HABANG naglalakad ay wala pa ring ideya si Micca sa kung ano ba talaga ang nangyayari. Kahit na pa kinakabahan na siya ay pilit niya iyong winawaksi sa damdamin.
Pagpasok nila sa loob ng mansyon ay napanganga siya sa mga nakita. Base sa mga dekorasyon at mga upuan at lamesang naroroon ay agad niyang naisip na mayroong magarbong party na magaganap. Hindi lang iyon, ang mga nag-aayos doon ay walang iba kundi ang ilan sa mga high school batchmates niya na sina Maricell, Jenah, Camille, Vanessa, Lusia, at Johanna. Sinalubong siya ng ngiti ng mga ito bago muling ibinalik ang atensyon sa ginagawa.
Hindi niya agad nagawang umimik. Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya at lalo lamang siyang naguluhan.
Nagsimula na silang umakyat nina Jordan sa isang hagdanan na naroroon kung saan isang pulang carpet ang nakalatag. Sa bawat gilid niyon at nakahilera ang basket ng iba't ibang kulay ng mga daisies. Nasamyo niya mula sa hangin ang mabangong amoy ng mga bulaklak. Nagsimula nang magliparan ang mga paru-paro sa kaniyang tiyan. Gustong-gusto na niyang kiligin kung hindi lang niya kasama ang dalawang pulis sa tabi niya.
Pagkarating sa ikalawang palapag ay lumiko sila sa kanan, kung saan basket naman ng mga bird of paradise ang naroroon. Hindi pa iyon natapos doon at sa pagliko nila sa kaliwang pasilyo ay puro basket ng mga imported na tulips ang mga nakahilera sa magkabilang gilid ng pulang carpet. Unti-unti nang sumisibol ang kaba mula sa kaniyang dibdib at maging ang pag-iinit ng kaniyang mga pisngi.
She loves flowers so much and whoever did this...
Natigilan siya at napatitig sa likuran ng dalawang lalaking kasama. Anong klaseng pakulo na ba ito?
Magtatanong na sana siya nang kumatok si Jordan sa pinto bago sila pumasok sa loob.
Agad siyang napasimangot sa nakita.
"What the hell?" nasambit niya sa inis. Katulad nga ng sinabi ng mga ito ay dadalhin siya sa husgado.
Sa loob kuwartong iyon ay maraming upuan ang nakahilera sa harap ng tatlong lamesa na nahahati pa sa dalawang panig. Para ngang korte kung titignan. Sa gitnang lamesa sa harapan ay nakaupo si Father Francis na siya ring high school batchmate nila na nakasuot ng pang-judge. Seryoso ang itsura nito pero halatang nagpipigil lamang na mapangiti lalo na nang makita siyang nakasimangot.
May dalawang lamesa at upuan sa magkabilang gilid nito. Sa gawing kanan ang puwesto ng lilitisin at sa kaliwa naman ang nasasakdal.
"So, totoo nga? Talagang ihaharap niyo ako sa husgado? Ano bang trip 'to? Sino bang may pakana ng kalokohan na 'to?!" Inis na inis niyang tanong. Hindi na talaga siya natutuwa, lalo na at pabilis nang pabilis ang tibok ng puso niya.
"Kalma, Mics," mahinahong sabi ni Jordan.
"Kalma?! Paano ako kakalma? E, ako itong napagtitripan niyo ngayon. Ano naman kaya ang ihahatol sa'kin? Bitay?!"
Napapailing na lamang si Jordan at hindi na sumagot.
Marahan na lamang siya nitong inihatid sa isang pinto na nasa tabi ng kanang upuan na dapat ay magiging puwesto niya.
"Ano'ng gagawin ko diyan?" iritang anas niya sa lalaki.
"Nandiyan ang abogado mo na magtatanggol sa'yo," sagot ni Jordan.
Umarko kaagad pataas ang kilay niya pero bago pa man siya makaalma ay naitulak na siya nito papasok sa loob. Isinara nito kaagad ang pinto sa likuran niya kaya naiinis man ay tiningnan na lamang niya ang kuwartong kinaroroonan.
Isang simpleng maliit na kuwarto lamang iyon. Sa ibabaw ng higaan ay nakalatag nang maayos ang pamliyar na kulay orange na dress. Takang napalingon siya sa babaeng nakaupo malapit roon.
BINABASA MO ANG
She Got Entangled [COMPLETE]
Ficción GeneralHate is akin to love. There is a very thin thread between love and hate. Remember, that love is way more powerful than hate. So, you better watch out, or you might get entangled... ---------------------------------------------------------------- Dat...
![She Got Entangled [COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/11357783-64-k100636.jpg)