XV

3.8K 108 43
                                    

Cathy P. O.V.

"hanggang kelan ka sa abu dhabi?" ang tanong ko kay desi habang naghahapunan kaming dalawa.

wala pa sila ate jossie at kuya mike, marahil ay overtime na naman yun,.

"3 months" ang sabi nito sa akin habang sumusubo ng sabaw ng sinigang na niluto ko para sa kanya.

"sino mga kasama mo?" ang tanong ko

"sila Mr. Lim at Mr. Arul" ang matipid na sagot ni desi sa akin

bakit parang wala itong ganang pag-usapan ang tungkol sa pagpunta nya sa abu dhabi, isang tanong isang sagot lang lagi ang kanyang ginagawa.

aren't you say something about your trip para hindi na'ko magtanong ng magtanong?" ang naiinis kong sabi dito.

tumingin sya sa akin saglit at nagbuntong hininga.

"di ba nga sinabi ko sa'yo na pupunta kami next week sa abu dhabi, kasama ko si Mr. Lim at Mr. Arul, project manager at project coordinator namin. meron kaming project na titingnan dun, and they need me para sa mga drawings, kasi daw kulang yung staff dun, 3 months lang kasi malapit naman ng matapos, ang gagawin na lang namin is as built drawing" ang paliwanag ni desi na parang naiirita pa.

"saan kayo mag stay dun?" ang mahinahon kong tanong,

"sa hotel, sagot ng company namin" ang sagot ni desi


"huwag kang mag-alala, bukod ang room ko kina Mr. Lim at Mr. Arul, as if naman papayag akong kasama sila sa kwarto!" ang sarkastikong sabi ni desi.


"wala naman akong sinasabi ah?!" ang malumanay kong sabi, I keep myself calm, ayoko sabayan ang ugali ngayon ni desi, baka mag-away lang kaming dalawa.


"kelan ba alis nyo?, gusto mo hatid kita sa airport?" ang tanong ko dito


"no need na, sunduin daw ako nila Mr. Lim, sabay sabay na kaming tatlo, saka madaling araw ang flight namin, hassle pa sa'yo kung ihahatid mo pa'ko" ang sabi ni desi na hindi  man lang ako nililingon.



"kelan ang alis nyo?" ang ulit kong tanong



"bakit paulit ulit ka?" ang nairitang sabi ni desi



"hindi naman ako paulit ulit, nagtanong ako kanina, hindi mo sinagot kung kelan" ang mahinahon kong sagot

"sa sabado!" ang sabi ni desi sabay tayo nito sa lamesa.

"bakit ba ang init ng ulo mo?" ang tanong ko sa babaeng naglalakad patungo sa kusina para ilagay ang kanyang pinagkainan.

"pagod ako, tapos ang kulit kulit mo pa!" ang sabi ni desi at inilapag nito ang plato sa lababo.

naglakad ito pabalik sa dining area, akala ko ay tatabi ulit sya sa akin, ganun kasi ugali nya, madalas kasi syang nauuna matapos kumain at nakagawian na nyang nilalagay agad ang pinagkainan sa lababo, nasanay sa kanila na kanya kanyang ligpit ng plato.

umuupo sya ulit sa dining area at makikipagkwentuhan, ikukwento ang mga nangyari sa office nila habang kumakain ng prutas. pero this time nilagpasan lang nya ako at dumeretso patungong room namin.

"hindi ka kakain ng fruits?" ang tanong ko.

"hindi na, pagod nga ako, gusto ko ng magpahinga." ang sabi nito at pumasok na sa aming room.

nagkibit balikat lang ako. baka naman may monthly period kaya mainit ang ulo nito. niligpit ko na lang ang aking pinagkainan, naghugas ng mga gamit sa labo, inayos ko na lang din ang natirang ulam, tyak na kakain sila ate jossie at kuya mike, hindi kasi kumakain sa labas yung dalawang yun. kuripot.

Space Between the LINES (girlxgirl) - on going EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon