"ANO?!" gulat na tanong ng tatlo.
"Teka, hon. Ang baby. Relax ka lang muna," alalang nasabi ni Ian sa asawa. Tumango naman si Samantha pero hindi nawala ang pagkabigla. Nadagdagan pa nga iyon ng pag-aalala.
"Maupo ka muna, Cane," alok ni Angela na nilapitan pa ang binata.
Sumunod naman siya kaagad at naupo sa isa sa mga sofa.
"Now, explain by what you mean that Micca is missing," mahinahong sabi nito.
Sinalaysay ni Camellone ang sinabi sa kaniya ni Myrna, ang nanay ni Micca.
"Seminar?" kunot-noong tanong ni Ian. "Wala akong natatandaan na magkakaroon ng ganoon sa kumpanya at out of town pa."
Lalong nabalisa si Camellone. Kinukutuban na siya nang masama. Nilingon niya si Samantha. "Wala bang nabanggit si Micca na may pupuntahan siya?"
"Wala." Umiling ito. "E 'di sana ay alam ko."
"Oo, nga," dagdag ni Angela. "Pero bigla na nga siyang umalis na bad trip 'di ba?"
"Ano'ng sabi no'ng umalis?" tanong ni Camellone.
"Magpapalamig daw ng ulo."
"Saan ba ang paborito niyang puntahan?" tanong niyang muli.
Sa nangyayari ngayon ay gustong-gusto na niyang kabahan dahil parang alam na niya ang dahilan.
"Kapag badtrip iyon, bulaklak lang ang katapat, eh," komento ni Samantha.
"Hon, ano'ng koneksiyon no'n?" takang tanong ni Ian sa asawa.
"Theory ko lang, pero baka nagpunta sa park. Maraming flowers doon at madalas kaming nagpupunta roon dati," paliwanag ni Samantha.
"A-Are you sure?" nangangambang tanong ni Camellone.
"Bakit tol?" tanong ni Ian na napansin ang kaniyang reaksiyon.
"I was there with Yumi," sagot niya. Ayaw niyang paniwalaan ang posibilidad na baka nakita sila ni Micca at nag-akala ito ng mali.
"I told you," pabiglang sabi ni Angela kay Samantha. "Dapat talaga na pinigilan ko siyang umalis."
"What do you mean?" naguguluhang tanong no Camellone.
"Hindi naman tayo dapat magpadalus-dalos. Baka may pinuntahan lang si Micca," sabi ni Ian.
"Kilala ko si Micca, hon," protesta naman ni Samantha sa asawa.
"Teka, ano bang nangyari?" tanong muli ni Camellone.
Ikinuwento nina Samantha at Angela ang pag-uusap nilang tatlo ni Micca kanina. Walang labis, walang kulang. Detalyado, maging sa balak ni Micca na sagutin na ang panliligaw ni Camellone. Natuwa man si Camellone sa nalaman na mahal din siya ni Micca ay hindi pa rin nabura ang pag-aalala sa kaniyang dibdib.
"At malamang na nakita kayo ni Micca sa park," sabi ni Angela.
"Pero kahit naman siguro nakita lang kayo at walang ginawang hindi maganda ay hindi aalis si Micca nang basta-basta," may tinig ng pag-aakusa na sabi ni Samantha.
"Wala naman, except sa brotherly kiss sa pisngi na binigay ni Yumi," pag-amin ni Camellone.
"Iyon siguro ang minasama ni Micca, Cane."
"Why don't you try to call her?" suhestiyon ni Ian.
"Tama. Hindi ko pa nga nasusubukan," aniya.
Kinuha niya ang cellphone at i-dinial ang numero ni Micca, pero out-of-coverage-area raw iyon sabi ng operator.
"Damn it! Naka-off ang cellphone niya," tarantang sabi ni Camellone.
BINABASA MO ANG
She Got Entangled [COMPLETE]
General FictionHate is akin to love. There is a very thin thread between love and hate. Remember, that love is way more powerful than hate. So, you better watch out, or you might get entangled... ---------------------------------------------------------------- Dat...