"Your unbelievable dad!"
Hinawakan ni vice ang kamay ko at hinigit ako patayo, umalis kami at iniwan namin yung daddy ni vice sa kitchen. Nabadtrip ata tong mokong na to. Kitang kita mo sa kanya ang galit at inis sa mukha nya. Binitiwan nya na yung kamay ko pagkalabas namin ng kitchen at umakyat na sya papuntang kwarto nya, ako naman sumunod nalang sa kanya.
Nakita kong hinubad nya yung blazer nya at hinagis nalang ito kung saan na para bang nagdadabog, tinanggal nya ulit yung isang botones ng polo nya at umupo sa kama nya.
"Kainis!!!"
"Calm down vice, walang magagawa yang galit mo."
"Teka ano bang ginagawa mo dito? Gusto kong mapag isa, lumabas ka muna pwede ba?!"
Maka-sigaw ha. Pati ako pinagbubuntungan nya ng galit.
"Bahala ka nga sa buhay mo!!!"
Padabog kong sinaraduhan yung pinto ng kwarto nya at dali daling pumunta sa kwarto ko. Bwiset talaga yang baklang yan wala syang karapatan para sigawan ako ha!
Ayoko na! Ayoko na talaga, uuwi nalang ako, hindi ko na kayang makipaglokohan sa mga taong nandito.
Lumabas ulit ako ng kwarto ko at bilis bilis akong naglakad ng biglang lumabas sa kwarto nya si vice, nagulat siguro ito kung saan ako pupunta.
Nilagpasan ko lang sya at inirapan pero nahatak nya ulit ako dahil hinawakan nya yung braso ko.
"Saan ka pupunta?"
"Aalis na ko! Ayoko na dito! Ayoko ng magpanggap bilang girlfriend mo!"
Lalakad na sana ulit ako ngunit nahila na naman nya yung braso ko, bakit ba ang hilig hilig nyang manghila?!
"Anong sabi mo? Nakalimutan mo na ba yung kontrata nating dalawa?"
"May kontrata man o wala, ayoko na!"
"Hindi ka pwedeng basta basta nalang aayaw! Pwede ba, eto na naman tayo eh!"
"Kundi mo lang kase ako sinigawan kanina edi sana maayos tayo ngayon! Sana naman matuto kang maging mabait manlang?"
"O edi sorry, ok na ba?"
"Yun na yun? Ni wala nga akong narinig na sincerity sa pag so-sorry mo!"
"Alam mo ang arte mo!"
Tamo! Sya na nga yung may kasalanan sya pa yung may ganang magalit, argh!!! Anong gagawin ko sayong bakla ka! Ang sarap mong patayin ng paulit ulit!!!!!
Nilayasan ko nalang ulit sya at dali dali akong naglakad pero nararamdaman kong sumusunod sya saken, dahil mas mahaba ang biyas nya saken naunahan nya kong maglakad at humarang pa sya sa daraanan ko.
"Ano na naman ba?!"
The next thing i knew, nasa dibdib nya na yung mukha ko, niyakap nya pala ako. Wait? Niyakap ako? Ahhhhhhhhhhh kinikilig ako hahaha! Rinig na rinig ko yung tibok ng puso nya, buti nalang talaga matangkad sya.
"Sorry na. Wag ka ng umalis love."
Ano daw?! Tinawag nya kong love????? Ahhhhh pwede na kong mamatay! May tinatagong kabaitan naman pala tong baklang to eh.
Naramdaman ko hinalikan nya yung tuktok ng ulo ko. Ano bang ginagawa nya saken? Mamamatay na ata ako sa kilig dito.
"Nakatingin satin si dad, makisakay ka nalang."
Bulong nya saken, kaya naman pala sobrang sweet ng mokong! Nandito yung magaling nyang ama! Akala ko naman mabait na talaga sya.
May naisip naman akong paraan para gantihan sya. Humanda ka sakeng bakla ka.
BINABASA MO ANG
Love Me or else! 💋
FanfictionAng pinaka-malalang storya in the whole universe, makakasapak kayo sa pagka-baliw, maaaring di kayo makatulog, makakain at makahinga kaya WARNING! WARNING! WARNING! Ang storyang ito ay kathang isip ko lamang kung meron mang ibang salita na pagkakaha...