The Unexpected Kiss

12 0 0
                                    

XX









..
Naunang bumalik sa site si vice dahil sa pagkainis na lamang nya kina karylle at christian. Sumunod naman agad si karylle dito dahil nasense nya naman na sinumpong na naman ng topak si vice.

"Hoy viceral, ano na namang drama yung kanina?" Panimula ni karylle ng makapasok na sya sa kwarto nila ni vice.

"Tse! Dun ka na sa christian na yun!" Inis na sigaw ni vice na nakahalukipkip lamang sa kama.

"Teka.. Nagseselos ka ba? Uyyyy nadedevelop na sya saken." Pangaasar naman ni karylle dito.

"Yung totoo karylle, sino satin ang unang nadevelop?" Ganting asar naman sa kanya ni vice.

"Ewan ko sayo!" Sagot naman ni karylle at agad dumiretso sa banyo para mag-shower, ngiting pang-commercial ng colgate naman si vice dahil mukhang tama sya sa hinalang may crush sa kanya si karylle.

..
"Hoy bruha!" Tawag ni vice kay karylle na nakatalikod sa kanya, magkatabi kasi sila ngayon sa kama at matutulog na (malamang!!)

"...."

"Kareeeelllll" muling tawag nya sa dalaga ng hindi ito tumugon, alam namang nyang gising pa ito dahil kahihiga lamang nila.

"Tss! Pwede ba viceral kung ayaw mong matulog, magpatulog ka naman!" Sagot naman ni karylle habang nakatalikod pa din ito.

"Ito naman, gusto ko lang naman ng kausap."

"Kung gusto mo ng kausap, madaming kuliglig at lamok sa labas sila nalang kausapin mo!" Tugon muli ng dalaga.

"Wag mo nga kong itulad sayo na kinakausap ang mga damo!" Ganti naman ni vice.

Ng walang ano anuy hinigit nya ang braso ni karylle upang mapaharap ito sa kanya at agad namang niyakap nya si karylle. Ang ulo ni karylle ay nakasandal lang sa dibdib ni vice dahilan kung bakit rinig na rinig nya ang tibok ng isang pusong baklang manyakis. Hahaha!

"Nananantsing ka na naman ha." Sabi ni karylle habang mahigpit pa din syang yakap ni vice.

"Tse! Gusto mo naman."

"Last day na natin dito sa boracay. Parang ang bilis bilis ng araw." Muling sambit ni vice.

Inangat naman ni karylle.ang ulo nya para matingnan nya ang mukha ni vice, na nagkatitigan naman sila dahil dito. At hindi ineexpect ni karylle ang mga sumunod na nangyari, dahan dahang lumapit ang mukha ni vice sa mukha ni karylle hanggat maglapat na ang kanilang mga labi. Nanatiling nakadilat ang mga mata ni karylle dahil parin sa pagkagulat, samantalang nakapikit naman ang mga mata ni vice..at dahil don napapikit na lamang din si karylle at pinili nitong damhin ang mga nangyayari. Maigsi lamang sana ang halik na ito kundi lamang nakita ni vice na nakapikit na din si karylle at tila gusto rin naman ng dalaga kaya't sinimulan nyang igalaw ang kanyang mga labi upang mapalalim ang kanilang halik. It was slow passionate kiss at ramdam na ramdam nila na para silang sasabog sa saya ngayon. Bahagya namang naputol ang moment nilang yon ng biglang tumunog ang cellphone ni vice. Unang humiwalay si vice sa halik nila at bumalik sa ulirat, agad nyang kinuha ang cellphone nyang ring ng ring sa ibabaw ng table. Ng makita nya kung sino ang tunatawag ay lumabas muna sya saglit sa kwarto at pumunta sa labas para makausap ang tao sa kabilang linya.

Samantala..gulat pa din si karylle dahil sa mga nangyari. Hinawakan nya pa ang labi nya at inalala ulit ang halikan nila ni vice kanina. Gulong gulo na sya ngayon kung ano ba talagang nararamdaman nila para sa isat isa, nagkukunwari parin ba sila o nagiging totohanan na?

At dahil natagalan si vice sa katawagan nito nakatulog na agad si karylle. Pagpasok pa lamang ni vice sa kwarto nakita nito ang mahimbing na natutulog na si karylle, dahan dahan syang humiga katabi nito, pinagmasdan ni vice ang maamong mukha nito ng mapadako ang mga mata nya sa labi ng dalaga. Naalala na naman nya yung halik nila kanina, at tila bumilis na naman ang tibok ng puso nya na para bang nagkakarerahan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 12, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Me or else! 💋Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon