Chapter V- Malas!

17 1 0
                                    

Karylle's POV

Lumabas muna ako saglit sa event na yun, gusto kong lumanghap ng sariwang hangin, tantanan na sana ako ng malas. Naalala ko na naman yung baklang yun kundi dahil sa kanyang busog na sana ako, yan tuloy di ako nakakain!

Pumunta ako sa may garden na part, akalain nyo yun may garden dito haha! nakakita ako ng swing kaya dun muna ako umupo habang nagbibilang ng damo charot! Habang nagbibilang ng stars sa langit. Ito talaga ang nakakapagpa-goodvibes sakin eh ewan ko ba kung sa tuwing nakikita ko sila sa langit natutuwa ako, gumagaan yung pakiramdam ko.

"Baliw ka talaga eh noh? Pati ba naman mga bituin binibilang mo?"

Napalingon naman ako sa taong nagsalita at automatic namang na badvibes ulit ako, at eto naman ang nakakapagpa badvibes saken ang makita ang mukha ng mokong na to!

"Ako ba talaga eh di mo tatantanan ha?"

"Hindi hangga't di ko nakukuha yung gusto ko."

"At ano namang gusto mo aber?"

Umupo din ito sa swing na katabi ko, pinaduyan nya muna yon bago.ulit magsalita.

"I want you to be my girlfriend."

"Ahsjjjzzhswaimskosgg!"

Tinakpan nya yung bunganga ko gamit ang hintuturo nya kaya di tuloy ako nakapagsalita ng ayos.

"Bago ka mag-react, gusto kong magpanggap ka bilang girlfriend ko."

"Afsgsssssyghj!"

"At bawal kang tumanggi. Maliwanag ba?"

Binatukan ko naman sya dahil kanina nya pakong ayaw pagsalitain gawa ng daliri nyang nakaharang sa bibig ko.

"Aray ko naman te!!!"

"Bwiset ka rin eh noh?! Anong kala mo saken sunudsunuran mo?! Magpanggap kang magisa mo!"

"Bakit ba ang hilig hilig mong sumigaw? Pinaglihi ka ba sa pepe ng baboy?!"

"Eh ikaw ba pinaglihi ka ba sa mukha ng kabayo?!"

"Inuubos mo talaga ang pasensya ko ha!!"

Sya pa talaga ang may ganang magalit, napaka sama talaga ng ugali nitong baklang to kahit kailan, at gusto nya pa talaga akong pagpanggapin bilang girlfriend nya ha? Ano sya hilo?!

"Babayaran naman kita eh!!"

"Pake ko sa bayad mo?!"

"Magkano ang kinikita mo sa trabaho mo? Kaya kong doblehin yun o kung gusto mong triple pa basta pumayag ka lang sa gusto ko."

Napaisip naman ako saglit sa sinabi nyang yon, triple daw? Malaki laki din yun, kaya na nung bumili ng 1 month gamot ni lola. Pero di parin ako papayagan puro kamalasan lang kase ang hatid nitong baklang to baka malasin lang ako araw araw pag kasama ko to, tsaka baka di rin pumayag si anne at sesantihin pa ko nun.

"No! As in capital N-O!! No!"

"Ang pa-chix mo naman! Akala mo naman maganda ka?! Akala mo naman gusto kita?!"

Eh walangya pala talaga tong baklang to eh! Insultuhin ba naman itsura ko?

"Eh tarant*do ka pala talaga eh! Umalis ka na nga dito pwede ba! Wag nalang ako ang pag-tripan mo humanap ka ng iba tsupe!"

Napahilot sya sa sintido nya at biglang tumayo. Pumunta sya sa harap ko at tinitigan ako, di ko sya mabasa kung anong nasa isip nya ngayon di naman ako mind reader eh.

"Ngayon ko lang gagawin to sa tanan ng buhay ko kaya pwede bang wag kang maarte."

Lumuhod sya sa harap ko, di ako makapaniwalang ginawa nya to para lang mapapayag ako.

Love Me or else! 💋Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon