CHAPTER TEN

83 10 0
                                    

"DITO nalang po," pigil pa rin ang inis na sabi ni Micca sa driver ng taxina sinakyan niya paalis sa bahay ng kaibigan.

Nagpahinto siya sa isang park. Dito nalang siya magpapalamig ng ulo. Hindi niya alam kung bakit pero para kasing kinakabahan siya sa mga sinasabi ni Samantha. Lalo na at parang may tinatago ang mga ito sa kaniya.

Matagal na siyang ginugulo ng misteryosong lakad at pagka-busy ng mga kaibigan niya. Nakakalimutan lang niya iyon kapag kasama niya si Camellone. Pero dahik apat na araw na itong wala at na-delay pa ang uwi ay ginugulo tuloy siya ng isiping iyon.

Nagsimula siyang maglakad-lakad. Patingin-tingin sa mga bulaklak at halaman na alagang-alaga sa parke. Kung hindi lang siguro niya nakita ang karatula na nagsasabing, "Bawal pumitas ng bulaklak" ay baka kanina pa siya pumutol ng isang daisy.

Love na love niya ang mga bulaklak. Lalo na iyong mga makukulay. Kaya nga hindi niya tinatanggihan ang mga roses ni Camellone kahit noon unang beses na binigyan siya niyon. Bukod sa kinikilig siya ay hilig talaga niya ang mga bulaklak.

Dalang-dala na siya at malapit nang tangayin ng sariwang hangin ang iniisip kanina nang dumaan sa gilid niya ang isang pamilyar na bulto ng babae. Sinundan niya ito ng tingin. Tinitigan.

"Parang nakita ko na ito somewhere," bulong niya sa sarili.

Napaisip siya. Inalala kung saan iyon. Nanlalaki ang mga mata niya nang maalala.

"Tama! She's the woman!" pabulong na sabi niya na sinusundan pa rin ng tingin aang magandang chinita.

Ang babaeng iyon ang sinalubong noon ni Camellone nang lumabas ito ng elevator at hindi man lang siya pinansin. Palihim naa sinundan niya ang babae. Naku-curious kasi siya rito, at kung ano ang koneksiyon nito sa lalaki.

Bakit ba nakimutan niya ang tungkol sa babaeng ito? Babaeng naging dahilan kaya parang estatwa lamang siyang hindi pinansin ni Camellone noon.

Huminto ang babae sa tapat ng isang lalaking nakaupo sa isang bakal na upuan sa park. Huminto rin siya sa 'di kalayuan at ewan niya pero parang gusto niyang magtago. Kaya ngakubli siya sa isang malaking puno at palihim na pinanood ang dalawa.

Tumayo ang lalaki. Hindi alam ni Micca kung bakit bigla siyang kinabahan. Pamilyar ang bultong iyon. Hindi siya maaaring magkamali.

Daig pa niya ang iniuntog sa pinagkukublihang puno nang nag-side view ang lalaki para halikan sa pisngi ang babae. Ganoon din ang ginawa ng babae. Tila nilapirot, nilukot-lukot, binayo, at dinurog-durog ang puso ni Micca ng mga sandaling iyon.

Kaya naman pala na-delay ang uwi ng magaling na lalaki ay dahil may inaatupag itong ibang babae. Babae na minsan na niyang nakita na kasama nito.

Nag-unahang malaglag ang mga luha niya.

"Let's go?" tanong ni Camellone at umakbay sa balikat ng babae.

Nakita niya kung gaano kaluwang ang ngiti nito habang papaalis doon. Mukhang tuwang-tuwa pa ang pagkikita nila, samantalang siya, heto't nagdudusa.

Napasandal siya sa pinagtataguang puno. Pigil ang mga hikbing nagpatuloy sa pag-iyak.

"Pare-parehas talaga ang mga lalaki!" galit na sabi niya sa pag-itan ng mga hikbi.

Hindi na siya nakatiis at tinakbo na ang daan paalis sa park. Naghanap siyang muli ng taxi at pinara. Suwerte namang may isang agad na dumaan kaya agad siyang sumakay roon. Gusto niyang lumayo sa lugar na iyon, pero magpapaalam muna siya sa nanay niya.

Kinuha niya ang cellphone mula sa dalang shoulder bag at itinext ang kaniyang nanay. Sinabi niyang hindi siya makakauwi ng ilang araw dahil may biglaang seminar. Hindi niya sinabi kung saan, basta ang sinabi niya ay out of town ang seminar para hindi ito mag-alala. Nagbilin naman siya sa isa nilang kamag-anak na malapit lamang doon na samahan muna ang nanay niya. Pagkatapos niyon ay ini-off na niya ang kaniyang cellphone at ibinalik sa bag.

"Ma'am saan po tayo?" tanong ng driver.

"Sa dulo ng impiyerno," umiiyak niyang sagot.

"Hindi nga po, ma'am?" nahihintakutang tanong ng driver.

"May alam ka bang lugar kung saan ako puwedeng magkulong at mapag-isa?" tanong niya.

"Sa mental po, libre alaga pa."

Pinigil ni Micca ang mainis. Sa halip ay tumawa pa siya na parang buang at pinunasan ang mga luha. Lalo lamang tuloy natakot ang driver.

"Ma'am baka po magwala kayo rito," alalang sabi ng driver.

'Buwisit na 'to. Ginawa pa 'kong baliw.'

"Dalhin mo nalang ako sa pinakamalapit na mall," bilin niya.

"Sige po," sabi ng driver at agad na pinaandar ang taxi.

Dinala siya ng driver sa isang SM at doon na siya bumaba. Mamimili siya ng damit kahit kaunti para sa pag-a-out of town na gagawin niya. Ayaw niyang umuwi sa bahay para kumuha ng damit dahil siguradong uusisain ng nanay niya ang kaniyang lakad.

Nag-withdraw siya ng pera mula sa kaniyang account. Halagang kakailanganin niya sa gagawing lakad. Hindi naman siya masyadong magtatagal. Magpapalipas lang siya ng sama ng loob at hihilumin ang nasaktan niyang puso.

Pumunta rin siya sa rentahan ng sasakyan para magrenta ng kotse. Marunong naman siyang magmaneho at mayroong lisensiya kahit wala siyang sariling sasakyan.

Nagda-drive na siya sakay ng pulang kotseng nirentahan ay hindi pa rin niya alam kung saan nga ba siya pupunta. Ang hirap naman kasing mag-isip lalo na at napakagulo ng isip niya.

"Ano kaya kung sa Nueva Ecija? H'wag nalang. Lalo ko lang maaalala ang lahat lalo na at doon ang dati naming school," napailing siya at nag-isip muli. "Sa Baguio kaya? Pero nandoon sina Katelyn. Sa Bulacan hindi rin puwede..."

Iniuntog niya ang sarili sa sandalan ng kinuupuan. "Shit naman! Saan ako pupunta? Ayaw ko naman kina Samantha at Ian."

Napalingon siya sa dumaan na bus na may print sa gilid ng "Enchanted Kingdom".

"Tama. Sa Laguna na lang. Tutal wala naman akong kakilala ro'n."
 
 
"UMATTEND daw siya ng out of town seminar. Bakit, hijo? 'Di mo ba alam?" takang tanong ni Myrna.

kadarating lang ni Cane sa bahay nina Micca pero ang nanay nito ang sumalubong sa kaniya.

"Ganoon ba? Sige ho, mauna na ako," sabi niya at nagmamadaling tinungo ang kotse.

Seminar? Wala siyang natatandaang may seminar na gaganapin ang Gomler's Food Inc. na dapat daluhan ng dalaga. Ang ipinagtataka pa niya ay kung bakit hindi nito sinabi sa ina kung saang lugar.

Naguguluhan siya. Saan naman pupunta si Micca at kailangan pang umalis nang hindi nagpapaalam sa lahat? Binalikan niya aang bahay nina Samantha. Kanina kasing pinuntahan niya ang mga ito ay si Angela nalang ang kasama nito. Bad trip daw na umalis si Micca roon. Ang akala pa nga ng dalawa ay umuwi lang.

Nang tanungin niya kung bakit na-bad trip, ang sabi ay hindi raw sinagot ng mga ito ang tanong kung bakit nagiging abala ang mga ka-batch nila. Lalo na sa parte ni Cecile ma dapat ay nag-aabala sa paghahanda ng kasal nila ni Lionel. Parang nakakahalata na raw sa puro palusot nilang sagot.

At mukhang ganoon na nga dahil hindi lang ngayon nakarating sa kaniya ang pagtatanong ni Micca. Noon pa man sa pagdalaw nina Monica at Cecile, pati na rin sa lakad nina Dylan at Jordan, maging ang mga damit na dinala ni Vanessa, at sa pag-uusisa rin nito sa lakad ni Ian kay Samantha. Lahat iyon ay nakarating sa kaniya.

Pagkarating niya sa bahay ni Samantha ay nagulat pa ang mga ito sa pagbabalik niya.

"O, Cane. Bakit bumalik ka?" takang tanong ni Samantha.

"At bakit para kang natataranta? Nabulyawan ka na naman ba ni Micca?" segunda ni Ian.

"Nadamay ka sa pagka-bad trip niya?" tanong ni Angela.

"Hindi," sagot niya na sunod-sunod na umiling.

"E, bakit?" sabay-sabay na chorus ng tatlo.

"Nawawala si Micca," sagot niya.

She Got Entangled [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon