XI
...
Nagising si karylle na masakit ang ulo hanggang anit, feeling na nga nya wala syang anit ngayon. Di nya alam kung anong nangyari kagabi, wala syang matandaan kundi yung pagiinom lang nila ni vhong the rest wala na. Hindi nya alam kung paano nakarating dito sa bahay ni vice, marahil hinatid sya ni vhong dahil mabuti naman itong kaibigan sa kanya. Ang di lang nya malaman eh kung bakit masakit ang anit nya. Bumangon sya sa kama habang hawak hawak ang kanyang ulo, lumakad sya palapit sa salamin at bigla nalang syang nagulat sa itsura nya. Mukha syang sabog na bomba, gulo gulo ang buhok nito at kalat kalat ang eyeliner at lipstick nya sa mukha. Isa lang naman ang mapagtatanungan nya kung bakit sya nagka-ganun kundi si vice, alam nyang si vice lang ang makakasagot lang ng katanungan nya at malamang si vice din ang may kagagawan kung bakit ganito ang itsura nya ngayon. Dali-dali syang pumunta ng banyo upang maligo dahil feeling nya amoy ewan na sya.
Pagkatapos nyang maligo bumaba na sya at agad nyang hinanap si vice. Nakita nya itong nakaupo habang nagkakape sa kusina.
"What happened last night?" Tanong ni karylle ng makalapit sya kay vice.
Muntik namang mabulunan ni vice ng magulat sya kay karylle, pasulpot sulpot lang kase ito at di nya manlang naramdam ang paglapit nito sa kanya.
"Pwede bang wag kang mang-gulat?!" Sagot naman nito kay karylle.
Inirapan lang sya ni karylle at di pinansin ang sinabi nito, umupo din ito sa upuan na katapat ni vice.
"Oh bakit ka ganyan makatingin? Pagnanasaan mo na naman ba ako?" Tanong ni vice ng mapansin nyang titig na titig si karylle sa kanya, though hindi na ito katulad ng kagabi na sabog ang itsura mukhang tao na ulit ito ng makaligo.
"Na naman? Bakit napagsamantalahan na ba kita?!" Tanong din nito kay vice.
Nakita nya ang pag-ngiti ni vice dahil sa sinabi nya. Pero di nya alam kung bakit ito naka-ngiti sadya lang bang nakakahawa ang pagka-baliw?
"Oo kagabi. Don't tell me di mo naaalala yung pinagagagawa mo kagabi?" Tanong ni vice sa kanya na hindi pa din nawawala ang ngiti sa labi nito.
"Kaya nga tinatanong kita kung anong nangyari kagabi kase nga wala akong naalala kahit isa!"
"Well.. May lalaking naghatid sayo dito, wait ano ba yung name nun.."
"Si vhong." Sagot ni karylle.
"Yeah right, yung vhong na yun hinatid ka dito. At kung di ka naman tanga di ko alam kung anong trip mo at nagpaka-lasing kang bruhilda ka!"
"Just tell the whole story!!!" Sigaw ni karylle dahil kanina pa sya kating-kating malaman ang totoong nangyari kagabi.
"Teka lang may lakad ka may lakad?! So yun nga, nakakahiya naman kase sayo kaya binuhat kita--"
"Ikaw nagbuhat saken? Weh?? Baka may katulong ka sa pagbuhat sakin kase di ako naniniwalang nakaya mo kong buhating mag-isa!"
"Pwede ba just SHUT UP!!!!! OO NA! MAY KATULONG AKO PAGBUHAT SAYO OKAY NA? OKAY NA?!!" Sigaw ni vice sa kanya.
"Okay. Continue." Sagot ni karylle at naglean back para sumandal sa upuan nya.
"Yun nga PINAGTULUNGAN KA NAMING buhatin sa kwarto mo. At nung tayo nalang ang naiwan sa kwarto bigla ka nalang nagising at para kang nasapian ng kung anong espiritu, sinabi mo sakin na kung pwede mo kong halikan..."
BINABASA MO ANG
Love Me or else! 💋
FanficAng pinaka-malalang storya in the whole universe, makakasapak kayo sa pagka-baliw, maaaring di kayo makatulog, makakain at makahinga kaya WARNING! WARNING! WARNING! Ang storyang ito ay kathang isip ko lamang kung meron mang ibang salita na pagkakaha...