Fille's POV
Umakyat ako para kausapin si Jih.
"My cosette?"
"Oy,my fantine.Ikaw pala,kanina ka pa po?"
"Nope.Any problem?Wanna talk about it?"
"Hindi na muna ngayon,my cosette"
"Okay.Pero,promise ko sayo.Andito lang ako"
"Thanks,mi fantine!"
Den's POV
"Psst"napalingon ako kay Aly tas tinatawag niya ako papunta ng kusina?
"Oh?Ano daw?"
"Di ko nakausap kapatid mo eh.Si Fille kumausap"
"Ay.Nakausap ko si Marge tapos alam mo na!"
"Oh?Seryoso?Kelan pa daw?"
"Tagal na din.Ewan ko ba diyan sa kapatid ko.Ang manhid ata"
"Tss.Bayaan mo na.Ikaw din naman eh"
"Huh?Ako?Manhid?Di kaya"
"Sus.Hindi daw.Like Ate like kapatid"sabay belat ko sa kaniya
"Den talaga oh"tapos inakbayan niya ako at kiniss sa right cheek ko
"Ang cute cute mo talaga!"tapos kinurot niya magkabilang pisngi ko -.-
***
Aly's POV
2 months na since nagpanggap kami ni Kiefer as a couple.Hindi pa ba sila nagkakabalikan?Pero,okay lang.May part sa akin na ayaw na magkabalikan silang dalawa.Bakit kaya?Weird.
Nasanay na ako sa presence ni Kiefer.Na lagi siyang andiyan before,during and after class or training.Yung sweet gestures niya and everything na pwedeng gawin ng isang boyfriend sa kaniyang girlfriend.
"Aish.Asan na ba si Kief?"ay,kasama ko pala si Ella.Andito kami ngayon hinihintay si Kiefer.May sasabihin daw eh.Isang oras na ata kami ni Ella.
"Uy,sorry.Hinintay ko pa kasi matapos class niya eh"tapos biglang may lumabas na babae sa likod niya at magkahawak sila ng kamay.Oh shems!Bakit ganito ang feeling ko?Parang may nadudurog sa loob ko.Puso ko ba yun?Sht.Hindi ko siya mahal.
"Good.Nagkabalikan na pala kayo?"
"Yep.Last week lang.Sorry,hindi ko sinabi sayo.And thank you,Aly"
"Alam ko na lahat,Aly.At first,hindi ako naniwala kay Kief pero pinatunayan naman niya and so okay na kami"Trinca,tapos hinalikan pa siya ni Kiefer.Dart sa heart.
And there you have it guys.Mahal ko na siya.Mahal ko na si Kiefer.
"Ly!May training pa pala tayo.Tara na"Thanks,Ella
"Ay,oo nga pala.Sige,congrats and see you both when I see you"paalam ko at hinigit ako bigla ni Ella tsaka na ako humahulgol
"Ellaaaaaa"
"Shhh.Tahan na,wala tayong magagawa.Nangyari na eh.Move on na,Aly"
"Ang sakit.Ang sakit sakit.Ngayon ko lang naranasan 'to.Grabe,pag-ibig ba yun?"
"Huh?Ang alin?"
"Ang araw-araw na paghatid sundo niya sa akin na siyang kinakikilig ko.Ang sweet gestures na nagpapasaya sa akin.Nasanay na ako Ella,parang hindi ko kayang mawala si Kiefer"
"Hindi ko alam pero sa tingin ko,oo.Tignan mo nga,iiyak ka ba kung hindi mo mahal yung tao?"
"Ayoko na!"
*Dorm*
"Jirahbabes"
"Ay infatuation!Ate Ly naman eh,bakit ka nanggugulat?"reklamo niya sabay baba ng librong binabasa niya at tumingin sa akin.Iniscan niya ang buong mukha ko at parang nag-iisip.
Kung tatanungin niyo kung okay sila ni Marge?I bet,hindi.Hindi sila nagpapansinan pero kapag nakapag-usap eh kala mo wala ng bukas.Pero,they're "friends"
"Bakit ka umiyak?"
"Huh?Wala lang trip ko lang.Iyak ka din,masaya yun.Aray"batukan ba naman ako?Ate parin ako -.-
"Sira.Si Kuya Kiefer yan noh?Nagkabalikan na sila?"yesh.Alam na nilang lahat na nagpapanggap lang kami ni Kiefer.Isang daang batok nga ang inabot ko sa kanila eh.Tapos dinaganan nila akong lahat.
"Oo.Ang sakit"teka,naiiyak ako pero ayaw lumabas ng mga luha ko.Hala,abnormal na ata ako? o_O
"Weh?Di kaya halatang nasaktan ka.Parang wala nga lang eh"sabi niya sabay dampot sa libro
"Huwag ka nga.Ini-echos mo naman ako eh"
"You know what?Punta ka na sa room niyo at tatawagin ko na si besh tas matutulog na kami.Shoo!Shoo!"taboy niya sa akin.Teka,kapatid ko ba talaga 'to?And Marge?
"Jirahbabes,isa kang malaking paasa"tumayo na ako para lumabas pero humabol siya at inabot sa akin yung libro
"Para mas maintindihan mo ang "feelings" mo kay Kuya Kiefer"kinuha ko naman tsaka ko na binuksan ang pinto pero may pahabol ulit siya"Ate Ly,isa kang malaking umasa"
"Tse!"
Nagpunta ako sa kwarto namin ni Ella.Naghilamos at nagbihis at humiga na.Hayy,this is a very tiring day.
