Aly's POV
Tick.Tock.Tick.Tock.
Ang dating maingay na dorm.Ngayon ay naging parang sementeryo sa sobrang tahimik.Wala ang mga tao.Tanging ako at si
si Ate A lamang.Buhay nga naman oh.May kaniya-kaniya kasi silang lakad eh.Yung iba gumala,yung iba may date tapos si Ate G at Fille hindi ko alam kung kailan babalik.Umuwi din kasi si Fille eh.Hayyy,3 more days.
"Ate A"
"Yes?"sabay lipat ng tingin sa akin,nagbabasa kasi siya ng libro eh.Kaya lumalabo mata nito eh.
"Are you as bored as I am?"tanong ko,ngumiti naman siya tapos sinara ang libro niya
"Or Am I as bored as you are?"natawa na lang kami,binaligtad niya sentence ko pero may sense naman.
"Anong gagawin natin?"
"Magtanong ka na lang.Sasagutin ko" o_O
Bigla naman siyang tumayo at kumuha ng popcorn.Bale asa may sala kami ngayon sa sofa.
"Alam ko na!Kwento ka na lang.Lahat as in lahat!"
"Okay"
Nagkwento naman si Ate A patungkol sa kung paano sila napasok sa dorm at sa volleyball team hanggang sa mga pinagdaanan nila as a team,as students,as athletes and siyempre student-athlete.
"Ate A?Yung kay Ate Gretch at Fille?"
"Time will come,Aly.Pahinga ka na muna.Andito na din sila mamaya"
So,umakyat na ako pero nakahiga lang ako at nakatitig sa kisame.Uhmm?Alam ko na!Gagawa na lang ako ng letters!Para sa team at sa mga taong importante sa akin.Tama!
Den's POV
Andito kami ngayon ni Love sa bahay nila Gretch.Ewan ko ba.Magformal attire daw kami.Tinatanong ko siya kung anong meron pero ayaw niya namang sabihin,surprise na lang daw.Sobrang saya niya nga eh.
"Baby blue eyes"tawag niya sa akin,nakawhite dress siya at kasama si Robi o_O
"What's happening?"
"I'll tell you,later.Let's go"pumasok na kami and asa may garden nila kami.Andaming tao,yung Love ko kasama na si Robi habang nagkwekwentuhan.
Nakaupo lang ako dito tapos bigla akong may nakita sa harap,sa parang may stage.
Gretchen Ho & Robi Domingo Engagement Party
So,kaya pala halos makita ko eh mga artista.Woaw.as in woaw.I'm so happy for Gretchen :") Ako kaya?Chos.Kailangan kong mag-explain pag-uwi ko at para pagdating ni Gretchen eh hindi sila maguluhan sa makikita nilang singsing sa kamay niya.Graduating naman na sila kaya pwede na.
Fille's POV
Uuwi na ako ng dorm.Di ko matake ang boredom sa bahay eh.Busy sila lahat.Nagpaalam na ako at pumayag naman na sila.At ito ako ngayon,asa sasakyan.Ihahatid ako ng pogi kong boyfriend.
"Honeyko,manonood akong game niyo sa Saturday"
"Really?Thank you,honeyko.Gagalingan ko para sayo"sabay kindat ko sa kaniya,siyempre para sa lahat ang magiging laban namin.NU una naming makakalaban eh.Andun si DinDin,malakas yung mga yun.Pero,alam kong kakayanin namin.
Dumiretso na ako ng dorm tapos walang tao? o_O
May note naman akong nakita.
'Aalis ako.May pupuntahan,tomorrow pa ako makakauwi.Si Aly,asa taas' -A
Luh?San nagpunta yung mga yun?Umakyat na ako para sa hanapin si Ly tapos nakita ko siyang nasa kama niya,ang daming kalat. -.-
Aly's POV
"Dear,Fille
Thanks for loving me.Chos.I know----
"Hoy!Ano yang dear Fille na yan,ha?"napalingon ako and it's Fille o_O
Agad kong dinampot yung mga nagawa ko pati narin ang kalat ko.Shocks!
"Ha.Ah.Eh.Papel?"
"Tungaks.Alam ko papel yan.Bakit may dear Fille?"kinuha niya yung papel tapos binasa ata niya,"huh?Ikaw ah.Crush mo ko noh"sabay upo sa tabi ko
"Kapal mo po.Hindi lang naman ikaw may sulat eh.Lahat kayo"
"Asus.Sige na nga,pero crush mo nga ako?Kita ko sa likod ng papel oh.EX-CRUSH"
"HA.HA.Ex na nga,diba?Shoo ka na nga!Akala ko ba sa Friday pa balik mo?"
"Miss mo lang ako eh.Oh sige na,pahinga lang muna ako.Dito lang ako sa kama ni Dennise"
Humiga na siya at itinuloy ko na ang pagsusulat.Mukhang hindi naman na ata siya manggugulo eh.Salamat naman. >:D
