba naligo. Kahit kelan talaga napakabagal mo" sabi nito saka umirap, napanguso na lang ako. Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa.
"Bakit ganyan ang suot mo?" nakataas kilay na tanong nito. Huh? What's wrong with my outfit? Croptop saka ripped jeans lang naman to ah.
"Palit!" sabi nito sakin.
"Bakit naman? Okay naman ah?!" naiinis na sigaw ko, tinignan nya ako ng masama kaya napairap na lang ako saka bumalik sa kwarto at nagpalit.
Okay naman siguro to, polo na color white na medyo manipis saka shorts. Pababa pa lang ako sa hagdanan ng sinigawan nya ako.
"Go back!" nakakainis na sya ah. Bumalik ako sa kwarto saka nagdress. Oo dress na lang, tangina ayoko pa naman ng nagdredress. White dress above the knee, sleveless ang isinuot ko. Pagkalabas na pagkalabas ko sa kwarto. Pinandilatan ko sya ng mata.
"Subukan mo pa akong pagpalitin at masasapak na kita" naiinis na sabi ko sakanya, napanguso na lang sya.
"Naman e. Nagbago na isip ko sa kwarto na lang pala tayo" sabi nito at kinindatan ako . Pinandilatan ko sya ng mata.
"Men will drool over you. Baka makapatay lang ako pag ganon." Napangiti naman ako. My boyfriend is so possesive and I find it cute.
"Sayo naman na ako diba? Saka ikaw lang naman ang gwapo sa paningin ko. Kaya tara na!" sabi ko sakanya saka ko sya kinindatan. Nakita ko namang namula sya, Kinikilig sya. Hahaha! Hinila ko na sya palabas ng bahay.
Kahit ano pang nangyari sa nakaraan hindi na non maapektuhan ang relasyon namin ngayon. Our relationship is stronger than before. Past remains in the past, and we will face the future together.
-
1113 words