Aly's POV
"Teka,dahan-dahan naman,masakit eh"reklamo niya nang makapasok ulit kami sa BEG.Binitawan ko na siya at hinanap yung kapatid ko.
"Jirah!"sigaw ko nung makita ko siya,kausap niya na naman yung Kiefer na yun.Agad naman siyang lumapit sa akin at ako naman ang hinila niya palapit sa teammates niya.
"Guys,Ate ko nga pala"pakilala niya sa akin at ngumiti naman silang lahat sa akin,may kumaway pa.
"Hi,I'm----"
"Hi,Lyyyyyy"sabay sabay nilang sabi na siyang ikinagulat ko talaga.
"Ate,peace"sabay pacute ng bruha
"Nakukwento ka sa amin ni Bebe Ji"sabi ng asungot na Kiefer na 'to
"Tse.Magsama kayong lahat!"sabay walk out ko.Narinig ko pa yung kapatid ko na...
"Sabi sa inyo eh,ganun talaga siya"tapos narinig ko yung tawanan nila.NAKAKAINIS.Nag-punta na lang ako sa klase ko,3 subs lang naman eh tapos uwi na ako.Daanan ko na lang si Jirah kahit na labag sa loob ko.
***
"And that ends our discussion,bye"
"Bye Prof"Paalam naman din namin at ayun,naglalakad ako nang may biglang tumawag sa akin.
"Ly,Aly,Alyssa Valdez!"napalingon naman ako sa kaniya
"Uy,Hi.Sorry,nabangga kita kanina"
"Wala yun.Ikaw yung kapatid ni Jirah,diba?I'm Dennisse,Den-Den na lang"pakilala niya habang naglalakad kami
"Alam mo na pangalan ko eh,san ka pupunta?"
"BEG.May training pa kami eh.Ikaw?"
"Punta din ako dun.Sunduin ko si Jirah eh"
"O?Tara,sabay na tayo"yaya niya kaya nagsabay na lang kami.Blockmate ko pala siya,hindi ko napapansin.
***
"Uy,Aly,andito ka ulit?Namiss mo agad ako?"hindi ko siya pinapansin
"Siguro,iniisnab mo ako para pansinin kita noh?"inilapit niya pa mukha niya
"You!Perv!"sigaw ko tsaka kinuha ang kamay niya at ipinilipit sa leeg niya
"Ano?Mangungulit ka pa?"
"H-h-h-hindi na.Aray.Bitiwan mo na kamay ko"binitiwan ko naman na yung kamay niya at ayun namilipit sa sakit ang asungot.Buti nga sa kaniya.Hmp.
*claps*
Napatingin ako sa kanilang lahat at pumapalakpak sila sa akin at nakangiti.
"Anong nakain niyo?"
"Galing mo,sis!"sabay hug sa akin,binati nila ako na ang galing ko daw at nagawa ko yun kay asungot.Tss.Ang lampa naman kasi eh,kala mo di lalaki.
"Jiraaaaahhh!Amoy pawis ka,dinamay mo pa ako!"sigaw ko at siya namang takbo niya,naghabulan kami ng bigla siyang may nabunggo.
"Ayiiiiieeeehhhh"sigawan sa gym at ako naman ay nakatanga at nakatitig sa lalaking nagtayo sa kapatid ko
"Gusto mo,tayo din?"pumikit muna ako saglit at tsaka clinose ang fist ko and then
*bugsh*
"Joveeeee!"sigaw nila.Huh?Jovee?Pagtingin ko,hindi si asungot yung nandun kundi yung lalaking hindi ko kilala.Agad naman akong lumapit sa kaniya,hawak niya yung panga niya.
"Hala,sorry po.Okay ka lang?"tanong ko habang inaalalayan siyang tumayo
"Okay lang.Grabe,ang lakas ng suntok mo.Bakal ba yan?"sabay hawak sa kamay ko at animoy tinignan ito.
*pak*
"Aray naman"reklamo niya sabay himas sa ulo niya,sinapok ko kasi
"Manyak ka.Tara na nga"sabi ko at nagpunta dun sa kapatid ko.
"Jirahbabes,uwi na tayo"sabi ko na siya namang ikinagulat nitong katabi ko
"Jirahbabes?Girlfriend mo,Bebe Ji?"gulat na tanong nito
"HAHAHAHAHAHAHA"tinawanan naman siya ng mga teammates ni Jirah
"Ako kaya ang boyfriend ni Jirah"sabay akbay nitong matangkad na maputing lalaki na nakabraces sa kapatid ko
"Hoy,lalaking naka-akbay sa kapatid ko.Alisin mo yang kamay mo kung ayaw mong ma-upper cut"banta ko sa kaniya.Ito namang si Jirah para pang nainis sa akon.Problema nun?Nag-usap naman silang lahat at nagtatawanan,samantalang ako,NGA-NGA.
"Aaaahhhhh!I'm out of this place!"sigaw ko at tumayo na.Tumakbo na ako at pumara ng taxi.Bahala diyan si Jirah.Iiwan ko siya.
"Wait!"tapos hinigit niya ako palabas at binayaran si Manong
"Pahatid na tayo.Gabi na"ano pa nga bang magagawa ko?Eh kinakaladkad na ako ng kapatid ko? =_____=