XIV
...
Karylle's POVPagkatapos kong mag-jogging agad akong pumasok sa loob ng bahay nina vice, nadatnan ko syang kababa lang hagdan mukhang bagong ligo ito at infairness boy na boy sya ngayon ha porket andito yung daddy nya. Samantalang pag wala yung daddy nya kulang nalang magsuot sya ng panty dahil sa sobrang igsi ng short nya, daig nya pa ang tunay na babaeng manamit, baklang bisugo talaga.
"Saan ka na naman galing bruha?" Tanong nya sakin, pero wala talaga ako sa mood kausapin sya, nababadtrip ako sa kanya di ko na naman alam kung bakit dahil siguro tinawag nya kong bruha ngayon. Kaya imbes na sagutin ko sya inirapan ko nalang sya at umakyat na agad ako sa kwarto ko.Naligo na ako dahil sobrang pawis ko na dahil sa pagjo-jogging ko kanina. Naalala ko na naman yung sinabi ni vhong, hindi malabong makita ko na si billy ulit. Handa ko na ba syang makita ulit? Naka-move on na ba talaga ako? Dapat lang Ana Karylle! Dapat lang! Sya nga naka-move on na panigurado, dapat ikaw din. Napabuntong hininga nalang ako ng maalala ko yung araw na sobrang nasaktan ako dahil kay billy.
Flashback.
Nakaupo lang si karylle sa hallway dahil katatapos lang ng klase nya at iniintay nya ang dalawang bestfriend nya na sina billy at vhong. Mga 10 minutes syang nagantay sa dalawa ng dumating ang mga ito, parehas itong naka-ngiti at naguunahang lumapit kay karylle.
"Para talaga kayong mga bata, bakit ba kayo naguunahang makalapit sakin?" Tanong ni karylle sa mga ito.
"Karylle may gusto kase kaming sabihin sayo." Sagot ni vhong. Si billy naman ay tumango tango nalang at sinangayunan ang sinabi ni vhong.
"Ano ba yun?" Usisa ni karylle.
"Alam mo namang bukas na yung prom night natin diba?" Sagot naman ni billy.
Mukhang nagka-hint naman si karylle sa sinasabi ng dalawa, marahil kaya naguunahan ang dalawa sa kanya para ayain syang maging date sa prom night, ngunit pag nangyari yun hindi nya alam kung sino sa dalawa ang pipiliin nya, oo mahal nya si billy ngunit bestfriend naman nya si vhong at ito lagi sya nitong tinutulungan tuwing may kailangan sya kaya malaki din ang utang na loob nya dito.
"And?"
"And we would like to ask you to be our date." Simpleng sagot ni vhong at pataas taas pa ang kilay nito.
"Pero di ba dapat isang babae at isang lalaki lang ang magka-date?" Paninigurado ni karylle.
"Uhm.. Yeah! Kaya nga kailangan mong mamili saming dalawa ni vhong kung sino gusto mong maka-date. Okay lang naman saming dalawa kung sino piliin mo wala namang samaan ng loob di ba kuys?" Tanong ni billy kay vhong. Nag thumbs up lang si vhong sa sinabi ni billy at ngumiti ito kay karylle.
"Pero.. Di ko kayang mamili sa inyong dalawa. Parehas ko kayang bestfriend eh." Napatungo nalang sya dahil sa sitwasyong bakit kailangan nya pang mamili sa dalawa nyang kaibigan, parehas nyang mahal ito at ayaw nyang isa sa kanila ang masaktan, hindi nya ata kayang mangyari yun.
"It's okay K, si billy nalang piliin mo. Yayain ko nalang si tanya yung crush ko sa kabilang section haha!" Pagdadahilan ni vhong kahit na hindi naman talaga nya crush si tanya. Masakit man sa damdamin nyang hindi nya makaka-partner si karylle ang bestfriend nya.. Na mahal na mahal nya nung simula palang. Pero dakilang torpe sya kaya hanggang ngayon di nya parin nasasabi kay karylle na mahal nya ito. Matagal na din kase nitong alam na si billy ang mahal ni karylle at hindi siya, sobra syang nasaktan ng sinabi sa kanya yun ni karylle, hindi ata sapat ang salitang wasak na puso ang naramdaman nya. Hindi nya alam kung manhid lang ba talaga si karylle kaya di nito nararamdamang mahal sya nito.
BINABASA MO ANG
Love Me or else! 💋
FanficAng pinaka-malalang storya in the whole universe, makakasapak kayo sa pagka-baliw, maaaring di kayo makatulog, makakain at makahinga kaya WARNING! WARNING! WARNING! Ang storyang ito ay kathang isip ko lamang kung meron mang ibang salita na pagkakaha...