CHAPTER FOUR

90 10 0
                                    

"Hi!" bati ni Camellone.

Gulat na nilingon ni Micca ang nagsalita. Naglilibot siya ngayon sa loob ng SM Fairview. Ang nakangisi na namang si Camellone ang nakita niyang papalapit sa kaniya. Nakasuot lamang ito ng pulang t-shirt at itim na chino shorts, pero gayunpaman ay malakas pa rin ang dating nito kahit simple lamang ang suot.

Well, hindi ito nag-iisa dahil kasama nito si Cass na ka-batch din nila noong high school at isa sa mga kinaiinisan niyang barakada nito. Ganoon din ang suot nito kay Camellone, isang asul na t-shirt at puting chino shorts naman.

"Ano ba ang ginawa kong tama at pinagtagpo na naman tayo ni tadhana?" nakangiting tanong ni Camellone.

Inirapan ito ni Micca.

"At ano na naman kaya ang nagawa kong mali at ang panalangin kong hindi ka makita ay nabali?" sarkastiko niyang tanong.

Dahil doon ay hindi napigilan ni Cass ang mapatawa nang malakas dahilan para magsilingunan ang mga dumaraan.

"Bro. Mukhang mainit pa rin ang ulo sa 'yo ng prinsesa mo," anito.

"Hoy, Cass. Manahimik ka riyan," sita rito ni Micca.

Lalo lamang naman natawa si Cass dahil doon.

"Ang sungit mo naman, Mics."

Ngumisi si Camellone. "Ganyan talaga 'yan. Laging may dalaw kaya laging masungit."

"Diyan na nga kayo!" inis na sabi ni Micca at nagmamadali nang umalis doon.

"Uy, saglit lang," nagmamadaling habol ni Camellone sa dalaga at pinigil ito sa braso.

"Puwede ba, Cane? Bitawan mo nga ako!" Galit na hinawi ni Micca ang kamay ng binata. Nang mabitawan naman siya nito ay nagtatatakbo na siya paalis doon.

"Micca!" tawag pa rin ni Camellone.

"My... my..." naiiling na sabi ni Cass habang pinapanood ang papalayong dalaga. Tinapik nito ang balikat ng kaibigan.

Nagkataon lang naman talaga ang pagkikita nilang tatlo roon. Pero natuwa talaga siya nang makita si Micca. Hindi nga lang niya alam kung paano kumilos ng tama na hindi ito maiinis sa kaniya. Sa tuwing kaharap na niya ito ay kung anu-ano na ang nasasabi niya.

"P're wala na akong nagawang tama," mahinang sabi ni Cane.

"Marami pang pagkakaton, Cane."

"Sana nga..."
 
 
"FLOWERS for you," nakangiting sabi ni Camellone at iniabot kay Micca ang hawak na bouquet ng mga pink na rosas.

"Ano 'yan suhol?" nakataas ang kilay na tanong ni Micca.

Nasa loob sila ngayon ng opisina ng dalaga.

"Peace offering?" nananantiyang sabi ni Camellone.

"Cane. Sabihin mo nalang agad sa 'kin kung ano talaga ang pakay mo."

"Iyon nga, peace na tayo. Bati na tayo, please?" parang batang pakiusap pa nito.

Pinigilan ni Micca ang mapangiti kaya naman sa mga mata niya iyon lumabas. Agad namang nakita ni Camellone ang pilit niyang ikinukubling kislap sa mga mata. Inabot niya ang bulaklak.

"Makakaalis ka na."

"Iyon lang?" disappointed na tanong ng binata.

"Ano pa bang gusto mong gawin ko?" patataray ni Micca.

"Wala man lang bang kiss... sabay hug?" pilyong sagot nito.

"Gusto mo ipalamon ko sa 'yo itong mga bulaklak mo?" inis na singhal ni Micca.

She Got Entangled [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon