One

9.2K 73 4
                                    

Aly's POV

'cause I'm not your Princess

this ain't your fairytale

I'm not the one who sweep off her feet

lead her up stairwell

this ain't holleywood

this is a small town

now in my rearview mirror

disappearing now

'cause it's too late for you and

your white horse

to catch me now'

Andito ako ngayon sa kotse,umiiyak,nakatingin sa sideview mirror.Humahabol siya,kasama ng puting kabayo niya.

"Aly!Mahal na mahal kita!"sigaw niya,ayan na naman ang mga pesteng luha ko

"Manong,stop the car"agad naman itong huminto at lumabas ako.Ayan na siya,palapit na siya sa akin.Hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya.

"Aly!Tabi!"sigaw niya,nagwala ang kabayo,patakbo sa akin,sinubukan kong tumakbo pero huli na...

"Aahhhhh!!!"

*blag*

Nagising ako habang hinihimas ang balakang ko.Letse,panaginip lang pala.Bigla namang bumukas ang pintuan ng kwarto ko.

"Hoy,Ate Ly!Ano pang ginagawa mo diyan?Bangon na uy!"sabay bato sa akin ng towel ng babaitang si Jirah

"Ligo ka na,baho mo.Maya mo na ulit ipasok sa utak mo si Mister Hinete with white horse,ha?"litanya sa akin sa sabay sara ng pinto.Siya,siya ang aking evil sister, sa mala Cinderellang estorya ng buhay ko.Pero joke lang naman mga kaibigan.

Mahal na mahal ko ang half-sister ko.Bakit half?Teka,sa banyo na lang muna ako magkukwento.Tumayo na ako at pumasok ng banyo,inalis ang ipit ko,siyempre di ko na idedetalye,kayo talaga.

Yung mother namin iisa pero magkaiba father namin.Gets niyo?Father ko na lang buhay at nandito.Wala na father niya kaya andito siya,pero tanggap naman nila.Mas mahal na nga siya ni Papa eh.Pero joke lang ulit,pantay kami niyan.

"Ate Ly!"ayan na kumakatok na naman siya,buti na lang at tapos na ako at nakabihis na,pinagkuwento niyo kasi ako eh.

***

Andito na kami sa AdMU.2nd yr college siya at ako naman ay 3rd yr taking up AB PYSCHOLOGY.

"Ate,samahan mo muna ako sa gym"

"Anong gagawin mo sa gym?Makikipagdate ka noh?"tumaas-taas pa ang kilay ko

"Sira,di noh.Sali ka,volleyball?"yan,diyan siya magaling,sporty eh.Wala akong hilig sa ganiyan.More on academics ako para sa scholarship at siya naman ay sports scholarship.Taray,diba?

"Ate Ly,tulala ka diyan?Sasama ka or what?"

"Sama na lang ako.Panuruin kita"sabay kindat ko sa kaniya.Minsan kasi ayaw niyang pinapanood siya sa mga ginagawa niya dahil naiilang siya.

"Siguraduhin mo lang na wala kang gagawing kalokohan,ha?"paninigurado niya

"Opo,Ate Jirah"siya pa tuloy naging Ate ko

***

Andito na kami at naabutan naming nagtetraining na mga kasama niya.Nagbihis na din siya at sumama sa kanila.Naupo naman ako dito sa may bleachers at pinapanood yung kapatid ko.Galing niya pala eh.

"Hi"napalingon naman ako sa lalaking nagsalita

"Higher"pagbibiro ko naman at nginitian siya

"Highest?I'm Kiefer.Kiefer Ravena"pakilala niya at in-ooffer ang kamay niya.

"Kiefer Ravena?Your name sounds familiar.By the way,I'm Alyssa Valdez"pakilala ko din at inabot ang kamay niya.Kiefer Ravena?

"Aha!Ikaw yung crush nung kapatid ko.Si Jirah,kilala mo siya?"

"Kapatid mo si Jirah?"tanong niya sabay upo sa tabi ko

"Yup.Long story eh.Anyway,ikaw ba yun?Yung King Eagle/Blue Mamba/Phenom ng basketball?Ikaw ba yun?"tanong ko sa kaniya na parang timang habang inaalog yung balikat niya

"Teka,teka,teka.Oo,ako nga"inalis ko yung kamay ko sa balikat niya

"In fairview,gwapo ka nga,pero hindi gaano"

"Ano?"

"Wala.Wala.Uy,ayan na pala kapatid ko.Jirah!"tawag ko at lumapit naman siya sa amin

"Hi,Bebe Ji"Kiefer,nanlaki naman ang mata ko narinig ko at palipat-lipat ang tingin ko sa kapatid ko at sa Kiefer na 'to.Nagtinginan naman sila at tinawanan ako. =_____=

"Anong nakakatawa?"tanong ko sa kanilang dalawa

"Epic ng face mo,Ate"

"Eh bakit kasi,Bebe Ji?"

"Bebe Ji tawag ng lahat sa kaniya dito"paliwanag naman nitong si Kiefer

"Letse kayo,akala ko kung ano na.Tara na nga Jirah!"sabay higit ko sa kapatid ko at yung Kiefer naman na yun eh tawa ng tawa.Habang higit-higit ko yung kapatid ko eh may nakabunggo ako.

"Sorry"tapos patuloy parin ako sa paghigit kay Jirah,narinig ko pang may sumigaw ng

"Den!Mata mo!"Nung napagod naman ako eh,tumigil ako at hinarap siya.

"Hoy Jirah!Ba-ba-kit ka andito?Sino ka?Asan yung kapatid ko?"Ibang tao yung nahigit ko >___<

"Hi,I'm Fille"ngiti naman niyang abot langit.

"Alyssa.Tara na nga,hanapin natin kapatid ko"sabay hila ko ulit sa kaniya ng gym.Blue Eagle Gym daw.

(First Chappy done :D How was it? Read between the lines guys,masaya ‘to HAHA (: Keep on reading.)

Searching for a Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon