At the church...
Micca and Camelone's marriage."Do you, Micca--"
"I do," agad na sagot ni Micca sa tanong ni father Jayson.
Nagtawanan ang mga bisita.
Bumaling naman ang pari sa binata. "Camelone, do you accept ---"
"I do," putol din ni Camelone sa pari. "Kahit sa kuwarto pa 'yan. Aba, puwedeng-puwede." Muling umugong ang tawanan at palakpakan.
"Guys, behave. Nasa tahanan tayo ng diyos," natatawang sabi ni Father Francis na siyang katabi ni father Jayson.
"Tapusin mo na po ang kasal ang, father! Sabik na akong magka-apo," singit ni Myrna.
Napapailing na lamang ang dalawang pari at mga sakristan habang nakangiti.
"You may now kiss the bride, Cane," sabi ni Jayson.
* * *
"AH! CANE! MANGANGANAK NA AKO!" umalingawngaw sa buong kabahayan ang malakas na sigaw na iyon ni Micca.
Nagmamadali naman siyang tinungo ng asawa. Tarantang-taranta ang itsura nito. May hawak pa itong sandok at agad na iniwan ang niluluto nang marinig ang sigaw niya.
"Manganganak ka na? Talaga? Wohoo! Magiging tatay na talaga ako!" Tuwang-tuwa nitong sigaw.
"Oo, kaya punta na sa ospital," hirap na hirap na sabi ni Micca habang nakaupo sa sofa.
"Tama! Sige, yahoo!"
"Cane! Saan ka pupunta?" inis na tanong ni Micca.
"Sa ospital."
"Siraulo ka! Bakit ikaw lang ang pupunta doon ikaw ba ang manganganak?"
Agad namang bumalik si Camelone at ibinuhat siya. "Sorry, baby. Na-excite lang ako masyado. Sundan natin agad 'yan ha," sabi nito sabay kindat bago nagtungo sa kotse.
Naiiling na lamang si Micca at hindi na nakapagkomento dahil sa sakit.
BINABASA MO ANG
She Got Entangled [COMPLETE]
General FictionHate is akin to love. There is a very thin thread between love and hate. Remember, that love is way more powerful than hate. So, you better watch out, or you might get entangled... ---------------------------------------------------------------- Dat...