CHAPTER FOURTEEN

87 5 0
                                    

"HAYAAN mong ipakilala ko sa'yo kung sino ako," said a woman's sweet tone of voice.

Napalingon ang lahat sa nagsalita lalo na si Micca na bakas ang pagkagulat sa itsura. Nanlalaki ang mga mata niya nang makilala ang magandang babae. Muling bumilis ang tibok ng puso niya at nilingon si Camellone na siyang marahang nakangiti sa gawi niya.

Lumapit ang babae sa puwesto niya dahilan para ibalik niya rito ang tingin. Nakabistida ito ng kulay puti at tila anghel sa amo ang itsura. Matamis at palakaibigan ang ngiti na ibinibigay nito sa kaniya.

Nahihiyang hindi na nakaimik si Micca. Mukhang narinig nito ang akusasyon niya kanina. Pero mukha rin namang hindi ito na-offend.

"Hi, Micca. I'm Hiyotomi Carpio." Nakalahad ang kamay na pagpapakilala ng babae.

Hindi niya alam kung ano ang dapat sabihin, pero naunahan siya ng hiya at nagpasyang makipagkilala nang maayos. Aabuti na sana niya ang kamay nitong nakalahad pero nakaposas pa nga pala ang nga kamay niya.

"Oh, I'm sorry." Napansin din pala iyon ni Yumi.

Nanatiling tahimik lang ang mg nanonood ng mga sandaling iyon dahil alam nilang sina Cane at Yumi na ang bahala doon. Nandoon lamang naman sila bilang witness at suporta sa kanila bilang kaibigan.

"Kuya bakit naman ipinosas mo pa siya? Hindi tuloy kami makapag-handshake," nakangiting baling ng babae kay Camelone.

Natawa naman ang mga naroon, samantalang si Micca ay namula ang mukha sa narining.

"Kuya?" gulat niyang tanong.

"Yes, Micca. She's my step-sister sa father side," sagot ni Camellone sa tanong niya.

Napasinghap si Micca saka nilingon si Samantha.

"Wala rin akong alam," depensa nito.

Muli siyang bumaling sa babaeng kaharap. Hiyang-hiya na siya lalo na dahil ang inakusahan niyang babae ni Camelone ay kapatid pala nito.

"Im really sorry, hindi ko akalain na kapatid ka pala ni Cane. I was very wrong to jump into conclusions," mahinang paghingi niya ng paumanhin.

Yumi giggled and held her hands. "It's okay... really. Hindi naman kasi kami magkamukha ni kuya Cane dahil sa Japanese kong mommy ako nagmana."

Micca blushed. Nahihiya pa rin siya sa nangyari at umabot pa talaga sa ganito para lang maipaliwanag sa kaniya kung bakit mali ang hinala niya.

"Seryoso, ate Micca. It's okay. And kaya ako nandito is to make it up to you. Kasalanan din naman kasi naming ni kuya na hindi ako naipakilala sa iyo agad."

Umiling siya nang sunod-sunod. "There's no need to say such comforting words, Hiyotomi-"

"Call me Yumi, ate," nakangiting putol nito sa sasabihin niya.

Ngumiti na rin siya. Bahagya ring nakaramdam ng kilig dahil tinatawag siya nitong ate. Now that she have studied her face, magkahig nga ang dalawa. Hindi lang niya masyadong nahalata dahil singkit at mas maputi si Yumi, perks of being a half Japanese.

"Sige, Yumi."

"Ano, puwede na ba nating ituloy para sa huling kasalanan?" nakangiting tanong ni Father Francis.

Micca rolled her eyes, causing them to laugh in amusement.

"Don't ask her," Cane interrupted.

And here we go again...

"Kailangang maituloy dahil ito ang tunay niyang kasalanan," medyo inis na sabi ng binata.

Kumunot ang noo ni Micca. Ano 'to? May date ba 'to mamaya kaya wagas kung magmadali?

She Got Entangled [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon