Boracay trip

12 0 0
                                    

XVI











...
Nakasakay silang dalawa ngayon sa hammer ni vice papuntang boracay. Kitang kita sa mukha ni karylle ang excitement ngunit taliwas sa mukha ni vice na nakabusangot at halatang napilitan lang sumama. Kung tinatanong nyo kung paano napapayag ni karylle si vice? Well, this is the story behind that:

Flashback.

Pumunta si karylle sa kinaroroonan ng office ng daddy ni vice, pumuwesto sya malapit dito at sinigurado nyang makikinig sya ng daddy ni vice. Umupo sya malapit sa hagdan at sinimulan na ang kanyang plano.

Karylle's POV

Umiyak ako ng umiyak ng sobrang lakas yung tipong O.A na kumbaga. May pasinga singa epek pa ako habang punas ng punas sa damit ko na may sipon ko feeling ko para akong batang paslit sa ginagawa ko eh, kadiri man pero sabi kase nila mas effective at kapani-paniwala daw kapag mas nakakaawa kang tingnan eh.

At di rin nagtagal nakinig nga ng daddy ni vice ang pag-ala MMK ko dito, dahilan kung bakit ito lumabas sa office nito at puntahan at tabihan ako.

"Oh iha, what happened? Bakit ka umiiyak?" Tanong ng ama ni vice.

"Wala po..huhu......." Sagot ko. Syempre pabebe muna, kailangan wag mag madali sa topic.

"Hindi pwedeng walang dahilan ang pagiyak iha, you can tell it to me. Nag-away ba kayo ng anak ko?" Tanong ulit nito habang inabot nya sakin yung panyo nya at walang hiya ko namang siningahan iyon. Medyo nakakahiya ata yon??? Hahaha

"May konting hindi pagkakaunawaan lang po kami huhu... Gusto ko lang naman po talagang pumunta sa kasal ng kaibigan ko sa boracay...huhu... Kaso sabi nya ayaw nya daw po mahiwalay sakin, mamimiss nya daw po ako eh..huhu.. Di ko naman po sya masisi kung sobra yung pagmamahal nya sakin..huhu.. Kaso gusto ko po talagang pumunta eh.."

O jusko, nagsinungaling na naman po ako. Patawarin nyo po ako.

"Ganun ba? Don't worry iha, ako ng bahala. You can go to boracay."

Tila kusang naputol ang pageemote ko at napatayo ako ng wala sa oras dahil sa goodnews na narinig ko, nagtatalon ako sa sobrang saya dahil sa wakas gumana na yung plano kong pagpunta ng boracay.

"But, magkasama kayo ni vice pagpuntang boracay." Dagdag pa nito.

Napatigil naman ako sa pagbubunyi ko ng sinabi nya iyon. Hindi ko ineexpect na isasama nya sakin yung baklang yun ah. Pero ok na din atleast makakapunta na kong boracay. Hihi.

End of flashback.

"Pwede bang wag kang malikot! May kikiyo ka ba sa pwet?!" Sigaw ni vice kay karylle dahil kanina pa itong hindi mapakali sa sobrang pagka-excite.

"Excited lang ako nuh. Ikaw ba hindi ka excited pagpunta ng boracay?" Tanong naman nito kay vice.

"Hindi!! Lalong lalo na kung kasama kita!!!" Sigaw ulit nito at tumalikod kay karylle at naglagay ng headset sa tenga nito at natulog na lamang.


Hindi na lamang ito pinansin nu karylle dahil nangingibabaw pa din sa kanya ang goodvibes dala ng excitement nito.

Nangmakarating na sila sa airport kung saan sila sasakay ng eroplano (malamang! Alangan namang bangka.) Papuntang boracay. Magkatabi pa din sina vice at karylle sa eroplano ngunit nanatiling tahimik at bugnutin si vice, samantalang si karylle tila hindi ito nauubusan ng energy at masiglang masigla pa din. Hindi na lamang nya kinulit si vice dahil baka lalo pa itong magsungit sa kanya at baka mag-away pa sila, hinayaan na lang nyang matulog sa byahe si vice habang sya nakatingin lang sa bintana ng eroplano kahit na nakakaramdam na sya ng hilo sapagkat ito ang kauna-unahan nyang pagsakay sa eroplano kaya naman hindi pa sya sanay dito. Feeling nya umiikot na yung sikmura nya, naghanap sya ng plastic o di kaya supot para sukahan nya, ngunit wala syang makitang ni anong plastic, hindi naman nya magawang pumunta ng banyo dahil sa sobrang pagkahilo. No choice na sya kundi gisingin si vice at humingi ng tulong dito.

Love Me or else! 💋Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon