Chapter 27

19 1 0
                                    

Andrea's Pov

"Wow Mimi, Dada! Is this our new house? It's so beautiful!" masayang wika ni Zia na patalon-talon. Napangiti na lang ako sa inasal niya. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Zach.

Lumipat na kami nila Zach sa bahay na pinatayo niya non bago siya maaksidente.

"I'll just go somewhere. I'll be back later." kunot noong tumingin ako sakanya. Saan naman siya pupunta?

"I'm going to check our company, It's been a year. Si daddy na ang namahala sa kumpanya simula ng maaksidente ako, kaya nakakahiya kay daddy medyo may katandaan na rin naman siya kaya kailangan ko ng pamahalaan ang kumpanya para naman makapagpahinga na siya at mabawasan ang mga bahay na na ka kapag pa stress sa kanya." mahabang paliwanag nito. So? Nabasa niya yung iniisip ko?

"Nope. Kitang kita lang sa expression ng mukha mo" natatawang sabi nito. Namula naman ako sa sinabi nito.

"See you later" nakangiting wika nito saakin at saka niya ako hinalikan sa pisngi. Nagulat ako sa ginawa niya, naramdam ko ang pamumula ng mukha ko dahil sa ginawa niya. Narinig kong tumawa ito ng mahina.

"Hey!" sigaw ni Zio ng makalapit sa amin.

"Hey lil boy" nakangiting wika ni Zach.

"Hey yourself old man!" naiinis na sigaw nito sa ama niya. Natawa lang naman ang huli.

"Stop laughing! Why did you kissed my mom!" nakacross arms ito. Hindi siya sinagot ni Zach tawa lang ito ng tawa.

"Hey! Hey! Stop laughing!" naiinis na wika ni Zio saka pinagsusuntok ang binti ni Zach. Mas lalo lang natawa si Zach sa pinaggagagawa ng anak niya. Tumatalong talon pa kasi ito para lang paabot niya ito at masuntok.

"Stop it Zio" mahinahong saway ko rito.

"But mommy he kissed you." nakangusong wika nito saka lumapit sa akin.

"Kuya, kiss symbolizes love." litanya ni Zia.

"So? You mean dude loves mommy?" kunot noong tanong nito sa kapatid pero sa tatay niya nakatingin.

"Of course kuya! They won't get married if they don't love each other!" natatawang sagot ni Zia.

"But I should be mommy's first love. Then you Zia you're mommy's second love then You dude you're my mommy's third. Okay?" napailing na lang ako sa mga pinagsasasabi ng anak ko. Dude talaga ang tawag niya sa tatay niya, ewan ko ng sa kanya kahit pagsabihan kasi dedma pa rin.

"I should be your mom's first love. I'm her husband." kunot noong wika ni Zach.

"And I'm her son dude." sagot nito saka umirap. Sasagot pa sana ito ng magsalita ako.

"You better go, para makauwi kana kaagad." nakangiting wika ko kay Zach. Tumango lang naman ito. Hinalikan niya ang mga bata saka sya umalis.




"Zia stop running!" saway ko sa anak kong babae. Tatakbo takbo na naman kasi siya sa loob ng bahay.

Para namang wala itong narinig kaya tumakbo pa rin ito palabas ng kitchen. Nakarinig ako ng malakas na pag-iyak ng bata. Napabuntong hininga na lang ako sabi ko na nga ba e! Dali dali akong lumabas sa kitchen at tumungo kung nasaan si Zia.

"Look what happened to you!" naiinis na sabi ko rito nang makita ko ang sugat nya sa tuhod. Galos lang naman iyon kaya lang ayoko talaga ng nasusugat siya.

"S-orry M-mimi" umiiyak na wika nito.

Binuhat ko sya paupo sa sofa at ginamot ang sugat nito sa paa.

"Why are you crying again Zia?! You're disturbing my sleep!" naiinis na bulyaw ni Zio sa kapatid niya habang pababa ng hagdanan. Ayaw na ayaw niya kasi ng nagigising ng dahil lang sa ingay.

Napatingin ito sa tuhod ng kapatid at napailig na lang ito saka ngumisi.

"That's what you get if you don't listen to mommy" naiiling na wika nito. "You're so clumsy Zia. Tch. Childish." dagdag pa nito. Lalong umiyak si Zia dahil sa sinabi ng kuya nito.

"Stop crying, You are irritating my ears!" bulyaw uli nito sa kapatid.

"Stop it Zio!" saway ko rito. Inirapan lang ako nito kaya nakaramdam ako ng inis.

"Did you just rolled your eyes on me? I'm your mother Zio!" naiinis na wika ko sa kanya. Agad naman itong lumapit sa akin.

"I'm sorry mommy" wika nito at saka ako niyakap.

"Say sorry to Zia too." kalmadong sabi ko.

Humingi naman ito ng tawad sa kapatid.

Si Zia kasi isip bata talaga siya. Well, normal lang naman iyon dahil bata pa siya kaya lang sumasakit ang ulo ko sa kakulitan niya. Unlike Zio, parang matanda kung mag-isip kaya nga lang sumasakit rin ang ulo ko sa kanya tuwing lagi niyang pinipilit ang gusto niya at tuwing hindi na siya nakikinig sa mga pangaral ko.

Kahit sila ang sakit sa ulo at rason ng pagkastress ko. Sila rin naman ang pain reliever at stress reliever ko.

-
796 words

Doll Of The Heartless BeastWhere stories live. Discover now