"ANO? Nagalit na naman sa 'yo, no?" naiiling na tanong ni Cass kay Camellone.
"Ano na naman ba kasi ang ginawa mong katarantaduhan, tol?" segunda naman ni Dylan, ang ka-batch at kaibigan din nila na ngayon ay isa nang private detective.
Nakasimangot na tiningnan isa-isa ni Camellone ang dalawang matalik na kaibigan. Nasa opisina sila ngayon ni Ian, sa loob ng Gomler's Food Inc. Building, dahil sa kaniya muna ipinagkatiwala ni Ian ang mga nagaganap sa kumpanya nito.
Kaninang hinahabol niya si Micca ay nakita siya ng dalawa kaya naman napilitan siyang ikuwento sa mga ito ang dahilan ng pagka-bad trip "ulit" ni Micca. Hindi kasi lingid sa kaalaman ng mga ito na may gusto siya sa dalaga noon pa man.
"Wala akong ginawa," inis na sagot niya sa tanong ng mga ito.
Sa halip kasi na tulungan siya ng mga ito ay sinesermunan pa siya
"Bakit na-bad trip na naman sa iyo kamo?" tanong ulit ni Cass.
"Baka naman may nasabi kang hindi maganda kaya na-offend mo," sabi ni Dylan. Napilitan siyang isalaysay ang buong pangyayari sa mga ito pati na rin aang pagtatanong niya kay Micca ng kung puwede bang manligaw.
"Sinabi mo iyon?" gulat na tanong ni Dylan.
Tumango siya.
"E ba't na-offend?"
"'Di ko alam."
"Tindi mo rin p're. Kung kailan ka nagkaroon ng lakas ng loob na manligaw saka mo naman binadtrip," naiiling na sabi ni Cass.
"Ano ba? Tutulungan niyo ba ako o sesermunan na parang tatay ko?" inis na sita niya sa dalawa.
"Baka naman kasi wrong-timing ka, Cane," seryosong sabi ni Dylan.
Saglit siyang natigilan.
"Parang gano'n din," pag-amin niya.
"Kaya naman pala, eh!"
"Ang labo mo p're," segunda ni Cass.
Napasandal siya sa kinauupuang swivel chair at sinimangutan ang mga ito.
"Pag-aralan mo kung paano tumayming ngayon, Cane. Mahalaga sa atin 'yan. Lalo na sa mga babae, dahil maramdamin ang mga iyan. Importanteng ikonsidera ang bawat bagay, tol. Dahil kapag hindi..." pahayag ni Dylan na may pabitin effect pa. Mataman siya nitong tinititigan na para ba siyang suspect na kinikilatis nitong mabuti bago magpatuloy. "Baka lalo lang uminit ang dugo sa 'yo ni Micca."
"Worse case scenario, p're," gatong naman ni Cass, "baka hindi ka na rin makalapit sa kaniya at lalong mawalan ka ng pag-asa."
Napabuntong-hininga siya dahil sa payo ng mga kaibigan. He's been trying, he knows. Ang kaso ay hindi niya matiis na hindi kulitin ang dalaga o kaya ay masilayan man lang ito. Tiningnan niya ang mga kaibigan.
"I'll try."
"Don't just try, Cane. Do it," pagliliwanag ni Dylan.
Yeah. Iyon nga ang dapat niyang gawin para may magawa naman siyang tama sa paningin ni Micca.
Ito ang mahirap sa pagiging torpe, shet.
Tatlong katok sa pinto ang nagpamulat ng mga mata ni Micca. Nakasandal siya sa inuupuan at ipinapahinga na muna aang mga mata mula sa matagal na pagkakababad sa harap ng monitor. Three days na ring hindi nambubulabog si Camellone bagay na ipinagtataka niya.
Well, ipinagpapasalamat na rin dahil tatlong araw ring naging tahimik ang buhay niya mula sa maya't mayang pambubulabog nito.
Sino kaya ang kumatok na iyon sa pinto?
BINABASA MO ANG
She Got Entangled [COMPLETE]
General FictionHate is akin to love. There is a very thin thread between love and hate. Remember, that love is way more powerful than hate. So, you better watch out, or you might get entangled... ---------------------------------------------------------------- Dat...
![She Got Entangled [COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/11357783-64-k100636.jpg)