XVII
...
Nandito kaming dalawa ngayon sa kwarto isang himala ulit dahil hindi ko na ata naririnig ang mga reklamo nya lagi."Gusto mong lumabas?" Tanong nya habang yakap yakap nya yung tuhod nya habang balot ng comforter.
"Ayoko nga baka kung anong gawin mo sakin sa labas eh." Tanggi ko sa kanya habang sinusuklay ko ang kulot kong buhok at tinitiris tiris ko ito kahit wala naman talaga akong kuto.
"Sira! Lagi nalang bang masamang tao ang tingin mo sakin?"
"Hindi naman, oo lang."
"Tsk! Bruha ka talaga." At bago pa ko makasagot ay nahila na nya ako papuntang labas buti nalang talaga naka-panjama kaming dalawa ngayon, pero sya naka t-shirt na white na may jacket habang ako naka sando lang, shit! Nilalamig ako.
"Saan ba tayo pupunta?! Nakakainis ka di mo manlang ako hinayaang makapag jacket manlang eh nilalamig tuloy ako." Reklamo ko habang hinigit ko ang braso kong kanina nya pa hawak dahil kinakaladkad nya ko.
Binagalan ko lang ang lakad ko habang sumusunod sa kanya at yakap yakap ko ang dalawang braso ko dahil nilalamig talaga ako ang lakas kasi ng hangin babagyo ba? Malas ata ang kasal ni billy ah. Haha.
Napatigil nalang ako ng mabunggo ako sa dibdib nya? Nakayuko lang kasi ako habang naglalakad kayat di ko napansin na tumigil pala sya at bago pa ko mag-angat ng tingin sa kanya, naramdaman ko nalang na ibinalot nya ang jacket nya sakin.
"Wag mong isipin na binigay ko yan sayo dahio ayokong lamigin ka, binigay ko yan sayo dahil.maraming lamok dito." Sagot nya kahit di pa naman talaga ko nagtatanong.
"Para hindi ako magka-dengue?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi. Baka kase mamatay yung mga lamok kapag nasipsip yang dugo mong may virus, kawawa naman sila."
Anak ng tokwa talaga tong baklang to! Akala ko gentleman na hindi parin pala.
"Bwiset ka talaga!!!" Sigaw ko sakanya at iniwan ko nalang sya dun, binilisan ko nalang ang lakad ko kahit na di ko talaga alam kung saan ang punta namin.
"Hoy bruha! Kanina pa tayo lakad ng lakad dito nalang tayo, pagod na ko." Reklamo nito at nakita ko syang umupo sa buhangin habang nakaharap sa dagat.
At syempre mabait naman ako, di nga lang halata. Naupo nalang din ako dahil kanina pa din naman akong pagod sadyang naiinis lang talaga ako sa baklang to.
"Alam mo ba simula nung bata ako tinago ko na tong pagkabakla ko sa daddy ko?"
Napalingon naman ako agad sa kanya dahil first time nya mag open sakin pa mismo.
"Feeling ko araw-araw nagsisinungaling ako sa kanya dahil araw-araw ko ding inililihim to sa kanya." Muli nyang sabi.
"Bakit ba hindi mo nalang sabihin sa kanya ang totoo? Hanggat di pa huli ang lahat?" Tanong ko naman sa kanya.
"Duwag ako eh. Duwag ako sa kahihinatnan ng mga mangyayari. Iniimagine ko pa nga lang scenario na umamin ako kay dad parang bibitayin na ko eh. Sa totoo lang, kaya ko naman inililihim to sa kanya dahil mahal ko sya eh, ayokong dumating sa point na sobra syang magalit sakin, sobra syang madis-appoint sakin, buong buhay nya ibinigay nya lahat ng makakaya nya para mabuhay kami ng masagana kahit wala si mama."
Narinig ko ang malalim nyang buntong hininga sabay ng pagyuko nya at dun ko palang napagtanto na umiiyak na pala sya. Ang baklang akala ko napaka tigas ng puso, ang akala ko na matibay ang loob hindi pala, salungat pala yun ng totoong pagkatao nya. Nakaramdam naman agad ako ng awa sa kanya, kahit naman na lagi kaming nagaaway hindi ko parin sya matiis noh.
BINABASA MO ANG
Love Me or else! 💋
FanficAng pinaka-malalang storya in the whole universe, makakasapak kayo sa pagka-baliw, maaaring di kayo makatulog, makakain at makahinga kaya WARNING! WARNING! WARNING! Ang storyang ito ay kathang isip ko lamang kung meron mang ibang salita na pagkakaha...