Three

5.4K 45 2
                                    

Aly's POV

Pagdating ko sa bahay eh itinapon ko na lahat ng gamit ko sa kama ko.Yeah.Dalawa kami ni Jirah sa isang kwarto,minsan katabi niya si mudra.Ewan ko ba sa kanila,pinagkakaisahan nila ako lagi.

"Makatapon ka naman ng gamit,Ate.Iniwan ka ng syota mo?"

"Tse.Isalvage ko yang manliligaw mo eh"banta ko sa kaniya

"Kumalma ka kasi,Ate.Inhale..."na siya namang ginawa ko

"Wala ka bang balak pa-exhalin ako?"nang makita ko siya ay nakatutok na sa phone niya ang bruha

"Hayy.Ewan sayo, Jirahbabes"Jirahbabes ko tawag ko sa kaniya minsan

"Girls!Baba na,kain na!"

"Yes Ma!"sagot naman namin at bumaba na.Nagpaunahan pa kami.

***

Nang makita ko yung karne,inisip ko yung asungot na yun at tinusok-tusok siya.Nakakainis.

"Anak,patay na yung karne,huwag mo nang i-double dead" (I got this line from That Girl 2: Me and You (: Credits po) natawa na lang ako sa sinabi ni Mama,napansin ata niya

"Ma,alam mo ba si Ate.Nakaharap niya na si Phenom,si Kiefer Ravena"bulalas ng madaldal kong kapatid

"Talaga?Ang pogi nun diba?!"naubo naman si Jirah at sinipa ako sa ilalim ng mesa.Aha.Di niya na pala crush si Kiefer dahil may,basta.Nakalimutan ko yung pangalan ng manliligaw niya.

"Yun?Pogi?!Ma naman,nagpatingin ka na ba sa eye doctor?"pero binatukan ako ni Mama

"Ma naman eh.Asungot yun,hindi yun pogi"sabi ko sabay subo ng pagkain

"Grabe ka naman anak.Ang bait kaya ni Kiefer"muntik ko nang maibuga yung tubig sa bibig ko.Tinawanan lang ako ng kapatid ko >_____<

"Yun?Asungot yun!Huwag kang magpapalinlang dun,Ma.Busog na ako"dabog ko at umakyat na sa kwarto namin.Narinig ko pang nagtawanan sila.Tss.Makatulog na nga lang...

***

Pagkagising ko ay wala na si Jirah sa tabi ko.Agad-agad naman akong bumaba para tignan kng kumakain siya.At ayun!

"Aga mo,Ate ah.Excited makita si Kuya Kiefer?"

"Aga-aga huwag mong ipaalala sa akin yung asungot na yun"sabay turo ko sa kaniya ng tinidor

"Chill.Masyado kang highblood"

***

"Ma!Alis na kami,Ma!"paalam namin ni Jirah

"Tara!"sabay hila sa akin sa kotse? o_O

"Jirahbabes,kanino 'tong kotse?"

"Sa akin.Gift ni Daddy"at kumindat pa ang bruha.Bakit ako,wala?Nakakainis naman si Daddy eh.

"Someday we'll know"sagot na lang niya.Tinignan ko na lang yung dinadaanan namin at nakita ko yung lalaking nasugatan ko kahapon.Ano nga bang pangalan nun?

"Jirahbabes,si Jovee oh"sabay turo ko dun sa lalaki.Hininto niya naman yung car at binuksan ang bintana.

"Tawagin mo"

"What?!Bakit ko siya tatawagin?"reklamo ko eh hindi ko nga gaanong kilala yan eh

"Sabi ko nga.Ako na lang,KUYA JOVEE!!!"napalingon naman yung Jovee at lumapit sa amin

"Uy,good morning Bebe Ji!Hi,anong pangalan mo?"

"Jirahbabes,di pa ba tayo malelate?"

'Amazona' rinig kong sabi nung Jovee

"Sabay ka na,Kuya Jovee"At ang ending eh,katabi ko siya sa likod.

"Jirahbabes,pakibilisan at malelate na ako"

"Arte mo,sis"

"Anong pangalan mo?"

"Ilang taon ka na?"

"Anong year mo na?"

"Ano ding course mo?"

"Mahilig ka bang magvolleyball?"

"Pipi ka ba?"

"Bakit di ka nagsasalita?"

Napatingin naman ako sa salamin at nakita ko ang kapatid kong nakangiti sabay tingin ng 'sagutin-mo-yan-look' Huminga ako ng malalim at...

"Ako si------"

"Andito na tayo"biglang hinto ng kotse at nginisian pa ako ng kapatid ko

"Kuya Jovee,gym na tayo.Ate,daan ka na lang ulit sa BEG.Bye!"tapos iniwan nila akong dalawa

"Hayyy,buhay parang life"kausap ko ang sarili ko habang naglalakad lakad papunta sa klase ko ng biglang

"BOOO!"

"AAHHHHH!"sigaw ko,ikaw ba naman gulatin hindi ka sisigaw?

"OA mo Ly,Hi!"pacute pa ni...

"Ano nga ulit pangalan mo?"

"Fille Saint Merced Cainglet"

"Ah.Okay,ikaw yung nahigit ko kahapon,diba?Sorry pala dun"

"Oks lang.May class ka ba?"napatingin naman ako sa sched ko at mamayang hapon pa naman.Alibi ko lang kay Jirah yung malelate,kasi naman.

"Mamayang hapon pa.Ikaw?Diba may training kayo?Andun na kapatid ko eh"

"Si Jirah?Ah.Oo,excuse ako eh"naupo kami nung nandin kami sa may cafeteria.Nag-order siya ng pagkain namin.Habang kumakain kami ay tahimik lang siya,nakwento kasi sa akin ni Jirah na siya daw pinakahyper sa kanila eh.

"Hindi ka ata hyper ngayon"basag ko sa katahimikan

"Wala lang 'to"

"Kaya kong makinig.May problem ba?"

"Aly,kumusta?Hi,Fille!"andito na naman po ang asungot na Kiefer na 'to

"Asungot na Kiefer na mukhang unggoy,lumayas ka nga dito.Kita ng nananahimik eh manggugulo ka pa"napawoaw naman yung mga tao sa paligid

"Wala ka pala bro eh"

"Tss.Tara na nga,humanda ka sa akin Aly"sabay alis niya.Tch.

Searching for a Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon