Aly's POV
Andito ako sa MOA.Sana hindi na lang ako pumunta.Nakita ko siya,sila.Masaya,magkasama.Pero diba dapat maging masaya din ako?Dahil mahal siya ng taong mahal niya.Kaibigan ko lang naman siya eh,why should I be jealous?
Nagpunta ako ng McDo at umorder ng sundae tsaka large fries.Eh bakit ba.Trip ko eh.
"Ly"nagulat ako sa taong nasa harapan ko ngayon.Oo,si Jovee bakulaw nga.
"Yes?"may inabot siyang papel sa akin o_O Yung list ko.
"Bat nasayo yan?"
"I was about to return it pero tibakbuhan mo ako"kinuha ko yung papel,I don't think I need it anymore.Hayyy,nakakasawa.Hindi ko na kailangang humanap ng Prince Charming o ng knight in shining armor.Hindi naman ako prinsesa,hindi rin ako damsel in distress.Kinuha ko yung papel at nilukot yun.
"Jovee,sorry for ignoring you these past few days,or weeks?Sorry ha?Masyado lang akong matumpuhin"
"It's okay.Alam ko naman yun eh.Besides,yayayain sana kita ulit sa ranch nila Tita?Saturday?"
"Saturday?May lakad ako eh.But,pwede kang sumama.Sabihin ko na lang sa kaniya,okay?"
"Alright!"umorder siya ng pagkain para sa amin tapos nagkwentuhan lang kami.Namiss ko 'to.
Jovee's POV
How can I tell her I love her?When she's so busy looking at somebody else.Hoping for someone she love to love her back.Waiting for the right time to say her feelings not to me but to someone else.
"Jovee?Uwi na tayo.Gabi na din kasi eh"
"Okay.Tara"nagpunta na kami sa parking lot,dala ko yung kotse ko.
Ateneo
Habang naglalakad kami.Kinakabahan ako,sasabihin ko ba?Sasabihin ko ba sa kaniya?Huminto kami sa tapat ng dorm nila.Bago pa siya magsalita ay inunahan ko na siya.
"Ly,bago ako umalis.May dalawang bagay lang akong gustong sabihin sayo"umpisa ko,halata namang nagulat siya pero bahala na.
"Ang weird mo ha"
"Ly,lahat naman tayo sa volleyball team,close diba?"
"Oo naman"
"Ly,ewan ko pero sa tuwing nakikita kita,napapangiti ako.Napapasaya mo ako.Sa tuwing kasama kita,para akong nasa ulap.Ang sarap sa feeling.I didn't know this day would come na masabi ko 'to sayo.The 2nd thing?"
"Jovee..."
"Sshhh.The 2nd thing Aly,I find you special.Gusto kita"she didn't react after I've said those words.
"Jovee,I don't wanna hurt you but,my heart is taken and kung sino siya?Malalaman mo rin.Thank you for being my bestfriend.Thanks for being there.Pero sorry,I can't be more than that.You deserve someone better pero promise ko sayo.I'll never leave you,not ever"she gave me hug and waved goodbye tsaka na pumasok sa dorm nila.Dart sa heart mga dude!
"Ako din.I'll never leave you,not ever"I took a deep breath and walked back to my car.Maybe we're not meant to be?Sana may pag-asa pa.Pero her heart is taken.At alam kong si Kiefer yun kahit na sinabi niyang fake lang yung relasyon nila,nafall siya kay Kiefer.Wala tayong magagawa.
Jirah's POV
Sobrang sakit naman ng ginawa ni Ate Ly kay Kuya Jovee.Bestfriends lang?Tsk.Tsk.Yan ang hirap eh.Ang mafall sa bestfriend mo.And worse is,pareho kayong babae.And the worst part?You love someone else kaya nagpapakamanhid ka kahit na nararamdaman mong iba na ang turing niya sayo.Hindi ka makaiwas dahil masasaktan siya.Hindi naman sa pinapaasa mo siya pero kaibigan mo parin naman siya,diba?Beshfriends parin kayo.Hayyy.
"Kumusta ka?"ay tokwa!Yung besh ko pala.And yep,andito kami sa labas.Inantay namin si Ate pero di rin naman kami nagpakita.
"Okay pa naman"isang kabadong tawa ang sinabi ko sa kaniya.Sinungaling na kung sinungaling pero wala eh.Masasaktan lang siya kapag sinabi ko ang tungkol sa amin ni Carmela.Ayokong saktan siya.
"What's with "okay pa naman"?"ngiti ang iginanti niya.Bakit natitiis niya ako?Bakit natitiis niyang masaktan para lang damayan ako?Nakaka-ewan naman eh.
"Wala naman.Kinakabahan lang ako para sa season"sagot ko.Bumenta ka please.
"You're lying"she blurted out.And yes,she know me too well.Kahit na hindi ko sinasabi alam niya,hindi ko pa man masasabi yung reason,alam na niya agad kung bakit.At alam niya kapag malungkot ako at kapag nagsisinungaling ako.
"You're awesome"sabay tawa ko,naupo kami tapos nakatitig lang sa langit
"IKR"tas natawa na lang siya,nagkwentuhan lang naman kami tungkol sa school works.Hindi ko na inopen yung problem ko kasi masasaktan lang siya.At kahit alam kong sinasabi niyang kaya niya.Andun parin yung fact na masasaktan siya.Hinayaan ko na lang at ganun din siya.
"Pasok na tayo"yaya ko.Medyo sumasakit ang ulo ko eh.Tsaka,gabi na din.
Pagpasok namin sa kwarto,tahimik lang siya.Magkahiwalay yung bed namin.Nakatingala siya.Alam kong hindi siya okay.At alam kong dahil sa akin yun.Humiga na rin ako.Pipikit palang ako pero bigla siyang nagsalita.
"Remember our promise to each other?"tanong niya"I'll never leave you,not ever.Hmm.What if?"dugtong niya,dahil slow ako =____= Teka,ito yung narinig ko kay Ate kanina ah.
"What if what?"
"What if I have to?"huh?Dahil slow nga kasi ako.Tinanong ko ulit siya.
"You have to what?"halata namang nainis siya.Ayokong naiinis siya.Parang sobrang laki ng kasalanan ko sa kaniya.Hindi ko kayang hindi niya ako pinapansin.Nanahimik siya at huminga ng malalim.
"What if I have to leave you?"and then I get it
"Why would you do that in the first place?"this time.I'm serious.Iiwan niya ba ako?Hindi niya na ba kaya?Pagod na ba siya?Pagod na siya sa akin?Sa pag-intindi sa akin?Ayoko.Ayokong iwan niya ako.
"Nothing.Uhm.What if nga?As in no communication and no pansinan at all?"hindi ako nagsalita.Bakit niya ginagawa sa akin 'to?Ayokong iwasan niya.Hindi ko siya iniwasan kasi yung promise namin."Sorry,forget about it na.Matulog ka na"
"Without telling me why? um. Siyempre masasaktan ako. Kasi sabi mo di mo gagawin yun. but I'll let you go syempre. desisyon mo yun eh. i'll understand"
"Sorry.Promise,as in promise.I know I'm no better but I'll never leave you,not ever.Basta magpromise ka din.Goodnight,besh"
"Okay lang.I promise.I promise I won't leave.Goodnight din,besh"
I know you won't leave me.And I won't leave also.Promise.