CHAPTER NINE

87 9 0
                                    

LUMIPAS ang mga araw, at katulad ng ipinangako ni Camellone ay ipinagpatuloy nito ang panliligaw. Kung hindi ito magyayayang kumain ay araw-araw naman itong may dalang bulaklak at prutas.

Katulad ngayon. Talagang dumaan pa ito sa bahay ni Micca para lamang ihatid ang isang bouquet ng pink na rosas. Sinalubong ito ng dalaga sa gate ng kanilang bahay.

"Balak mo na yatang magtayo ako ng flower shop, ah," nakangiting sabi ni Micca.

Natawa ang binata. "Kahit buong flower shop pa bibilhin ko para sa 'yo."

"Sus..."

"That is one of my pogi ways para maiparamdam ko sa 'yo kung gaano ako kahandang tanggapin ang matamis mong 'OO', Mics," malambing na sabi ni Camellone.

Kinilig naman si Micca at inirapan ito. "Ito lang? Ito lang ang way mo? Grabe ha, ang cheap mo!" pairap niyang sabi.

"Hindi ah, meron pa!"

"Ano?"

"Ito, oh."

Nanlalaki ang mga mata ni Micca sa hindi inaasahang gagawin ni Camellone. Natikom ang bibig niya at natigil ang pagsasalita nang kabigin ng binata ang kaniyang batok at siilin siya ng halik sa labi.

Damang-dama niya ang biglang init na gumapang sa kaniyang katawan habang magkahinang ang kanilang mga labi. Ang bilis ng tibok ng kaniyang puso, at ang malagulaman na panlalambot ng kaniyang mga buto. Napapikit siya at ninamnam ang halik.

Mayamaya ay kapos ang hiningang naghiwalay ang kanilang mga labi. Nahihiyang nagbaba ng tingin si Micca. Hindi niya akalaing matatangay siya sa init ng halik ng binata, gayong hindi pa naman niya ito sinasagot ay naka-iskor na agad sa kaniya. Namumula ang mga pisnging napakagat siya sa pang-ibabang labi.

"Ibig bang sabihin no'n ay sinasagot mo na  'ko?" nakangiting tanong ni Camellone at marahang iniangat ang kaniyang mukha.

Hindi tuloy niya naiwasan ang mga nanunuot nitong tingin. Lalo siyang pinamulahan ng pisngi at bahagyang lumayo rito.

"Pag-iisipan ko pa," hindi mapigilan ang ngiting sabi niya. "Sige na, pumunta ka na sa dapat mong puntahan."

"Puwede pa-kiss ulit?" hirit pa nito.

Natawa si Micca kasabay nang lalong pamumula ng mukha.

"Hindi pa nga kita sinasagot h'wag kang mamihasa. Alis na.."

"Sige na nga," nakangiting sabi ni Camellone at muling ninakawan ng halik si Micca bago sumakay sa kotse nito. Muling namula ang mukha ni Micca dahil doon.

Papunta ng tagaytay si Camellone dahil mayroon itong aasikasuhin doon. Tatlong araw itong mawawala at tiyak na mami-miss ito ni Micca nang to the max.

"Bye," nakangiting sabi niya.

Kumaway ang lalaki at nag-flying kiss pa bago tuluyang pinaandar ang kotse.

Kinikilig na inihatid na lamang ito ng tingin ni Micca. Ngayon. Sure na siya sa nararamdaman. Kung ano ang ibig sabihin ng mga wirdong damdamin niya para rito.

Hindi na niya iyon itatanggi pa sa sarili. Mahal na rin niya ito. Noon pa man siguro. Hindi lang niya pansin dahil sa inis siya rito noon. Pero ngayon, mas sigurado pa sa sigurado, she love that man, and nothing in the world would stop her from feeling this way.

Sa tatlong araw na hindi niya makikita ang binata, doon niya gugugulin ang pag-iisip na sinabi niya kay Camellone. Tamang-tama na ang panahon na iyon para sa kaniya.
 
 
"WOW naman! Blooming na blooming ka, ah!" tuwang-tuwang sabi ni Samantha.

She Got Entangled [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon