MICCA literally couldn't breathe. Hindi niya alam pero kinakabahan siya nang sobra.
Lumabas na sila ng kuwarto kung saan siya inayusan nang todo ni Samantha. Suot na rin niya ang pangatlong dress na dinala ni Vanessa noon para sa kaniya. Hapit na hapit iyonsa kaniyang katawan at kumikintab sa tuwing natatamaan ng liwanag ng ilaw. Hindi niya alam kung ano ang okasyon at kung para saan talaga iyon.
Marahil ay kasabay ng ginawang 'hearing' para sa kanya ay may magarbong party na ring isasagawa. Maging ang kaibigan ay nakaayos na rin at nakapgpalit na ng suot. At hindi nga siya nagkamali. Habang naglalakad sila ni Samantha sa pulang carpet pabalik sa malawak na espasyo ng mansyon na iyon ay naririnig na niya ang pagkanta ng banda nina Monica ng mga love songs.
"Samantha," tawag niya sa kaibigan.
"Hmm?"
"Do I really deserve this?"
"Of course you do! Anong klaseng tanong ba iyan?"
Lalo siyang nakaramdam ng kaba habang papalapit sila nang papalapit sa hagdanan.
Ngumiti si Samantha sa kaniya at hinawakan ang kaniyang mga kamay. "Just relax, Mics. You deserve all of it. Para sa taong nagmamahal, nararapat talaga siyang paghandaan ng ganito."
She swallowed hard. She feels so overwhelmed. Pakiramdam niya ang nakabara ang puso niya sa lalamunan niya.
"Ano ba talagang meron?"
"Engagement party."
Nanlalaki ang mga mata niya. "Nino?"
"Mo."
"Ha?" gulat na tanong ni Micca.
Napalingon ang mga tao na nasa ibaba pagkarinig sa tinig niya. Hindi niya namalayan na nasa bukana na pala sila ng hagdan. Hindi lang iyon, literal na nasa kaniya rin ang spotlight.
Lalong bumilis ang tibok ng puso niya nang makuha ang atensyon ng lahat.
"Sammy?"
"Hmm?"
"Hindi ba masyadong mabilis?"
Samantha squeezes her hand in comfort. "Look at the man whose waiting for you downstairs and you'll get your answer," nakangiti nitong sabi.
Nagpalakpakan ang mga tao sa baba. Hindi na rin niya napansin ang pag-alis ni Samantha mula sa tabi niya.
She knew, downstairs, the man she ever loved was waiting for her. Pero handa na ba talaga siya? Iginapang niya ang tingin, at habang papalapit iyon sa binate ay siya ring lalong pagbilis ng tibok ng puso niya. She'll find her answer once she saw him.
And then, their eyes met.
Camelone is standing there, waiting for her to go down. Masuyo ang mga titig na iginagawad sa kaniya, punong-puno ng emosyon at sinseridad. Guwapong-guwapo ito sa suot na itim na formal suit. And she finally knew the answer to her question.
Nang pagkakataong iyon ay nagsimula naming kumanta ang magkasintahang Cecile at Lionel ng "God gave me you."
Nagsimula na ring pumanhik sa hagdanan ang binate habang hindi inaalis ang tingin mula sa kaniya.
Kinikilig naman na napatili sina Vanessa, Maricell, at Jenah mula sa lamesa ng mga ito. Sanhi para magtawanan ang iba pang naroroon. Pero hindi na iyon napansin ng dalawa, patuloy lamang ang masuyong pagtititigan.
Marahang inilahad ni Camelone ang kaliwang kamay sa dalaga. Agad naman iyong inabot ni Micca. Inakay siya nito pababasa hagdanan habang sinusundan din sila ng spot light hanggang sa makarating sila sa maliit na entablado sa gilid ng hagdan kung saan kitang-kita pa rin sila ng lahat.
"What do you feel?" marahang tanong ni Camelone na punong-puno ng pagmamahal ang mga mata habang nakatitig sa kaniya.
Napailing si Micca. Sobrang speechless. Walang pasidlan sa tuwa ang puso niya. Napangiti na lamang siya habang nangingislap ang mga mata.
"Aren't you happy?" nakangiting tanong ni Camelone.
"I really don't know how to put my feelings into words. And I don't think the word 'happy' is enough to describe it," she blinked back the tears. "All I know s that, I'm deeply in love with you."
"I know that as well."
Micca couldn't help but rolled her eyes again which made him chuckle.
Masuyo nitong kinuha ang mga kamay niya. "Kaya nga hinahatulan ko ang kasalanan mo, and I really wouldn't take no for an answer." Kinuha nito mula sa bulsa ang isang itim na kahita. Halos maiyak muli si Micca pagkakita doon.
"Kailangan pa ba talaga akong hatulan sa kasalanan kong pagmamahal sayo kung puwede ko naming sagutin ang tanong mo ng oo?"
Ngumiti si Camelone at kinuha ang singsing mula sa kahita. The gold ring really beautiful, encrusted with tiny diamonds around a largest one.
"The question is, hand aka na bang makulong ng panghabang-buhay sa mga bisig ko?"
"Of course," nakangiti niyang sagot.
"If that so... will you always stay at my side?"
"I will gladly do so."
Lumawak ang pagkakangiti ni Camelone. "Will you marry me?"
Saglit na hindi umimik si Micca at nilingon ang tahimik na mga kaibigan na sila ring nahihintay sa sagot niya bago ibinalik ang tingin sa binate na noo'y halatang biglang kinabahan dahil hindi siya agad sumagot.
Ngumiti siya nang ubod tamis. "I will."
Nagpalakpakan at nagsigawan ang mga naroon dahil sa sagot niya. Marahan naming isinuot ni Camelone ang singsing sa daliri ng dalaga bago ito kinabig sa batok at hinagkan.
"Kasalan na! May pari na tayo, dalawa pa!" sigaw ni Cass.
Umugong ang tawanan sa paligid.
"Ehem!" singit ni Lionel mula sa mikropono. "Kami muna ni Cecile ang mauuna."
"Mga loko kayo. Naunsyami na nga ang paghahanda naming sa kasal tapos uunahan niyo pa kami?" Nakapamaywang na segunda ni Cecile. Muling umugong ang tawanan.
"Puwede naman tayong magsabay, brad,"pabirong suhestiyon ni Camelone bago ipinulupot ang mga bisig sa baywang ng namumulang si Micca. "'Di ba, babe?"
Napangisi si Micca. "Mukha mo!"
"I love you."
She smiled up at him. "I love you, too.'
"Kantahan na!" tuwang-tuwang anunsiyo ni Monica sa mikropono.
Nagpatuloy pa ang kasiyahan at umakyat pa ang ilan sa entablado.
This is the happiest moment of Micca and Camelone's life. Hindi niya akalain na ang taong sagad kung kainisan niya noon dahil sa pagpapapansin nito ay ang siya ring makakatuluyan niya sa bandang huli. Magkasama na sila, wala ng awayan, sigawan, sungitan, at kulitan. Saan pa ba mauuwi?
Sa kasalan...
THE END
Date Started: April 04, 2013
Date Finished: April 11, 2013Note: Please do excuse the grammar. Literal na gawa po ito ng bata 😊
BINABASA MO ANG
She Got Entangled [COMPLETE]
General FictionHate is akin to love. There is a very thin thread between love and hate. Remember, that love is way more powerful than hate. So, you better watch out, or you might get entangled... ---------------------------------------------------------------- Dat...