Possessive Viceral

50 2 0
                                    

XIX








..

Akay akay ni vice si karylle habang pabalik sa kanilang site, lasing pa din kase ito dulot ng pagiinom nilang dalawa kanina samantalang si vice ay medyo nasa wisyo na kaya't inalalayan nya si karylle. Buhat buhat nya ito hanggang kwarto at dahan dahan itong inihiga sa kama. Tinanggal nya ang sandals nito at kinumutan bago sya pumunta ng banyo para mahimasmasan pa lalo.


Katatapos lang ni vice mag-shower ng mapansin nyang nakalimutan nya palang magdala ng towel sa loob ng banyo. Naisip nyang tulog naman si karylle kaya't safe lumabas ng banyo kahit wala syang saplot, unti unti nyang inilabas ang kanyang ulo sa pintuan at sinilip si karylle kung tulog ba ito. Laking pasalamat naman nya at tulog na ito at nakatalikod sa kanya na nakahiga. Dahan dahan syang lumabas ng banyo at dahan dahang lumapit sa cabinet kung saan nandun yung tuwalya nya, luckily nasa ibabaw lang ito ng mga damit nya kaya agad nya itong nakuha ngunit datapwat napaigtad sya ng marinig nyang magsalita si karylle.

"Vice?"

Tila nanigas sya sa kinatatayuan nya ngayon at dali dali nyang tinapis sa kanya ang tuwalya bago humarap kay karylle.

"Gi...gi...gising ka pala." Utal utal na sabi ni vice.

"Bakit ka nakahubad?" Tanong ni karylle habang nakahiga pa din at halata pa din ang pagkalasing dahil sa tono ng pananalita nito.

"Ka..katatapos ko lang kase maligo, eh nakalimutan kong magdala ng tuwalya kaya.. Kaya.."

"Come here." Utos ni karylle.

"Ha??"

"I said, come here." Muling tugon ni karylle.

"Ah sige wait lang magbibihis lang ako--"

"No! I said come here!"

Nagulat naman si vice dahil sa mga sinasabi ni karylle ngunit naalala nya noong isang nalasing si karylle ay parang nasasapian ito ng kung ano kaya marahil ganito na lamang din ang inaakto nito ngayon. Wala namang nagawa si vice kundi sumunod sa inuutos ni karylle. (Wala eh, kumander eh.)

Unti unti syang lumakad papalapit sa nakahigang si karylle huminto na lamang sya ng nasa may paanan na sya ng kama.

"Now what?" Tanong ni vice.

Dahan dahan namang bumangon sa pagkakahiga si karylle hanggang sa makaupo na ito. Nanatili lang syang nakatitig kay vice at pinasadahan nya ng tingin ang buong katawan nito na naging dahilan upang mailang si vice sa mga titig ni karylle at agad nyang binalot ang mga braso nya sa kanyang katawan.

"Karylle... Ano bang nangyayari sayong bruha ka? Nakakatakot ka na lately ha." Sabi ni vice habang balot pa din ang sarili.

Lumaki naman ang mata ni vice ng makitang nyang nagsisimulang hubadin ni karylle ang dress na suot nito. Napa sign of the cross nalang si vice dahil sa mga nangyayari. Agad namang tinakpan ni vice kanyang mga mata habang naghuhubad si karylle.

"Jusko po mahabaging langit, kung ano man pong espiritu ang sumasapi sa katawan ni karylle pakitanggal na po please. This is against my principles in life!" Sabi ni vice habang nakatakip pa din ang mga mata nya.

"Vice." Tawag sa kanya ni karylle.

"Karylle, utang na loob magbihis ka na ulet! Nakakadiri ka."

"Vice." Muling tawag sa kanya ni karylle, ngunit di parin si vice umaalis sa pwesto nya habang takip takip ang mga mata.

"Karylle, huhu.. Please lang, hinding hindi na talaga kita hahayaang uminom babae ka!" Sagot nito.

Love Me or else! 💋Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon