Andrea's PovIlang taon na ang nakakalipas, Si Zach? He's comatose, Iniisip niyo ba kung nasaan siya? Pinadala siya ng mga magulang niya sa States. Nang sinabi ng doctor na nacoma siya, at hindi nila alam kung kelan o may posibilidad pa ba siyang magising ay hindi na nagdalawang isip ang mama at papa ni Zach na pumuntang States at doon pinagamot si Zach. Tama naman kasi ang mga magulang niya na may mas kaalaman at bihasa ang mga mga doctor doon, at siyempre marami ring mga makabagong gamit doon.
Actually pati ako ay nagstay din sa America para bantayan siya. Gusto ko kasing nasa tabi ko siya lagi, doon na rin ako nanganak. Naalala ko tuloy ang sinabi niya dati, Na dapat daw katabi ko siya kapag nanganak ako, na siya ang nagpupunas ng pawis ko sa noo kapag nahihirapan ako sa pag-ire, na kamay niya ang hawak ko na kahit madurog daw yun e okay lang dahil wala pa daw yun sa mga sakit na nararamdaman ko sa pagluwal ng anak namin.
Kaya nga lang, hindi nangyari yung mga sinabi niya dahil naaksidente siya. Few months ago, nag-decide akong umuwi sa pilipinas dahil sa isinugod at naconfine ang lolo ko, gusto niya daw kaming makasama ng mga apo niya sa tuhod bago daw siya mawala. Kahit kasi bumibisita siya sa amin sa Amerika ay hindi pa rin sapat iyon para maibsan ang pangungulila niya sa mga apo niya sa tuhod ngunit kailangan niya talagang intindihin na kailangan din ako ni Zach sa tabi niya. Pero ngayong naisugod siya sa hospital ay pinagbigyan ko siya sa kahilingan niya, kahit alam kong malakas pa ang lolo nakokonsenya pa rin ako dahil alam kong nalulungkot siya kaya pinagbigyan ko siya ngayon, pero babalik din kami dun sa Amerika.
Kambal pala ang anak namin ni Zach. They are, Zia Louise Hanz and Zion Josh Hanz, they are four years old. Yes, Zach's been sleeping for almost five years.
"Mimi! Buhat!" nakangusong sabi ni Zia at hinila hila ang may lay-layan ng shirt ko. Naglalakad kami ngayon papasok sa room ni lolo.
"Stop that Zia! You're old already, you should walk on your own!" singahal ni Zio sakanya. You know, Zio inherit his dad's attitude.
Sobrang daya nga lang kasi ako nagpakahirap iluwal ang mga anak ko tapos si Zach ang kamukha.
"B-but k-uya--" pinutol agad ni Zio ang sasabihin ni Zia.
"No more buts spoiled brat" naiinis na sigaw ni Zio sa kapatid niya.
"Zio! You shouldn't yell at your sister! You're older than her, just understand her okay?" mahinhin na pangaral ko sakanya.
"Yeah like I'm five minutes older than her" umirap nitong sagot. Manang mana talaga sa tatay.
"Mimi, It's okay po. I'll just walk na lang" nakayukong sabi nito. Marunong silang mag tagalog kahit sa states ko sila ipinanganak.
"Hmp! Are you really tired walking?" nakakunot noong tanong ni Zio sa kapatid. Tumango lang naman ang kapatid nito.
Nagulat ako ng umupo si Zio. "Then, I'll piggy back ride you" sabi nito at pinasan ang kapatid. Napangiti naman ako sa ginawa niya, He's indeed the lil version of Zach.
"Baby Zio, Let me carry your sister. Baka mahulog mo siya at baka mapagod ka" sabi ko rito.
"It's okay mom, Lolo's room is five steps away. And besides I'm strong." proud na sabi nito.
Zach if only you're here.
-565 words