Sapi

20 0 0
                                    

X









"Alam mo ang daming lugar sa paranaque bakit sa bar mo pa napiling pumunta?" Tanong sa kanyang ng kaibigan nyang si vhong habang papasok sila sa isang bar sa paranaque. Ewan ba nya at sa bar nya pa gustong pumunta, gusto nya lang talaga sigurong makalimot kahit saglit yung para bang walang dinadamdam na problema yung happy happy lang.

"Ang gandang 'Hi' nyan vhong grabe." Sagot sa kanya ni karylle na naghahanap ng mauupuan nilang dalawa ni vhong.

"Haha! Mukhang alam ko na kung bakit mo dito gustong pumunta."

Napalingon naman sya saglit kay vhong at tumaas ang isang kilay nito na para bang nacu-curious sya sa sinabi ni vhong.

"At ano naman yon?" Tanong nito sa kaibigan.

"May problema ka kaykay. Hahaha! You cannot hide it! Oha tama ba english ko? Hahaha!"

Isang malakas na batok naman ang natanggap ni vhong galing kay karylle.

"Aray ko naman, para san naman yun?"

"Isang tawag mo pa sakin ng kaykay ibabaon talaga kita ng buhay."

Umupo na silang dalawa ni vhong ng may makita silang bakanteng table. Agad umorder si karylle na ibat ibang klaseng alak.

"Seryoso karylle? Alam mo namang madali kang malasing diba?" Tanong sa kanya ni vhong dahil gulat pa din ito sa dami ng inorder ni karylle na alak, halata namang walang pinagdaraan ito.

"Alam ko namang di mo ko pababayaan diba? Kaya nga kita sinama dito dahil pag nalasing ako ikaw maghahatid sakin pauwe, sige na vhong order ka kahit ano my treat!" Sabi ni karylle at pangisi ngisi pa ito habang pataas taas ang kilay nya.

"Treat mo? Weh? Di nga? Nilalagnat ka ba o malapit ka ng mamatay?"

Agad namang nakatanggap ulit ng batok si vhong mula kay karylle. Tinawanan nalang ito ni vhong dahil natutuwa syang naaasar nya ito lagi.

"Kung ayaw mo edi wag! Kaw magbabayad ng lahat ng to ah! Bwiset ka." Sagot ni karylle.

Agad namag dumating ang order nilang mga alak at pulutan. Habang tumatagal ang oras unti unting nalalasing ang dalawa, sa totoo lang si karylle lang talaga yung lasing ang bilis kase nitong maubos ang alak nyang nasa baso at sa tuwing nauubos ito agad nya itong sinasalinan ulit ng panibago. Si vhong naman konti palang ang naiinom dahil alam naman nyang sya ang maghahatid kay karylle pauwi at delikadong mag-drive ng lasing.



Pagkalipas ng isang oras.....

"Ano?! Pumayag kang maging girlfriend non?!" O.A na reaksyon ni vhong dahil sa mga kinuwento ni karylle tungkol sa pagpapanggap nila ni vice.

"Oo eh kashe wala na kong kawala sha bishugong yon eh!" Sagot naman ni karylle na pagewang gewang na sa kinauupuan nito habang hawak ang isang bote ng alak at doon na nilaklak iyon. Napapailing nalang si vhong sa itsura ni karylle ngayon.

"Pwede ka namang tumanggi eh. Ano na naman ba yang pinasok mo kaykay este karylle? Lasing ka din ba nung tinanggap mo yung offer?" Tanong ulit ni vhong.

Umiling iling naman si karylle na parang bata at tumungga ulit ng alak bago nagsalita ulit.

"Wala na kashe akong trabahoh vhong, kaya napilitan nalang akong tanggapin yung offer!"

"Talaga lang ha? Eh bakit pati pagtira sa bahay ng lalaking--"

"Hindi sha lalaki." Putol na sagot ni karylle kay vhong.

Love Me or else! 💋Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon