History of KAYKAY

23 0 0
                                    

XII








...
Nagising si karylle na sa sobrang sakit ng likod nya, ngayon nya lang naalala na sa sahig nga pala sya natulog dahil sa baklang asungot na nakitulog sa kwarto nya kagabi. Speaking of. Nagunat unat si karylle ng may matamaan sya ng braso nya, ngayon nya lang napagtanto na may katabi pala sya, at nakayakap pa ito sa kanya. Agad na nilingon nya ito at nagulat syang si vice pala ang katabi nya.

Ano kayang trip nitong baklang to pinaalis ako sa kama ko tapos dito rin naman pala hihiga sa sahig katabi ko.

Tinapik nya ito sa pisngi dahil kanina pa syang hindi makagalaw dahil sa higpit ng yakap nito.

"Hoy! Gumising kang buset ka!" Sigaw ni karylle dito.

Naalimpungatan naman si vice at binuksan nito ang isang mata nya at ang kabila namay nanatiling nakapikit lamang.

"Aga aga nambubulabog ka, bakit ba?" Tanong nito kay karylle.

"Yang braso mo! Manyak ka!" Habang tinanggal nya patulak ang braso ni vice na nakayakap sa kanya.  "tsaka ano bang trip mo! Dun ka natulog sa kama ko dahil sabi mo ayaw mo kong katabi eh anong ginagawa mo dito sa tabi ko ngayon aber?!"

"Eh, natakot ako sa kulog at kidlat eh di ako mapakali ng walang katabi."

"Edi sana hinayaan mo kong sa kama natulog hindi yung sasabihin mo pang ayaw mo kong katabi eh duwag ka naman pala sa kulog at kidlat."

"Sorry na poooo." Sabi ni vice at sinundot sundot si karylle sa tagiliran dahilan para makiliti ito.

"Ano ba vice nakikiliti ako hahahaha! Stop!" Tawa ito ng tawa dahil sa pagkiliti sa kanya ni vice.

"Fuck ano ba! Pagdika tumigil sa pagkiliti sakin paduduguin ko yang bunganga mo!" Ngunit hindi pa din natinag si vice at lalo pang kiniliti si karylle. Lumapit pa si vice kay karylle habang sinasangga ang mga hampas sa kanya nito.

"Enebe tama na hahaha! Nakikiliti ako hahaha! Pere tong sira hahaha!"

Natawa naman si vice sa pinagsasasabi ni karylle dahil akala muy isa itong malanding ewan dahil sa tono ng pananalita nito.


"Totohanin na kaya nating bigyan ng apo si daddy, what do you think?" Tanong ni vice habang nakangiti at pataas taas pa ang kilay.

Isang suntok naman ang lumanding sa mukha ni vice.

"Oucccchhhhhh!!!! Grabe ka te! Muntik ng humiwalay ng ulo ko sa katawan ko ah! Binibiro ka lang eh!!" Sigaw ni vice habang hawak hawak nito ang ulo nya na tila naalog ng bonggang bongga.

"Wag ka kaseng magbibiro ng ganyan!" Sigaw din ni karylle.

"Asa ka namang makikipag-chukchukan ako sayo! Ewww! Over my dead body! Di tayo talo!" Sagot ni vice at agad itong bumangon at kinuha ang unan nya at lumabas na ng kwarto ni karylle.

Hindi nya alam kung bakit nakaramdam sya ng sakit dahil sa sinabi ni vice sa kanya. Hindi nya alam kung ano bang problema ng puso nya at nagkakaganito sya ngayon. Parang may sariling buhay ang kanyang puso at gusto nitong umiyak. Pero isa lang ang nasisigurado nya yun ay nasasaktan sya ngayon ngunit di nya alam ang dahilan.

"Ano bang nangyayari sakin?" Tanong ni karylle sa sarili nya at hinawakan nya ang dibdib nya kung saan pinakikiramdaman nya ang tibok ng puso nya.






Love Me or else! 💋Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon