DUMAAN ang nga oras, araw, linggo, hanggang sa mag-isang buwan at isa pang linggo.
Mga araw na lumipas kung saan matamlay si Micca at bored na bored. Sa bawat araw naa iniupo niya sa kaniyang opisina, hinahanap-hanap niya ang presensiya ni Camellone. Ang biglang pagpasok nito sa kaniyang opisina nang walang paalam. Ang nakangising bungad nito palagi sa kaniya. Ang mga pangungilit nito na makausap siya o kaya'y makasama siya.
Miss na miss na niya ang mga iyon, sobra.
Ngayon ay heto na naman siya sa kaniyang opisina, bored na bored na puro papeles ang nakikitang nakapaligid sa kaniya. At iyon ang isa sa pinakaayaw na maranasan ng lahat ng tao, lalo na siya, ang ma-bored nang sagad.
She despise it because it's giving her a lot of time to think about the man she misses so much. Katulad niyan, nagkakaroon siya ng dahilan para isipin si Camellone at ang lahat ng pangungulit nito. Napangiti siyaa nang mapait.
"Funny... I always pushed him away, pretend that I'm busy even though I'm not everytime he shows up... Tapos ngayon, kung kelan tinigilan na niya ako saka ko naman siya gustong makita," sabi niya. Dinampot niya ang maliit na salamin sa gilid ng kaniyang lamesa at tumingin sa sariling repleksiyon. Nababalot ng kalungkutan ang walang buhay niyang mga mata. "And now I'm talking to myself again..." Natawa siya.
"Umiwas ako sa kaniya dahil sa isang mababaw na dahilan. And yet, mas naaapektuhan pa 'ko sa ginagawa niya ngayon."
Inis na padabog niyang ibinaba ang salamin sa ibabaw ng lamesa. Kailangan lang siguro niya ng sariwang hangin. Lalabas muna siya para mag-redresh sandali. Tumingin siya sa kaniyang mumurahing wristwatch, alas kwatro pa lamang ng hapon.
Nagtungo siya sa cafeteria at um-order ng kape at isang chicken sandwich, saka pumuwesto sa pinakadulo kung saan malapit sa salamin. Medyo masama ang panahon at madilim ang kalangitan na nagbabadya ng malakas na ulan.
'Tsk! Wala pa naman akong dalang payong, tapos magko-commute lang ako.'
Nakasimangot na pinanood niya ang mga dumaraang sasakyan. Malapit na ring lumatag ang kadiliman ng gabi ng mga oras na iyon. Nasaksihan niya kung paano magsimulang sumikip ang traffic sa kalsada. Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga. Pahirapan na naman sa pag-uwi nito lalo na at labasan na ng mga empleyado.
"Lagi ka nalang nakasimangot sa tuwing nakikita kita," sabi ng isang baritonong boses ng isang lalaki.
Gulatvna napalingon si Micca sa nagsalita na ngayon ay nakapuwesto na sa kaharap niyang upuan, si Camellone. Agad na nabura ang masamang timpla ng mukha niya pagkakita rito.
Ang reaksiyon niya? Sobrang nakakatawa. Parang teenager na nagulat sa biglang pagsulpot ng nami-miss na crush.
Ewan ba, pero parang ang saya niya.
"Ganyan nga, Mics. H'wag kang sumimangot," nakangiting sabi ng binata.
Namula si Micca. Kung ganoon, napansin din pala nito ang pagbabago ng mood niya. Sa halip na mainis ay napangiti pa nga siya. Tinitigan niya ang lalaking kaharap, sinusylit ang mga nawalang sandali na hindi niya ito nagawang gawin.
Naninibago siya rito. Hindi na ito pala-ngisi, pero nakangiti pa rin. Iba na ang tono nito, pero hindi naman malamig at parang batang makulit, iyon bang tipong parang nag-matured?
"Tama iyan. Ngumiti ka kahit naiinis ka," anito. "Ano ba ang ikinasisimangot mo? Nitong mga nagdaang araw ay lagi kitang nakikitang nakasimangot. Ni hindi kita nasulyapang nakangiti kahit isang saglit."
Napamaang si Micca. Ibig sabihin, lagi siya nitong pinagmamasdan? Pero bakit hindi siya naaasar?
"May kinaiinisan lang akong tao," pag-amin niya sa binata. Nagulat pa siya sa sarili dahil hindi niya ikinainis ang pagtatanong nito. Samantalang dati ay halos ipagsumpaan niya ang pangingialam nito.
BINABASA MO ANG
She Got Entangled [COMPLETE]
Narrativa generaleHate is akin to love. There is a very thin thread between love and hate. Remember, that love is way more powerful than hate. So, you better watch out, or you might get entangled... ---------------------------------------------------------------- Dat...