IX
...
Lumilipad na unan, lumilipad na kumot at carpet, pati narin ang bedsheet, lumilipad na cabinet de joke lang., eto ang matutunghayan mo sa loob ng kwarto ni vice, malamang, as usual nagaaway na naman sila ni karylle wala ng bago mga kaibigan. O sya tara basa!"Putcha! Wag yang vase mamahalin yan!!!"
Sigaw ni vice habang may hawak na tambo habang umiilag sa pinagbababato ni karylle sa kanya.
"Lumayas ka ditong bakla ka!! Nakakainis ka!!!"
"Ano bang ikinagagalit mo dyan ha?! Bruha ka!"
"Eh bakit mo ba kase ginamit yung panty ko ha?!"
"What?!! May panty akong akin noh! Hindi ko ginamit yung iyo! At tsaka lahat kaya ng panty mo mga nagtututong na, ewww!!"
"Arghhhhhh!!!!!!!"
Narinig ng dalawa na may papalapit sa kwarto nila kaya agad silang tumigil sa kanilang bangayan.
"Si dad!"
Sigaw ni vice at bigla nalang hinigit si karylle pahiga ng kama at pumaibabaw sya rito, isinubsob nya ang kanyang mukha sa leeg ni karylle.
"Hoy! Anong ginagawa mo?!"
"Manahimik ka nga dyan, alam kong si daddy yan! Pinakikiramdaman nya tayo, mamaya maya papasok na yan dito kaya magtulug-tulugan ka nalang."
Kailangan bang ganito pa talaga ang pwesto namin? Pwede namang magtulog-tulugan ng hindi sya nakapatong sakin ah, at yung hininga nya ramdam na ramdam ko pa sa leeg ko, bwiset talaga tong manyak na bisugong to, malilintikan to sakin mamaya! -sa isip ni karylle.
Naguguluhan man si karylle ngunit sinunod nya na lamang ang gusto ni vice at nagtulug tulugan na lamang ito, naramdaman nya ngang nagbukas ang pinto.
Naramdaman nyang gumalaw si vice, at dinampian ng maliliit ng halik ang leeg nya kung saan sya nakasubsob kanina.
'Manyakis kang bakla ka! Humanda ka saken pag alis ng ama mo dito! Kakalbuhin talaga kita!' -sa isip ni karylle.
Nanigas naman sa kinahihigaan nya sa pinaggagagawa ni vice sa kanya. Naramdaman nyang hindi parin umaalis ang daddy ni vice kahit na may ginagawa na si vice sa kanya.
'Nakakaloka! Wala bang balak umalis ng matandang to dito? Balak pa ata kaming videohan nito ah.' -sa isip ni karylle.
'Gunggong! Nagmamasid lang yan, maya maya aalis din yan.' -sa isip ni vice
'Punyeta ka! Tigil tigilan mo yang paghalik sa leeg ko kundi babalian talaga kita ng buto!' -sa isip ni karylle
'Kaw naman, gusto mo din naman.' -sa isip ni vice
'Eh teka nga! Paano na tayo nakakapag usap gamit ang isip natin ha?!' - sa isip ni karylle
'Aba malay ko!' -sa isip ni vice
Nakiliti naman sya ng kagatin ni vice yung balikat nya kaya di nya naiwasang mapatawa.
At para di sila mabisto, umisip ka agad sya ng paraan para di sila mahalatang nagpapanggap lang.
"Love, nakikiliti ako, ano ba..haha!"
"Uhm.. Love, you taste so sweet."
"Hoy kayong dalawa! Tigil tigilan nyo nga yang pinaggagagawa nyo! Nakakadiri kayo! Ewww!"
Napabalikwas naman kaming dalawa ni vice sa boses na narinig namin. Buong akala namin daddy ni vice yung pumasok yun pala si buern lang.
Agad kong binatukan si vice ngunit nakaiwas ito.
BINABASA MO ANG
Love Me or else! 💋
FanficAng pinaka-malalang storya in the whole universe, makakasapak kayo sa pagka-baliw, maaaring di kayo makatulog, makakain at makahinga kaya WARNING! WARNING! WARNING! Ang storyang ito ay kathang isip ko lamang kung meron mang ibang salita na pagkakaha...