"Sumabay ka na kay Camellone pauwi," pamimilit ni Samantha kay Micca.
Base sa maamong mukha nito ay tila nawawalan na ito ng pasensya at nagpipigil na lang na hindi mainis sa kaibigan. Sila na lamang kasi ang naroroon sa gate ng resort kung saan idinaos ang kanilang reunion, dahil sa pagmamatigas ni Micca sa pagtanggi na hindi sasabay kay Camellone or also known as Cane.
"Ayoko nga, eh," nag-iinarte pa ring tanggi ni Micca kasabay ng pagpadiyak sa sementong kinatatayuan.
"Micca naman... For goodness' sake saan ka sasakay kung hindi ka sasabay sa kaniya?" Nanlalaki na ang mga matang tanong ni Samantha na napahampas pa sa ere ang dalawang kamay.
"Hindi ba talaga puwedeng sumingit sa kotse niyo?" tanong pa rin ni Micca. Maging ang dalaga ay pinagpapawisan na rin ng todo dahil sa tirik na tirik ang araw. Humuhulas na nga ang make up mula sa kaniyang mukha.
"Saan ka pa pupuwesto eh punong-puno na nga ng gamit iyong kotse," reklamo ni Samantha at tinitigan ang kaibigan. "Hello? Nakalimutan mo na ba na halos hakutin na nga namin ni Ian lahat ng gamit sa bahay namin para may mai-contribute kami sa reunion natin? Gusto mo yatang magkandungan tayo ah!"
"Hindi ba puwede?"
"Micca!" inis na sambit ni Samantha na wala sa loob na napahimas sa tiyan.
Nakaramdam ng pag-aalala si Micca nang dahil doon. Isang buwang nagdadalang-tao na kasi ang kaniyang kaibigan. Baka dahil sa kaartehan niya ay may mangyari pang hindi maganda rito.
Katatapos nga lang ng reunion nilang magkakabatch at lahat ay nakauwi na maliban sa kanilang apat. At mukhang malapit na nga'ng mag-hysterical si Samantha. Sinulyapan ni Micca si Ian na nasa loob ng itim na kotse ng mga ito at halatadong inip na inip na rin.
"Ba't ba kasi takot na takot kang sumabay sa akin?" singit ni Cane na hindi na rin nakatiis sa paghihintay mula sa kotse nito kaya lumapit na sa kanila.
Matalim na tumingin dito si Micca. Presensiya pa lamang nito ay naiirita na siya. At kapag nagsalita pa ito ay tuluyan nang umiinit ang ulo niya.
"Sige na kasi, Mics," muling pamimilit ni Samantha.
"Tara na, Micca," segunda naman ng binata. Hindi alintana ang masamang tingin na ipinupukol ng dalaga rito.
Tiningnan ni Micca ang kaibigan na halatang nai-stress na sa kaniya.
"Ano na?" medyo inis na tanong muli ni Samantha.
Para namang nakaramdam ng konsensya ni Micca dahil nauunsyami ang pagbiyahe ng mag-asawa nang dahil lang sa kaartehan niya. Hindi nagtagal ay napilitan tuloy siyang pumayag na lang.
"Sige na nga!" napipilitan niyang sagot.
Tila naman nakahinga nang maluwag si Samantha dahil doon.
"Sa wakas," nakangiting sabi nito na tila walang nangyari at nagliwanag na ang mukha, "sige, Mics. Mauna na kami sa inyo. At ikaw," baling nito kay Cane, "Ingatan mo 'tong bestfriend ko, Camellone. At kung hindi ay malalagutan ka ng hininga sa 'kin. Bye na!" anito at nagtungo na sa kotse nila.
"Sure," sagot ni Camellone bagay na ikinangisi ng mag-asawa bago ini-start ni Ian ang sasakyan.
Lukot ang mukha na pinanood ni Micca ang papalayong sasakyan ng kaibigan. Nakita pa niya ang nang-aasar na pagkaway ni Samantha bagay na lalong ikinalukot ng kaniyang magandang mukha. Pakiramdam niya ay pinagtulungan siya ng mga ito. Ngayon ay silang dalawa na lamang ng binata ang naiwan doon.
"Let's go?" nakangiting tanong ni Cane.
Inialok pa nito ang bisig sa dalaga na siya namang initsapuwera ni Micca at hinampas iyon palayo bago binigyan ang binata ng katakot-takot na irap. Walang lingon-lingon na pumasok sa backseat ng kotse ni Cane si Micca.
BINABASA MO ANG
She Got Entangled [COMPLETE]
General FictionHate is akin to love. There is a very thin thread between love and hate. Remember, that love is way more powerful than hate. So, you better watch out, or you might get entangled... ---------------------------------------------------------------- Dat...
![She Got Entangled [COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/11357783-64-k100636.jpg)