XV
...
Umuwi na din agad si billy pagkatapos ng paguusap nilang dalawa ni karylle. Pinuntahan naman agad ni karylle ang kwarto ni vice kung saan nya kinulong ito, pagkabukas nya ng pinto naabutan nyang natutulog si vice, naka tihaya lang ito at medyo nakanga-nga pa na humihilik. Medyo napatawa naman si karylle sa itsura ni vice ngayon. Kinumutan nya ito at tinanggal nya ang tsinelas nito.
"Gwapo ka pala. Sayang nga lang bakla ka." Sabi ni karylle habang pinagmamasdan ang tulog na tulog na si vice.
Lalakad na sana sya palabas ng kwarto ni vice ng marinig nya itong magsalita.
"Bakla ako pero mahal kita."
Bigla syang naestatwa sa kinatatayuan nya ng marinig nya iyon kay vice, dahan dahan syang lumingon dito ngunit nakita nyang nakapikit pa din ito at medyo gumalaw lang at nagkamot sa leeg.
"Damuhong to! Akala ko ako na ang kausap nya, nananaginip lang pala." Padabog nyang isinara ang pinto ng kwarto ni vice at agad lumabas para pumunta sa kwarto nya.
Pagkalabas ng kwarto ni karylle isang ngiti naman ang rumehistro sa labi ni vice, dahil ang totoo gising naman talaga ito at sinabi nya talaga yun kay karylle, naisip nya lang i-goodtime ito dahil naunahan din sya ng pagka-torpe at takot na din na baka isang malakas na batok na naman ang matamo nya dito.
..
"Ano nang ganap meme?" Pang-uusisa ng kaibigan nyang si buern.Kasalukuyan silang nasa bar ni vice na kadalasan nilang puntahan sa tuwing wala ang ama ni vice sa kanilang mansion o di kaya naman ay kapag rarampa silang mga kaibigan.
"Ano pa ba? Feeling ko lagi nakatira ako sa impyerno, knowing Karylle's the queen of evil." Sagot ni vice sabay inom ng isang baso ng alak.
He thinks that alcohol is the best medicine to everything. Pwedeng kapag masaya ka, pwede rin kapag malungkot ka, or even confused, maraming problema, celebration etc.
"Eh bakit kase hindi mo nalang tapusin yang kahibangan nyo? Yang pagpapanggap nyo. Aminin mo nalang sa pudrakels mo na paminta ka." Salaysay nito sa kaibigang si vice.
"Para ano? Para itakwil ako ni dad? Para kamuhian nya ako habambuhay? Hindi ganung kasimple yun buern."
"O edi itakwil ka, kamuhian ka. Pero naniniwala ako na hindi kayang tiisin ng magulang ang mga anak nila. Itakwil ka man nya ngayon, pero darating din ang panahon maiintindihan nya din lahat ng to, matatanggap nya na din na bakla ka." Dagdag pa nito at tinapik nya sa balikat si vice para iparamdam ang concern nya dito.
"Pero.meme, sayang din si Karylle eh. Come to think of it, maganda, sexy, mabait, down to earth, lahat na ata na sa kanya eh." Dagdag pa nito.
Agad namang tumaas ang kilay ni vice sa pagkakarinig pa lamang ng pangalang karylle. Matik na ata na kapag nakikinig nya ang pangalan na yun nagiinit ang dugo nya.
"Yung bruhang yon mabait? Psh! May mabait bang nagkukulong ng inosenteng tao sa kwarto?! For godsake buern! Kinulong nya ko.sa kwarto para lang makipaglandian don sa kaibigan 'kuno' nya!" Singhal ni vice sa kaibigan.
Hindi nya labis maintindihan kung bakit lahat ng nakakasalamuha ni karylle ang tingin sa kanyang dyosa, walang balak gumawa ng masama, mabait, pero bakit pag sya kabaliktaran lahat ng nasa utak nya ang katangian ng babaeng yun. Well except na maganda, aminin man nya o hindi, maganda talaga si karylle pero hindi yun sapat para magkasundo sila.
"jelly ace ka ba meme?! Hahahaha!" Pangaalaska ni buern sa kaibigan.
"Jelly ace ka dyan! Namo!" Sabay bato sa kaibigan ng pulutan nila.
BINABASA MO ANG
Love Me or else! 💋
FanficAng pinaka-malalang storya in the whole universe, makakasapak kayo sa pagka-baliw, maaaring di kayo makatulog, makakain at makahinga kaya WARNING! WARNING! WARNING! Ang storyang ito ay kathang isip ko lamang kung meron mang ibang salita na pagkakaha...