Isa sa pinaka-tanyag, pina-sikat at pinak-respetadong pamilya ang mga Viceral. Nagmamay-ari lang naman sila ng malalaking mall dito sa pilipinas ang VSM (Viceral's Super Mall) pagmamay-ari din sila ng mga malalaking building, lupa at ilang mga farm dito sa pilipinas, kulang nalang talaga sila na ang magmay-ari ng buong pilipinas.
Tanging si Mr. Viceral (ama ng pamilya) ang kilala ng lahat ng tao dahil gusto nya lang na magprotektahan ang kanyang pamilya. Dahil kung sakaling kilala ng mga tao ang buong pamilya nya ay baka maging mainit sila sa mga mata masasamang tao at iyon ang ayaw na ayaw nyang mangyari.
Lingid sa kaalaman ng lahat tanging ang anak na lalaki na lamang niya ang kanyang kasama sa buhay, bukod doon ay wala na. Dahil namayapa na ang kanyang asawa noong ipinapangak pa lamang ang kanilang anak.
Mahal na mahal ni Mr. Viceral ang kanyang anak na si Josinto Sais Viceral Jr. Ngunit lingid sa kaalaman ng kanyang ama na ang kanyang anak pala ay pusong hitad. Means pusong babae. BAKLA in short.
General POV
Malayang nakakalabas at nakakapamasyal si Vice a.k.a (Josinto Sais Viceral Jr.) Ang haba mga apo nahihirapan akong mag-type hahahha! Dahil hindi naman sya kilala ng publiko kaya malaya nyang nagagawa mga gusto nyang gawin.
"Te! San mo gusto gumora today?" Tanong ng kanyang kaibigang bakla na si kiray.
"Saan pa ba? Edi kung saan maraming boylets! Sayang naman ang beauty ko kung hindi natin irarampa today." Sagot ni vice habang naglalagay ng blush-on sa pisngi na nakatapat sa kanyang mahiwagang salamin. Binili nya pa kase ang salamin na ito sa america na pagmamay-ari ng kontrabida sa snowhite. (Cheret!)
Pagkatapos mag-ayos ng sarili si vice ay agad na silang umalis sa kanyang malaking mansyon kasama ang kanyang mga baklang kaibigan na sina kiray, neggi at archie. Agad silang nagtungo sa bar na kadalasan nilang pinupuntahang magkakaibigan dahil ang bar na ito ay pribado at tanging mayayamang tao lang ang nakakapasok dito kaya sabi nga ni vice safe sila dito kase maraming guards at CCTV's ang lugar na ito.
Pagkapasok pa lamang nya ay rinig na agad sa loob ang malakas na tunog na naglilikha kung bakit marami ang parang loka loka at loko loko na napapasayaw sa musika. May ilang aliw na aliw at may ibang piniling magpakalunod lang sa alak.
Sanay na sila sa lugar na iyon kaya agad silang nagtungo sa kanilang mga upuan at tsaka umorder na kanilang mga inumin.
"Te! Grabe ang pogi nung guy na nasa counter table oh!" Sabay turo ni neggi sa lalaking nasa may counter. Napalingon naman kaagad si vice sa naturan ng kaibigan at tama nga naman si neggi ang gwapo nung lalaki na halatang interesado din kay vice dahil nakangiti din ito sa kanya habang tinaas nito ang alak na sa kamay nya na para bang inaalok si vice makipag-cheers agad namang ginaya ito ni vice habang nakatitig sa isat isa na may kasamang nakakalokong ngiti.
"Ay grabe sya oh! Te, wag kang obvious.kilig na kilig ka eh." Sabi naman ni archie na kinukurot sa tagiliran si vice.
"Wag kang ano dyan! Bet din ako nun eh." Sagot ni vice na nakikipagtitigan pa din sa lalaki na may malaking ngiti sa kanyang mga labi.
"Huwaw naman te! Anong say kaya ng pudra mo kapag nalaman nyang may ine-entertain ka na namang lalaki? For sure hindi lang grounded ang parusa nya sayo baka tuluyan ka na nyang itakwil hahaha!" Sagot uli ni archie.
"Kung ikaw kaya ang itakwil ko bilang kaibigan ko?!" Sigaw ni vice sa kaibigan habang napaisip sa sinabi ng kaibigan.
Hindi naman talaga alam ng kanyang daddy ang tungkol sa pagiging pusong sirena nya. Dahil sa pagiging tanyag narin ng kanyang daddy kaya't pinili na lamang nya na hindi ito ipaalam sa ama na makakasira sa imahe nito bilang isang napakagaling pagdating sa pagnenegosyo.
Lalaking lalaki syang umasta sa loob ng mansyon ng kanyang ama, lahat ng make-up sets nya ay itinatago nya sa kanyang baul na ginagamit nya kapag meron syang mga gimik kasama ang mga kaibigan. Nasa condo unit naman nya ang kanyang mga gown at mga damit na pambabae sapagkat sa condo naman talaga sya nakatira at hindi naman sya hinadlangan ng kanyang ama dahil mabuti na din daw ito sa kanyang anak para maging independent at hindi umasa sa yaman ng kanyang ama.
Labag man ito sa kanyang loob pero ginagawa naman nya ito dahil mahal na mahal nya ang kanyang ama. Ang kinatatakot nya lamang ay ang pagdating ng panahon na gustuhin ng kanyang ama na magkaroon sya ng sarili nitong pamilya na sa kaloob looban nya ay ayaw na ayaw nyang mangyari dahil bukod sa magaasawa sya ng babae ay makakasama nya ito araw araw sa oras na ikasal sila.
Iniisip palang ito ni vice ngunit nasusuka na sya. Hindi nya lubos maisip ng magaasawa sya ng babae sapagkat ang gusto nya ay lalaki.
BINABASA MO ANG
Love Me or else! 💋
FanfictionAng pinaka-malalang storya in the whole universe, makakasapak kayo sa pagka-baliw, maaaring di kayo makatulog, makakain at makahinga kaya WARNING! WARNING! WARNING! Ang storyang ito ay kathang isip ko lamang kung meron mang ibang salita na pagkakaha...