"NASISIRAAN na yata ako ng bait! Bakit naman mukha ng lalaking iyon ang sumagi sa isip ko!" inis na sabi niya sa sarili habang naglalakad papuntang cafeteria.
'Siguradong konsumisyon ang ibibigay sa 'kin ng mokong na 'yon. Ngayon pa nga lang ay puro sakit na ng ulo ang hatid niyon sa 'kin.'
Napatigil siya sa dako ng pag-iisip at tumungo sa dulo ng pila na umo-order ng pagkain. Pero hindi ba't iyon din ang pinagmulan ng love story ng mga ka-batch niya? Away-away sa una, kunwari hate na hate ang isa't-isa pero sa bandang huli kasalan na.
Nanginig si Micca sa isipin at napayakap pa sa sarili. Kinikilabutan tuliy siya sa kung anu-anong naiisip.
Iba naman ang sitwasyon nila ni Camellone. Siya lamang ang umaaway rito. Hindi siya nito pinapatulan at kinukulit lang siya para sa isang atensyon. At ilang beses niya na rin itong itinaboy, inaway, ni-reject.
Kaya nga may bago na itong girl 'di ba? Iyong nakita niya kanina na sobrang sweet ang salubong ni Camellone?
Muli niyang naramdaman ang isang damdamin na hindi niya maintindihan. Naaapektuhan na naman siya ng alaala.
Inis na nasabunutan niya ang sarili, dahilan para magsitinginan sa kaniya ang mga nasa cafeteria.
"No way talaga!" hindi sinasadyang naisigaw niya.
Natutop niya ang bibig nang ma-realized ang nagawa. Mabilis na nag-init aang kaniyang mukha nang makitang nakatingin ang lahat sa kaniya; natatawa, nagulat, at mukhang iniisip na baka nasisiraan siya ng bait. Hindi niya sila pinansin at pilit na itinuon muli ang pansin sa umiikling pila.
Kailangan niyang mag-concentrate. Nagmumukha na siyang baliw ng dahil sa lalaking iyon!
KINABUKASAN...Papuntang comfort room si Micca para mag-retouch ng make-up dahil nabuburra na iyon nang makita niya sina Dylan at Jordan, dati rin niyang mga kaklase noong high school. Kalalabas lamang ng mga ito mula sa opisina ni Camellone.
"Hi, Mics."
Binati siya ng mga ito at hindi pinansin aang mga nagsisilingunang mga empleyado. Hindi na siya nagtataka dahil magagandang lalaki rin sina Dylan at Jordan, matangkad at matitipuno ang mga pangangatawan. Marahil ay dahil sa trabaho ng mga ito, isang private detective si Dylan at si Jordan naman ay isang pulis.
Bilang ganti aay nginitian naman niya ang mga ito.
"Teka, bakit andito kayo?" takang tanong niya sa dalawang lalaki.
Nnagkatinginan ang dalawa.
"Wala. Napadalawa lang kay, Cane," sagot ni Jordan.
"Ah..." tumango-tango siya. "Saan ang punta niyo ngayon niyan?"
Mulimg nagkatinginan ang dalawa bagay na hindi na niya naiwasang mapansin. Tila nag-uusap ang mga ito sa gamit ang mga mata. Nagsimula siyang makaramdam ng pagtataka.
"Ah, wala," agad na sagot ni Dylan.
Kumunot ang noo ni Micca, "Wala? E bakit ang tagal niyong sumagot?"
Napakamot sa ulo si Jordan bago muling tumingin kay Dylan na siya namang biglang naging interesado sa landscape painting na naka-display sa dingding sa gawing kanan nito.
"Basta malalaman mo rin," anito.
"Sige, mauna na kami," mabilis na sabi ni Dylan bago siya kinindatan.
Tumango na lamang si Micca at sinundan ng tingin ang kahina-hinalang kilos ng nga lalaki. Bakit para yatang lahat ng mga ka-batch niya ay may mga pinagkakaabalahan? Baka coincidence lang...
BINABASA MO ANG
She Got Entangled [COMPLETE]
Aktuelle LiteraturHate is akin to love. There is a very thin thread between love and hate. Remember, that love is way more powerful than hate. So, you better watch out, or you might get entangled... ---------------------------------------------------------------- Dat...