Karylle's POV
Agad akong pumara sa jeep ng sinasakyan ko ng may natanaw akong lalaking gwapo sa malayo pero mukhang kabayo sa malapitan haha! Ano na naman bang ginagawa ng baklang ito dito? Bubwisitin na naman ba nya ang araw ko? At take note may dala pa syang bulaklak ng patay?! Anak ng leche talaga tong mokong na to!
Lumakad na ko papasok ng opisina at nilagpasan ko lang sya.
"Wait! Hindi mo manlang ba ako papansinin?"
"Pwede ba marami akong trabaho ngayon, so please wag mo kong bwisitin."
Sabi ko habang inirapan sya.
"Bakit ba ang sungit mo lagi? Ah wait.. Flowers for you."
Inabot nya sakin yung bulaklak ng patay, inipod nya lang sa tabi ko dahil medyo may kabigatan ito.
"Ano ang akala mo sakin patay?!"
"Ah about that, patay na patay kase yung puso ko sayo eh kaya ayan yung naisipan kong ibigay tsaka amoy patay ka din naman kaya okay na din yan."
Ano daw? Ako amoy patay? Grabe ha! Makapanglait lang wagas.
"Ah ganun?"
Lumapit ako sa kanya at bigla ko nalang tinapakan yung paa nya, at tinapon ko sa kanya yung bulaklak nyang pang patay sa sobrang bwiset ka sakanya.
"Awwwwww!!! Bakit ba napaka sadista mo?!"
"Bakit ba ako ang trip na trip mong bwisitin ha?!"
"Kase hindi ako titigil hangga't di kita napapapayag sa gusto ko!"
"Pwes! Paulit ulit kong sasabihin sayong NO!!!!"
Pumasok na ko sa loob ng kompanya dahil di ko na kaya, pag nagtagal pa ko kasama yung baklang yun baka mandilim ang paningin ko at mapatay ko pa sya, kaya bago mangyari yun pumasok na ko sa loob para magtrabaho.
"Goodmorning mam! Boyfriend nyo po ba yung nasa labas?"
Alin daw?! Tiningnan ko yung tinutukoy ni manong guard sa labas, wala namang ibang nasa labas kundi yung baklang kabayo na yun na nakangiti pa sa akin. Ano bang nginingiti ngiti nya? Bakit mukang masaya pa sya?
"Ah yun ba manong, hindi po ah yuck! Tsaka bading po yun."
"Ah ganun ba, akala ko boyfriend mo bagay kaya kayo."
"Manong magkape ka para mahimasmasan ka. Kami bagay non? Hahahaha! Nakakatawa. Sige na manong bye na."
Sumakay na ko sa elevator para pumunta sa office namin. Huminga muna ako ng malalim para gumaan ang pakiramdam ko at mawala ang badvibes ko.
Nang makarating na ko sa 7th floor kung saan yung office namin, patakbo na kong lumabas sa elevator dahil 10 minutes late na ko yari na ako kay anne neto.
"Ms. Ana karylle Batumbakal."
Napatigil ako sa pagtakbo ko ng marinig ko ang boses ng boss ko, lumingon ako dito at nagdasal ako sa isip ko na sana di nya ako pagalitan.
"Yes mam?"
"Your late. Again."
Yumuko ako, sabi na nga ba papagalitan nya ko. Ang pinaka ayaw pa naman nya sa empleyado is yung laging late at di pumapasok on time.
"Sorry mam, di na po.mauulit."
"Talagang di na mauulit kase you're fired."
Nabigla ako sa sinabi ni anne, what? Ako fired? Hindi to pwedeng mangyari, paano nalang yung mga gamot ni lola?
BINABASA MO ANG
Love Me or else! 💋
FanficAng pinaka-malalang storya in the whole universe, makakasapak kayo sa pagka-baliw, maaaring di kayo makatulog, makakain at makahinga kaya WARNING! WARNING! WARNING! Ang storyang ito ay kathang isip ko lamang kung meron mang ibang salita na pagkakaha...