INALALA niya sa isip ang nakita. Pagbagsak siyang naupo sa upuan. Maganda at sexy ang babae. Halatang mayaman at edukada. Bagay na bagay rito ang isang katulad ni Camellone na mayaman din at gwapo.
Hindi rin maikakailang magugustuhan ito ni Camellone lalo na at siya naman ang may kasalanan kung bakit naghanap ito ng mas higit sa kaniya. Nananamlay na binuklat niya ang stock ng mga papeles sa ibabaw ng kaniyang lamesa. Sinubukan niyang basahin ang mga iyon at intindihin ngunit tila blangkong mga papel ang kaniyang nasa harapan.
"Urgh! Bakit ko ba kasi nararamdaman ito?"
Naiinis siya sa sarili, naguguluhan, nalilito sa binabagyo niyang mga emosyon. Gusto na niyang iuntog ang sarili sa harap ng monitor para magising at tumino ang isip, ang kaso ay nanghihinayang siya kapag nasira niya iyon. Dinampot niya ang isang folder at pilit na inintindi ang mga nakasulat.
Habang nagtatrabaho ay hindi pa rin nawawala ang init ng kaniyang ulo. Lalo na at hindi niya magawang intindihin ang mga nilalaman ng mga papeles na binabasa niya. Kinailangan pa niyang ulit-uliting basahin ang mga iyon.
Napasandal siya sa malambot na sandalan ng inuupuan at pumikit. Tinanggal muna niya ang kaniyang eye glasses.
"Ito na nga ba ang sinasabi ko, e," iritang sabi niya sa sarili. "Kaya ayaw kong maglalalapit sa Cane na iyon dahil siguradong distraction lang ang mapapala ko sa taong 'yon." Tinapik niya ang sarili. "Kita mo nakung ano ang nangyayari sa 'yo ngayon, Micca? Distracted na distracted ka na sa trabaho kahit hindi ka naman ginugulo ng taong 'yon!" reklamo niya sa sarili.
Mahihinang katok ang nagpamulat sa mga mata ni Micca at nagpatuwid sa kaniyang pagkakaupo.
"Come in," aniya.
Bumukas ang pinto at awtomatikong kumunot ang kaniyang noo nang makita si Camellone na pumasok sa loob. Hindi pa rin siya nakaka-get over sa pagkainis niya sa sarili pagkatapos ay nandito na naman ito sa harap niya para yata manggulo. Pero kahit naiinis ay naramdaman niyang muli ang pagrarambulan ng mga bituka niya sa tiyan nang malanghap ang pabango nito.
Paano nangyari iyon e ang layo niya rito?
"Hindi kita guguluhin," seryosong sabi ni Camellone na tila nabasa ang takbo ng kaniyang isip. "Hindi mo ako kailangang tingnan nang masama at matalim," dugtong pa nito.
Agad siyang nanibago sa tinuran ng lalaki.
Care ko? agad na bawi niya sa sarili kahit naa pa parang gustong sumabog mismo ng mukha niya ang katotohanang siya mismo ang may kasalanan kung bakit ito ganito. Lalo lang tuloy siyang nainis.
"May ibibigay lang ako sa 'yo," anito at lumapit sa lamesa niya.
"What is it?"
Inilapag ni Camellone ang isang sobreng kulay puti sa ibabaw ng kaniyang mesa. Nagtatanong ang mga matang nagtaas siya ng tingin.
"Invitation galing kina Camille at Arjay. Binyag ng anak nila at ipinaaabot sa 'yo ito," paliwanag nito.
Hindi pa lamang siya nakakapagpasalamat ay tumalikod na ito.
Aalis na siya agad? takang tanong ni Micca sa sarili. Bakit parang wala yatang topak ang taong ito ngayon at himalang nagseryoso?
'Girl, nakainom ng gamot.' sagot niya sa sariling tanong.
"Cane," tawag niya bago pa man ito umabot sa pinto.
Himinto si Camellone sa paglalakad at napangiti. Bago humarap sa dalaga ay agad niyang ikinubli iyon at pilit na pinaseryosong muli ang mukha. Tiningnan niya ito nang malamig bagay na halatang ikinabigla ni Micca.
This is it!
"Uhmm..." saglit na natigilan si Micca. Ano nga ba ang sasabihin niya? "A... lahat... lahat ba ng mga ka-batch natin a-attend?" sa wakas ay nakaisip siya ng tanong kahit na pa putol-putol.
"Yes, may itatanong ka pa?" pigil ang ngiting tanong ni Camellone dahil nakitang natigilan ang dalaga.
Lalong nagtaka si Micca. Sobrang seryoso talaga nito ngayon.
'I told you, Mics. Nakainom siya ng gamot niya.'
Umiling siya, "wala na."
Tumango lamang si Camellone bago muling tumalikod. At sa pagtalikod niyang iyon ay ang pagkawala ng pinipigil niyang ngiti hanggang sa makalabas siya ng opisinang iyon.
'I swear, Micca. Mami-miss mo rin ako...' nakangiting pangako niya sa sarili.
Muling naiwang natitigilan si Micca. Saglit ay napalitan ang inis niya ng pagtataka dahil sa biglang pagbabago na ipinakita sa kaniya ni Camellone. Sa pagtino ng utak ni Camellonr ay parang ibig niyang kabahan. Hindi siya sanay.
'Baka naman naging effective lang talaga ngayon ang gamot na ininom nito this time,' pangungumbinsi niya sa sarili.
O 'di kaya ay dahil sa may kasama itong iba kanina...
Nagkibit siya ng balikat at kinuha ang invitation. Ayaw man niyang aminin ay ayaw niya ng isipin na may iba na itong nagugustuhan.
Binuksan niya ang invitation at kinuha ang isang card na mukhang scented paper pa. Isang cute na cute na picture ng batang lalaki ang nasa gawing itaas. Napangiti siya at bahagyang nakalimutan ang nararamdamang kirot mula sa kaniyang dibdib.
Ang dating maldita at kontrabida nilang ka-batch na si Camille ay may eight months old na anak na ngayon kay Arjay. Nagtataka nga siya kung paano nito nagawang mapaamo ang asawa nito na nuknukan ng sama ng ugali noon.
Napailing siya habang nakangiti. Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig.
Binasa niya ang nakapahayag sa ibaba ng litrato bi Sabien, ang pangalan ng baby. Sa isang araw ang binyag alas-tres ng hapon at sa bahay ng mag-asawa ang reception. Inilapag niya ang invitation matapos iyong basahin. Muli siyang sumandal sa kinauupuaan.
Napansin niyang halos mga ka-batch lang din niya ang mga nagkakatuluyan. At mukhang masasaya ang mga ito at nagmamahalan nang tapat. Siyempre isa na roon ang bestfriend niyang si Samantha na si Ian naman ang nakatuluyan. Ngayon nga ay ipinagbubuntis na ang kambal niyang inaanak.
Nabura ang ngiti mula sa kaniyang mga labi.
E siya kaya? Sino kaya ang lalaking makakatuluyan niya? Ang lalaking magpapatibok ng pihikang niyang puso? Ang magiging prince charming niya na magliligtas sa kaniya at magmamahal katulad ng mga nangyayari sa fairytales? Ang magiging night-in-shining-armour na laging nariyan para iligtas siya sa kung ano mang kapahamakan, sakit, at pagsubok na maaari nilang salubungin sa hinaharap?
Ang nakangising mukha ni Camellone ang biglang bumulaga sa kaniyang gunita.
"No way!" tanggi niya sa sarili.
KINUHA ni Camellone ang cellphone mula sa bulsa habang naglalakad papunta sa sariling opisina nito."Hello?" sabi niya nang sagutin ng sinuman ang kaniyang tawag.
'Yes, Cane?'
"Ituloy niyo na ang plano. I think I've got everything under control..."
BINABASA MO ANG
She Got Entangled [COMPLETE]
General FictionHate is akin to love. There is a very thin thread between love and hate. Remember, that love is way more powerful than hate. So, you better watch out, or you might get entangled... ---------------------------------------------------------------- Dat...