One Sweet Move (Lol. ang corny nung title haha)

18 0 0
                                    

XVIII








..
Nanonood ako ngayon ng T.V sa sala kahit na wala ang atensyon ko dito dahil kanina ko pang iniintay si vice. Itatanong ko sana sa kanya kung may bilihan ba dito ng mga damit para sa susuotin ko bukas sa araw ng kasal ni billy. Nang mainip ako sa panonood napagpasyahan kong lumabas muna saglit hanggat wala pa si vice, ngunit ng akmang bubuksan ko ng ang pinto bahagya akong nagulat dahil may nagbukas na nito at yun ay walang iba kundi si vice marahil nagulat din ito dahil nadatnan nya kong lalabas. Ngayon ko lang napansin na may dala syang dalawang paper bags.

"Aalis ka?" Tanong nya sakin habang nakatulala lang ako. Para kong tanga. Karylle napapadalas na yang pagkalutang mo.

"Ah hindi, pero teka san ka ba nanggaling ha?" Balik na tanong ko naman sa kanya.

Pumasok na muna sya sa loob ng site namin at inilapag ang isang paper bag sa isang table. Habang ang isang paper bag nyang bitbit ay inabot nya sakin.

"Ano to?" Tanong ko habang tiningnan ko ang laman ng paper bag nyang binigay sakin.

"Dress? Paanong--" ang kanina ko pang pinoproblema ay sa wakas nasolusyonan na, may dress na akong isusuot sa kasal ni billy. Teka, paano kayang nalaman ni vice na wala akong damit na isusuot bukas?

"Alam ko namang nakalimutan mong magdala ng dress na susuotin mo sa kasal ng kaibigan kuno mo. Nakakahiya naman sayo kaya binili na kita, bumili na din ako ng akin." Putol nya sa sagot ko.

"Iyo? Teka, sasama ka sa kasal?" Gulat kong tanong dito, dahil likas na maarte talaga tong baklang to kaya never kong naisip na sasamahan nya ko sa kasal ni billy eh pagpunta na nga lang dito sa boracay mukang kakainin na nya ko ng buhay dahil sa inis eh.

"Oo. Bakit bawal ba?" Tanong nya muli sakin habang nakataas ang isang kilay nya.

Hindi nalang ako nakipagtalo tutal naman sya ang bumili ng dress ko na tiyak na mamahalin dahil sa itsura palang nito. San naman kayang lupalop sya nakabili dito ng ganitong dress? Teka, may mall kaya dito sa boracay?

"Salamat dito ha. Babayaran ko nalang kapag binayaran mo na ko pagkatapos ng pagpapanggap na ito."

"Parang ganun din naman yun, sakin pa din nanggaling yung pera shunga ka talaga."


..
Dumating na ang araw ng kasal ni billy, dahil sa white ang motif ng beach wedding nina billy kaya naman naka white dress na medyo pabuka ngunit above the knee, lakas kong mag mukang princess dito sa suot ko buti nalang talaga maganda ang taste sa damit nitong si vice at nasakto talagang white yung binili nya sa motif. Habang sya naka white long sleeve polo na naka-tucked in sa black pants nya with a black belt and white rubber shoes isama pa ang bagong kulay nyang buhok na kulay black na naka one sided lang napaka goodboy ang peg nya today yet super gwapo hihi! Hala karylle ang landi mo! Nasampal ko tuloy ng wala sa oras ang ang sarili ko, ano ba naman kase ang pinagsasasabi ko.

"Poging pogi ka na naman sakin." Biglang sabi ni vice ng mapansin nyang nakatulala ako sa kanya.

"Ang kapal mo! Di hamak naman na mas gwapo si billy sayo." Sabi ko na agad akong tumalikod sa kanya dahil sa hiya ko, nahuli nya pa kong nakatitig sa kanya shet. Nilagpasan ko nalang sya at nauna akong lumabas ng pinto.

"Hoy karylle! Hinlalaki ko lang sa paa ang kamukha nung billy na yun noh!" Narinig kong sigaw ni vice habang nakasunod sakin.

"Whatever!"


Love Me or else! 💋Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon