"Yan lang naman pala eh! Eh teka kung may rules ka dapat ako din meron!"
"Kailangan pa ba yun? Ako dapat ang masusunod hindi ikaw!"
"Ah basta! Hindi ko pipirmahan yan hanggat di mo pinipirmahan yung saken."
Kumuha ako ng papel sa drawer nya at nagsulat ako ng rules and regulations ko. Nang matapos ko na inabot ko na ito sa kanya.
Rules and Regulations: This is MANDATORY!!!!!!!!! HAHAHAHA
Rule#1: Kailangang may everday supply ng gamot si lola ayun sa nag prescribed na gamot sa kanya ng doktor including yung check-up nya every month.
Rule#2: Gagawin ko lahat ng gusto ko kapag wala dito ang daddy mo, wag mo din akong pakielaman.
Rule#3: Tatawagin kita sa kahit anong gusto kong itawag sayo.
"At ano namang gusto mong itawag sakin aber?"
Tanong nya saken ng mabasa nya yung rule# 3.
"Depende, kapag nandito daddy mo syempre dapat sweet yung endearment natin uhm.. Pwedeng babe, love, sweetheart? Baby, pangga, labidabs."
"Yuck! Labidabs talaga?!"
"Pake mo! Isa yan sa mga rules ko kaya sundin mo nalang!"
Ipinagpatuloy nalang nya yung pagbabasa nya kahit na kitang kita sa kanyang na naiinis na sya.
Rule#4: No kissing just holding hands and akbay lang ang pwede lalong lalo na bawal ang S*X depende kung gusto mo haha JOKE!!!
Nakita ko syang natawa habang binabasa yung rules and regulations ko, may nakakatawa ba kong naisulat don? Parang wala naman ah.
Rule#5: Bawal mainlove sa isat isa.
Humagalpak sya ng tawa with matching hawak pa ng tyan. Ano bang nangyayari sa baklang to? May nakakatawa ba talaga dun sa mga naisulat ko?
"Hoy! Anong nakakatawa ha?!"
"Seriously?? Asa ka namang mainlove ako sayo! Never mangyayari yon as in nevahhh!!! Hahahaha!"
Walangyang mokong na to! Pag talaga sya nainlove saken kakainin nya lahat ng sinasabi nya.
"Buern! Ayusan mo na sya, siguraduhin mong magmumukhang tao yan ha."
"Grabe ka! Bakit mukha ba kong hindi tao? Eh ikaw nga mukhang kabayo."
"SHUT UP!!!!! Buern! Pagkatapos mong ayusan tong babaeng to pakilagyan ng packaging tape yang bibig ng babaeng yan! Nakakairita na ang boses nya."
At nagwalkout na ang bruha, naiwan kami dito nung buern daw yun.
"Ganda mo naman girl. Simple make up.lang kailangan mo."
Sabi niya habang pine-prepare yung mga gagamitin nya sakin sa pagmemake-up.
"Buti ka pa sinasabihan akong maganda eh yang bakulaw mong amo laging panlalait nalang naririnig ko sa kanya."
"Yaan mo na sya te, ganun lang talaga yun. Teka matanong ko lang totoo ba talagang may nangyari sa inyo ni meme?"
"Ha? Wala ah. Sinabi ko lang sa kanya yun para inisin sya."
"Ahh. Sayang naman."
"Sayang? Bakit naman?"
"Eh yun naman talaga gusto ng pudra nya eh yung magkaroon ng pamilya si vice para magkaroon sya ng apo. Hahaha!"
BINABASA MO ANG
Love Me or else! 💋
FanficAng pinaka-malalang storya in the whole universe, makakasapak kayo sa pagka-baliw, maaaring di kayo makatulog, makakain at makahinga kaya WARNING! WARNING! WARNING! Ang storyang ito ay kathang isip ko lamang kung meron mang ibang salita na pagkakaha...