I

7.7K 170 126
                                    

A/N: hi guys, maraming salamat nga pala sa mga nagcontribute and nagsuggest kung ano magandang title ng story na'to... Nakakataba ng puso ung feeling na bahagi kau ng istorya.. Maraming salamat po sa inyo.
Group huggsss!!!!...
------------


Cathy P.O.V.





"bee i miss you!" ang bulong ni desi sa akin.


Nandito na kami sa kwarto nya, pagkaalis nila frenzy at anne ay pumasok na rin kami ni desi. Nag-aya na sya dahil pagod daw sya at hindi na daw sya makapaghintay na ako ay kanyang masolo.


"hmmm... " ang mahinang sambit ni desi habang yakap nya ako mula sa aking likod, nakasandal ang kanyang ulo sa akong balikat.


ramdam ko ang init ng kanyang hininga mula sa kanyang bibig at ilong na tumatama sa aking leeg.


"desi, im tired" ang mahina kong sabi dito habang inaayos ko ang akong maleta na nasa ibabaw ng kanyang kama.


"you want massage bee?" ang malambing na tanong ni desi sabay hawi nya ng aking buhok na tumatakip sa aking leeg at banayad nyang dinampian ng halik ang leeg ko.


napa-angat naman ng bahagya ang aking balikat at nakaramdam ako ng kilabot sa aking katawan... kilabot na nagdudulot ng kakaibang pakiramdam sa aking pagkatao.


alam ni desi ang weakness ko.. at ang love language.. ito ay ang sense of touch. kaya rin siguro madali nya akong napapaamo kapag mainit ang ulo ko o may pagtatalo kami lalo na kapag alam nyang sya ang mali. 


ito ang kanyang ginagawa.. ang maglambing sa akin.


"bee...hmmm" ang sabi ni desi na bumulong sa aking tenga at kinagat pa nya ang gilid nito.


nakaramdam ako ng kiliti kaya medyo lumayo ako ng konti sa kanya. alam ko kung saan ito patutungo. meron syang nagawang mali ngayon at alam kong ayaw nyang maging topic namin ito.


"bee, i said i'm tired!" ang mariin kong sabi at huminto na ito sa ginagawa.


pumunta sya sa maliit na table sa gilit ng kama at umupo sa isang swivel chair. binuksan nya ang kanyang laptop.


"kumusta byahe?" ang tanong nito habang nakatingin lang sa laptop.


"bakit hindi mo sinabi na may event pala kayo ngayon?" ang tanong ko dito. hindi ako nakatingin sa kanya bagkus ay inaayos ko ang mga damit ko sa loob ng maleta, may mga pasalubong kasi ako kay ate jossie.


Hinihintay kong sumagot si desi pero hindi sya lumilingon at busy na sa drawing na nasa laptop nya.


Gusto ko ng mainis sa ugali ni desi na tatahimik lang kapag admitted sya na may mali syang nagawa.


"bee, please... Promise hindi ako magagalit" ang napabuntong hininga ko na lang na sabi, magsalita lang sya.. Ayoko rin naman na matapos ang gabi na hindi kami okay.


Lumingon sya sa akin, hinarap nya ang swivel chair sa  tapat ko at tinulak iyon sa kabilang bahagi ng kama. Nakaharap sya sa akin dahil nasa kabila naman ako ng kama.


"cat, im sorry hindi ko na sinabi na event yung pinuntahan ko, company event yun, isa ako sa organizer and i ask anne to help me since dati syang organizer sa previous job nya." ang mahabang paliwanag ni desi.


Umupo ako sa tabi ng aking maleta. Sa sinabi nya, hindi pa rin nya nasasagot ang tanong ko.


Napahawak na lang ako sa itaas na bahagi ng ilong ko, at nakaramdam ako ng sakit ng ulo, marahil ay jetlag ito.


Space Between the LINES (girlxgirl) - on going EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon