Pagkagaling ni Micca sa opisina niya mula sa Gomler's Food Inc. building ay agad siyang nagtuloy sa bahay nina Samantha para kamustahin ang kaibigan. Pinatigil kasi ito ni Ian sa pagtatrabaho nang malamang isang buwan na pala itong buntis. At si Ian naman ay ipinagkatiwala muna ang kumpanya sa kaibigan at business partner na si Camellone.
Tadhana nga naman, madalas buwisit talaga.
Ilang araw na ang lumipas matapos niyang sumabay rito. At hindi niya pa nakakalimutan ang nangyari nang magising siya sa kotse nito.
Nakatanghod lang naman si Camellone mula sa upuan nito sa driver's seat at tinititigan siya. Nakahinto na ang kotse sa tapat ng bahay niya pero hindi ito nag-abalang gisingin man lang siya. Abot langit ang inis na nadama niya ng pagkakataong iyon at muntik na itong matadiyakan sa mukha. Lalo na sa ibinungad nito sa kaniya.
"Heto ang tissue, Mics. Tumutulo 'yong laway mo baka pumatak sa kotse," nakangising sabi nito sabay abot sa kaniya ng isang kahong tissue.
"Gago!" sigaw niya rito at inihagis sa mukha nito ang kahon bago nagmamadaling bumaba mula sa kotse.
Naiinis man siya sa isipin na lagi pa ring makikita ang siraulong lalaking iyon ay wala naman siyang magagawa. Sino ba naman siya? Eh isa lamang siyang hamak na data encoder sa kumpanyang iyon. Ayaw naman niyang mag-resign dahil baka mainis pa sa kaniya si Samantha. Isa pa ay malaki ang naitutulong ng trabaho niya sa kaniya, at siya lamang ang data encoder sa building na iyon na may sariling opisina.
"Nakakasikil siyang nakikita, friend," reklamo ni Micca. "Kumbaga sa kalamay, sobrang nakakaumay."
"Hindi mo kasi pinapansin kaya lapit nang lapit sa 'yo," nakangising sagot ni Samantha.
Nagkakain sila ngayon ng mangga sa salas sa loob ng bahay ng kaibigan niya. Naglilihi na kasi ito para sa panganay na anak.
"Samantha, may responsibilidad akong inuuna, okay?" pagpapaalala niya rito.
Sa kanilang pamilya ay dalawa na lamang sila ng nanay niya. Kaya naman todo pursige siya sa pagtatrabaho para madagdagan ang naiipon niyang pera para sa kanilang dalawa. Hindi na rin naman niya mahahayaang magtrabaho ang ina lalo na at mahina na ang mga buto nito sa tuhod. Lalo na ngayon na sumakabilang buhay na ang kaniyang ama dalawang taon na ang nakalilipas dahil sa sakit sa puso.
"Ulirang anak..." naiiling na sabi ni Samantha. "Hindi ko naman sinasabing talikuran mo ang nanay mo, Mics. Sinasabi ko lang na pansinin mo naman si Cane," paliwanag nito. "Layo ng sagot mo, eh. Nag-o-over de bakod ka."
"Iyon na nga, eh. Baka sa oras na pansinin ko ay lalo siyang mangulit at maging sagabal pa," katwiran niya.
"Paano mo naman nasabi?" taas-kilay na tanong ng kaibigan.
"Basta, friend. Saka na lang 'pag medyo nakakaluwag-luwag na kami ng nanay ko. Malapit naman na iyon dahil malaki-laki na rin ang naiipon ko."
"Iyon naman pala, eh."
"Pero 'di pa sapat iyon."
"Gaano ba kalaki ang pera na kailangan mo at nang mapautang na kita?"
"Gaga!" protesta niya. "Hindi lang pera ang gusto kong ibuhos sa nanay ko kundi full time at attention," paliwanag niya.
"Bakit? Hindi mo ba kayang gawin iyon kapag pinansin mo si Camellone?" nakangising tanong ng kaibigan.
"Makulit kang buntis ka. Kumain ka na nga lang nang kumain para mabusog 'yang inaanak ko."
Natawa nang malakas si Samantha sa tinuran niya kaya nanahimik na siya. Parang na-sense na rin naman nito na ayaw niyang pag-usapan ang bagay na iyon dahil hindi na rin ito nagtanong pang muli, bagay na ipinagpapasalamat niya.
"ANAK sobra-sobrang pag-aaruga na ang ginagawa mo para sa 'kin. Baka naman nakakalimutan mo na ang sarili mo niyan?" puna ni Myrna sa anak.
BINABASA MO ANG
She Got Entangled [COMPLETE]
General FictionHate is akin to love. There is a very thin thread between love and hate. Remember, that love is way more powerful than hate. So, you better watch out, or you might get entangled... ---------------------------------------------------------------- Dat...