XXV

3.7K 114 192
                                    

Cathy P.O.V.

"Then why bothering me?" ang tanong ko ulit.

"just to warn you" ang sagot ni annie

"warn?.. saan? at saka paano mo nalaman na konektado ako kay mica?" ang tanong ko ulit kay annie.

"i know the password ng email ni mica, and i opened it the other day, nakita ko ang mga forwarded messages ni desi halos every morning may message si desi kay mica, mga about love,.. about life.. basta forwarded lang naman, then nakita ko may isa galing sa'yo then pinorward ni desi kay mica without erasing kung kanino galing," ang explain ni annie

"andun yung office number mo, kaya sa office nyo ako tumawag" ang dagdag pa nito.

"ah okay" ang sagot ko lang,

pero ang utak ko ay about sa email ni desi, ganun din ako kay desi, alam ko ang password nya dati.... dati yun, ngayon hindi ko na alam, iniba na nya ng minsang tangkain kong buksan, hindi ko na ito tinanong kay desi, baka pagsimulan pa namin ng away.

"sabi mo you want to warn me?.. saan naman?" ang tanong ko and i sip some of my green tea latte.

"i know mica very well, sa pagiging close nya ngayon kay desi,.. iniisip ko, gumaganti sya sa akin... sa ginawa ko sa kanya" ang sabi ni annie.

"ano gusto mong gawin ko?" ang tanong ko

"alam kong more than a friend ang relasyon nyo ni desi, i can tell it, right tru your eyes, and alam kong nasasaktan ka ngayon sa pagiging close ni desi at mica." ang sabi ni annie

binaba ko ang mug ng aking green tea latte sa table namin at tumingin ako sa gawing labas ng coffee shop.

hindi ko alam kung dapat ko bang pagkatiwalaan si Annie, gusto kong mag open up ng nararamdaman ko, wala naman kasi akong masabihang iba. ayoko naman magkwento kay ate leny na ngayon at busy sa kanyang boyfriend.

"gusto ko lang na mabawi si mica kay desi" ang sabi ni annie.

"oh, bakit mo babawiin, akala ko ba break na kayo?" ang napataas ang kilay kong tanong.

"ayoko syang mapunta sa babae ulet, sana lalaki na lang ang ipalit nya sa akin, at kung si desi ang pipiliin nya na pamalit sa akin, better na maging kami na lang ulet" ang sabi ni annie.

"hindi ka ba nagtataka cathy, nagiging close na sila desi at mica without your presence?,"  ang tanong sa akin ni annie.

"nagiging close?, wala akong nababalitaan na lagi silang magkasama, yung birthday lang ni desi, saka nung isang araw na dapat ay manonood sila ng concert ang alam kong magkasama sila" ang sabi ko pero parang kinakabahan na'ko sa ano pang maririnig ko na hindi ko alam.

"hmmm, so wala ka ngang alam" ang sabi ni annie na tatango tango lang.

"Ano ba ang dapat kong malaman?" Ang tanong ko kay annie na kanina pa ako nililito.

"Madami ng post si mica sa social account nya ng mga picture nila ni desi kasama ang pinsan nyang si cyrill with patrick na bf nito, and i guess hindi mo ito nakikita dahil hindi naman nakatagged si desi sa mga picture" ang napapailing na sabi ni annie.

"You mean to say, madalas na silang lumalabas labas?" Ang tanong ko.

Kinuha ni annie ang phone nito, brinowse ito saglit at iniharap sa akin. Pinakita nya ang mga pictures nila mica and desi and other friends nito.

"Ang laging paalam ni desi ay ot sya ng ot," ang nakakunot noo kong sabi.

Pero sa mga oras na yon, para akong binuhusan ng malamig na tubig sa buo kong katawan, ilang araw na pala akong pinaglilihiman ni desi.

Space Between the LINES (girlxgirl) - on going EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon