XIV

4.2K 132 141
                                    

Cathy P. O. V.

"congratulations ate jossie and kuya mike!" ang bati ko sa dalawa.

we are here sa reception ng civil wedding nila ate jossie, hindi na sila nag-abala pa sa church wedding, kc daw same lang naman daw yun.

ewan ko ba sa dalawang ito, masyadong praktikal sa buhay kaya pati ang mga ganung okasyon ay hindi na nila binibigyan ng kahalagahan.

kung anak siguro ito ng Magulang ko marahil ay nasabon na silang dalawa.. may banlaw pang kasama.

"oh bakit wala sila frenzy at anne, ininvite ko sila ah" ang tanong ni ate jossie at pasalit salit ang tingin nito sa amin ni desi na katabi ko ngayon.

tumingin ako kay desi, hinihintay kong sya ang sumagot sa tanong ng kanyang kapatid.

"may pasok si anne, si frenzy, sya yata guest speaker sa isang feeding program nila.

oo nga pala, may foundation sila frenzy, simula kasi dumating ako from singapore hindi ko na naitanong ang tatay ko kung patuloy pa rin ba syang sumusuporta sa foundation nila frenzy, HR kasi ng company namin ang nagmamanage nun, not the project site.  At hindi ko rin naman naitanong si frenzy tungkol dun.

"ah ganun ba, sayang naman, kabilang pa naman sila sa guest list ko" ang nanghihinayang na sabi ni ate jossie.

"ikaw desi, next year pakasal ka na ah!" and nagbibirong singit ni kuya mike.

"kuya, hanap muna ko ng mapapangasawa bago magpakasal" and naka-ismid na sabi ni desi.

"huwag kang mag-alala, may irereto ako sa'yo!" ang natatawang sabi ni kuya mike.

siniko ni ate jossie si kuya mike hudyat na tumigil na sya sa pagbibiro.

"tama na yan Michael, punta tayo sa kabilang table." ang aya ni ate jossie dito at hinila na nya si kuya mike.

"umuwi si frenzy sa kanila?" ang tanong ko kay desi

"oo eh, ewan ko dun, parang may tampuhan yata sila ni anne, lately napapansin ko tahimik lang sya eh.

"did you ask her ba?" ang tanong ko

"not yet, ayokong magtanong, hayaan kong sya ang magsabi, ayokong maging chismosa" ang seryosong sagot ni desi.

"tsismosa na ba tawag dun, kaibigan mo naman sya ah" ang sabi ko.

"dati siguro, but not anymore, mag-officemate na lang kami.... I think" ang wala pa rin expression na mukhang sabi ni desi.

"hmm okay" ang sagot ko

"ikaw, baka gusto mo kumustahin sya?" ang medyo sarkastikong sabi ni desi

"huh, bakit ako? eh mas nakaka-usap mo yun, kasa-kasama mo sya araw-araw"

"baka lang kako concern ka pa sa kanya" ang sabi nito at sumubo na ng pagkain.

hindi na rin ako kumibo, ayokong patulan ang mga sinasabi ni desi, baka kung saan pa kami umabot. ilang buwan na ba ang nakalipas after kong mabasa ang message ni frenzy sa akin?.. 9, 10, or 11 months na yata ang nakaraan ng huling makipagcommunicate sya sa akin. at ang message nyang iyon ay kamuntik ng nagdulot sa amin ni desi ng hiwalayan.

******************************************

-- Flashback --

"kailangan pa talagang may paalaman kayong dalawa?!!" ang sigaw ni desi sa akin, andito kami ngayon sa room namin.

nabasa nya kasi yung message ni frenzy sa akin, kaya bago ko pa nasabi sa kanya ay sya na mismo ang nagtanong sa akin. at paano nya nalaman?

when she ask frenzy na huwag iturn off ang pc nya sa office, frenzy forgot to logout her social media account and sakto dun pa talaga sa messenger nakalagay and nakita ni desi na nag-iwan si frenzy ng mensahe sa akin, and yun binasa nya at ngayon, she's confronting me about the message.

Space Between the LINES (girlxgirl) - on going EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon