Chapter III- The Event

30 0 0
                                    

"Tiboli ka na meme?! Balik loob ka na ba?!"

"Tantanan mo ko buern! Mapapatay talaga kita!"

Bwiset ba naman kase, pagkatapos kong magkwento tungkol sa babaeng loka loka na yon dito sa bakla kong kaibigan ganyan na ka-OA ang reaksyon nya.

"Sorry na meme. Di ko lang talaga ma-imagine na.. Ewww.. Na.. ewww talaga meme! di ko bet sabihin eh. Talaga bang nagawa mo yon???"

"Sinabi ko na sayong di ko alam diba? Yon lang ang sabi sakin ng babae na yon ewan ko lang talaga kung nagsasabi ng totoo yon o may sapak lang talaga. Tss!"

Bwiset talaga yang babae na yan puro kamalasan ang dala nya, ini-stress nya ang beauty ko kakaisip sa kanya este! Dun sa nangyari samen "daw" kagabi." Pero ang gusto ko lang ay sana naman di ko na makita pa yong babae na yon na di ko manlang alam ang pangalan at di ko naman talaga gustong malaman pa.

"Ay nako. Buti pa wag mo ng isipin yung babae na yun kung may nangyari man o wala. Ang isipin mo for now, kung paano ka pupunta ulit sa iyong magaling na ama na wala ka manlang dalang good news para sa kanya."

"Tss! Isa pa yang si pudrabels dumagdag pa sya sa stress ko. Saan naman kase ako pupulot ng instant girlfriend o wife ko?! Anak ng putcha! Para namang madali humanap ng ganun kung ang gusto ko talagang hanapin ang boyfriend hindi girlfriend!"

Ano ba naman kaseng life to. Pinagpala nga ako sa kayamanan, kagandahan, kabutihan, karangyaan, kaputian, kakinisan pero bakit pati magkaroon ng amang may sapak sa ulo binigyan ako? E hindi ko naman hiningi yon ever!. Kung pede ko nga lang sanang ipangalandakan kay daddy na ang kanyang anak na lalaki ay babae na ngayon sa puso at diwa.

"Ay!!! I have a bright idea meme!!!!!"

"Putcha! Buern lower your voice baka nakakalimutan mong nasa public place tayo, bunganga mo naman. Ano ba kaseng bright idea na yan ha?! Siguraduhin mo lang na may sense yan ha pag yan talaga walang kwenta ipapalunok ko to sayong tinidor na to."

"Sobra naman meme. I'm sure maa-amaze ka sa idea kong to baka magpa-fiesta ka pa pagnalaman mo."

"Dami pang kuda. Ano nga yon?"


(Karylle's POV)

Bwiset na bakla yon pinag isipan pa ko ng masama kala mo naman kung sinong maganda e hindi naman kamukha nga yong kabayo doon sa video karera na pinaglalaruan ko dun sa amin. Well, illegal ata yon kaso makukulit yung mga kapit-bahay namin sa tondo e hehe.

Hi! Ako nga pala si Ana Karylle Batumbakal, 31 years old na ako pero maganda at sexy parin ako. NBSB ako, wag kayong tumawa dahil hindi ako nausuhan non! Nakatira ako sa tondo, yes you heard that right. Mahirap lang ako, pero dahil matalino at masikap ako sa pagaaral kaya ako nakapagtapos sa kursong Business Administration, hindi man sa pagmamayabang pero naging cumlaude ako nung graduation namin kaya madali akong natatanggap sa mga pinapasukan kong opisina. Nag-aagawan nga sila sa pagtanggap sa akin pero sa kompanya lang ni anne ko napiling magtrabaho, dahil bukod sa malaki ang sweldo ay napaka-bait nyang boss sa akin. Ang lola ko nalang ang kasama ko sa buhay, dahil tegi na ang aking mga magulang ang sabi lang kase sakin ni lola ay trip lang daw ng mga magulang ko at para din daw mapatunayan sa lahat na may forever. Luh! Muntanga lang ang magulang ko nuh? Haha.


Eto ako ngayon nasa paradahan ng jeep na sana ay pauwi na sa bahay namin ngunit tumawag ang boss ko sa opisina at kara karaka akong pinapapunta sa kanya.

Kriiiinnngggg... Kriiiinggg

Speaking of. Malamang sya na naman to ang kulit kulit. Eto na nga o papunta na.

"Where are you na Ana Karylle Batumbakal???"

"Wow naman Mam, Anne Curtis Smurfs ha. Maka tawag ka naman sa full name ko."

Love Me or else! 💋Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon