"Didn't she wants me to love her?" mapait na sabi ni Camellone bago tunggain ang lamang alak ng beer na iniinom.
Nasa bahay sila ngayon ng binata kasama sina Dylan at Cass. Doon sila nag-iinuman---mali, siya lamang pala ang umiinom habang nakikinig lamang ang dalawang kaibigan. Nagkatinginan sina Cass at Dylan, saka sabay na napailing.
"Mahal ka naman niya, 'di ba?" tanong ni Cass.
Tumango siya. "Pero itinanggi niya. Sinakyan lang daw niya ang kalokohan ko. Kalokohan ba ang mahalin ko siya ng kaytagal?"
"Nag-explain ka na ba?" tanong ni Dylan.
Umiling siya. "She didn't gave me the chance to do so. She run away after saying those things to me."
Napatapik sa noo si Cass. "It was your only chance, Cane. Why let it go?"
"Bakit 'di mo hinabol?" segunda ni Dylan.
Hindi siya sumagot at muling tinungga ang laman ng bote. Straight.
"Susuko ka na?"
"No way!" marahas niyang tanggi sa tanong ni Dylan.
"So, itutuloy mo ang balak mo?"
"Oo naman. Matagal ko iyong pinaghandaan at inabala ko pa kayong lahat."
"Eh, anong gagawin mo, tol? Ayaw ka ngang kausapin?" tanong ni Cass.
"Ki-kidnap-in ko nalang siya," sagot niya
Napatitig sa kaniya ang dalawa sabay iling.
"'Nak ng. Wala kang originality. Diskarte na iyon ni Zyke kay Katelyn noon, eh," protesta ni Cass.
"At least si Zyke, lagi na niyang kasama sa bahay si Katelyn. E, ako? Ni anino ni Micca wala."
Ngumisi ang dalawang lalaki.
"Sige, paano natin ipapa-kidnap?" pilyong tanong ni Dylan.
"H'wag niyo nang gamitan ng chloroform para patulugin. Masakit sa ulo iyon kapag nagising," bilin niya.
"The best ka talagang ma-inlove, tol," natatawang sabi ni Cass.
"Mararanasan mo rin iyan," sabi ni Dylan bago humarap kay Camellone. "Ano, Cane? Sure na?"
Tumango siya. "Kayo na ang bahala. H'wag niyong pahihirapan kundi yari kayo sa 'kin."
Natawa ang dalawa.
"Hindi ka ba sasama?" tanong ni Cass.
"Sasama."
"Kung gano'n, planuhin na natin," nakangising sabi ni Dylan.
Naglalakad sa lobby ng hotel si Micca nang bigla siyang hinarang ng dalawang police. Gulat na tiningnaan niya ang mga ito.
"Ikaw ba si Miccaella Sanchez?" tanong ng isang matangkad, matipuno, at guwapong pulis
Bigla siyang kinabahan. "A-Ako nga, ho."
"Kailangan mong sumama sa 'min," sabi ng isa pang police. Nakilala ito ni Micca. Isa ito sa mga ka-batch niya noon highschool at walang iba kundi si Jordan.
"T-Teka. A-Anong kasalanan ko?" taranta niyang tanong.
Nagsisimula nang magsilingunan ang mga tao na naroroon din sa loob ng hotek na iyon at takang pinanood ang palitan nilang tatlo.
"Basta sumama ka nalang sa 'min, Mics," pormal na sabi ni Jordan.
'Basta? Ano 'to? Trip lang ba 'to?'
Nagtaas siya ng noo at tiningnan nang masama ang dalawa. "Ayoko. Sabihin niyo muna kung ano ang kasalanan ko," mataray niyang sabi.
Nagkatinginan ang dalawang pulis. Mayamaya ay tumango sa isa't isa. Nagulat si Micca nang bigla siyang tinanganan ng dalawa sa magkabilang braso.
BINABASA MO ANG
She Got Entangled [COMPLETE]
General FictionHate is akin to love. There is a very thin thread between love and hate. Remember, that love is way more powerful than hate. So, you better watch out, or you might get entangled... ---------------------------------------------------------------- Dat...
![She Got Entangled [COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/11357783-64-k100636.jpg)