MATAPOS ang seremonya ng binyag ay nagsipagbalikan na ang mga bisita sa bahag nina Camille para sa reception. Habang nagsisipagkainan na ang lahat ay wala pa rin pansinan sina Micca At Camellone.
"Uy, Micca," sita sa sa kaniya ni Samantha. "Maawa ka naman sa tao. Pinariringgan ka na nga 'di mo rin pinapansin," sabi nito sa kaniya.
Nasa maluwang na garden sila ngayon kung saan indinaraos ang kainan. Magkahiwalay ang lamesa ng mga babae at lalaki at nagkakantahan sa inupahang videoke. At si Camellone ang kasalukuyang kumakanta ngayon na todo bigay at birit pa sa kantang, Tuliro. Halatang nakainom na rin ito.
"Anong nadarama?!
Tuwing makikita kang dumarating!
TULIRO! 'di malaman ang gagawin at
Walang sinumang makapipigil sa akin
At wala nang ibang makapagbabago ng aking isip sa 'yo! OOOHH!"
Napailing si Micca at napapangiwi sa lakas ng boses nito na halos lumabas nq ang ngalangala nito sa pagkanta. Binawi niya ang tingin sa lalaking kulang nalang ay isubo ang microphone at hinarap ang kaibigan.
"Sira ka ba?" inis na sabi niya rito.
"Oo nga naman, Mics. Nakakaawa na si Cane," sabat ni Katelyn. "Bakit ba kasi ayaw mo ring pansinin?"
Lalo siyang nakaramdam ng pagkairita.
"Bakit niyo ba 'ko pinagtutulungan?"
"Pansinin mo na kasi ang panliligaw."
"Sino ba kasing may sabing nanliligaw niya?" inis na sigaw niya.
Bigla niyang natutop ang bibig nang biglang tumahimik ang mga naroroon at tumingin sa kaniya. Bakas sa mga mukha ang pagkagulatvsa tinuran niya.
'Gosh! Nakakahiya!'
"Hanggang ngayon ba Micca ang pagiging ulirang anak mo pa rin ang inaatupag mo? O talagang idinadahilan mo na lang iyon?" tanong ni Samantha.
Pinandilatan niya ng mata ang kaibigan dahil mukhang hindi nito alintana na napupukaw na nito ang atensyon ng lahat.
"Hindi ka ba nakakahalata? Inlove na inlove sa 'yo 'yong tao," pagpapatuloy pa rin nito.
"Sam," pigil dito ni Moris.
Nagsimulang mamula ang mukha ni Micca, pakiramdam niya ay napapahiya na naman siya. Pero hindi naman niya magawang awayin ang kaibigan dahil buntis ito. Lalo siyang namula nang maisip na naririnig lahat ni Camellone ang mga sinasabi nito. Hindi tuloy niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip nito ngayon. Ayaw niya itong tingnan dahil lalo lamang siyang mapapahiya... at makokonsensiya.
Nang dahil sa biglang katahimikan ay napansin na rin ni Samantha ang nangyayari. Namula rin ito at nahihiyang tumingin sa kaniya.
"Sorry, friend," agad nitong sabi.
"O-Okay lang," sagot niya at mapaklang ngumiti sa kaibigan.
'Awkward'.
Samantala, si Camellone ay nakikinig din sa kanila nang mga sandaling iyon. Noon lamang niya nalaman ang dahilan ni Micca. Kung bakit parang ilag na ilag itong magkaroon ng karelasyon. May obligasiyon pala itong inaatupag.
"O, ba't natigil ang kantahan? Tuloy lang!" basag ni Arjay, asawa n Camille, sa katahimikan.
Muli namang nanumbalik ang napigil na kantahan at kwentuhan.
"Sorry talaga, Mics," ani Samantha at hinawakan ang kaniyang mga kamay.
Sa pagkakataong iyon ay nilulon lahat ni Micca ang nararamdaman at pilit na ngumiti nang matamis sa kaibigan.
"Okay nga lang iyon, ano ka ba?" natatawang sabi niya.
Ngumiti na rin ito at niyakap pa siya. Napaikot at mga mata niya nang dahil doon. Kapag buntis talaga masiyadong emosyonal.
"AYOS ka lang, 'tol?" tanong ni James.
BINABASA MO ANG
She Got Entangled [COMPLETE]
General FictionHate is akin to love. There is a very thin thread between love and hate. Remember, that love is way more powerful than hate. So, you better watch out, or you might get entangled... ---------------------------------------------------------------- Dat...
![She Got Entangled [COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/11357783-64-k100636.jpg)