XXXII

4.1K 134 16
                                    

Frenzy P.O.V

"hoy loka ka, kumusta ka na bakla?!" ang bungad sa akin ng isang pamilyar na boses sa telepono.

"marilou?" ang tanong ko dito

"sus, ikaw.. naging busy ka lang sa jowa mo.. kinalimutan mo na'ko!" ang natatawang sabi nito

"saan ka ngayon?" ang tanong ko at medyo natuwa din ako dahil nagka-usap ulet kami nitong bruhang babae na'to.

"dyan lang sa tabi tabi.. ikaw..?" ang tanong nito.

"hay naku, mahabang kwento.. tara labas tayo?" ang aya ko dito

"sure.. dito lang ako sa bandang alabang, message mo ko kung kelan ka free para makapagchika chikka naman tayong dalawa" ang sabi pa nito sa akin.

"sige, pero bakit ka nga pala napatawag?" ang tanong ko naman dito.

"hmmm, wala naman bigla lang kitang napanaginipan kagabi kaya naisipan kong kontakin kita.." ang sabi naman nito

"ano naman ang connection nun sa dream mo?" ang natawa kong tanong.

"eh, ewan.. sabi ng iba kapag daw naalala mo or napanaginipan mo ang isang tao na matagal mo ng hindi nakikita or nakakausap,.. may pinagdadaanan daw ito" ang nagserysong tono na sabi ni marilou.

"wow, may special powers ka na ganun?" ang tanong ko at hindi pa rin maalis sa labi ko ang ngiti.

"loka, malay mo naman.. pero teka meron nga ba?" ang tanong nito.

"hmmm... kwento ko na lang kapag nagkita tayo" ang pabitin ko pang sagot

"ikaw,.. marunong ka ng mambitin ah., sige sige message mo ko or tawagan mo ko kapag nagkaroon ka ng oras ah at wag mong patagalin yan.. magtatampo ako sa'yo" ang sabi ni marilou na may halong pagbabanta.

"opo inay" ang sabi ko na lang at nagpaalamanan na kami sa isa't-isa.

masaya akong nagbalik sa ginagawa kong drawing simula kasi ng huli naming pag-uusap ni cathy, naging magaan na ang loob ko.

marami na rin akong mga ibang tao na nakikilala,

i opened myself to everyone, yun kasi ang payo ni cathy, na palawakin ko ang territory ko at wag mag stay kung saan ako iniwan ni anne, upang makapagsimula ulet without anne.

kaya, patuloy akong umuuwi tuwing weekends para asikasuhin ang foundation at ang studio ko,

minsan ay nagtuturo ako ng guitar lesson sa mga anak anak ng mga ka-officemate ko at nakakatuwa dahil nagkakaroon ako ng extra income. at paraan na rin upang hindi ko masyadong maisip si anne.

tatlong linggo na kaming hindi nagkikita ni cathy, pero consistent ang tawagan namin at pagtetext sa isa't-isa. masyado kasi syang busy ngayon sa site dahil lumalaki na ang nasasakupan nito. 

kahit madalas na rin nagpupunta si desi dito sa office dahil malapit ng matapos ang site na hinahawakan nya, hindi ko na rin naman kinukwento sa kanya kung ano na ang lagay ni cathy.

mukha naman kasing masaya na sya kay mica na ngayon ay kasama nya sa condo with her cousin Cyril,

sabi ni desi, hindi pa rin alam sa kanila ang relasyon nila ni mica at wala syang planong sabihin, ayaw nyang masira ang image nya sa pamilya nya, ngunit kina mica daw ay open na ito.

"hello,.. can i speak to the person who's listening to my voice?" ang mala-robot na sabi sa kabilang linya.

"ang corny mo cat!" ang natatawa kong sabi.

"anu ba yan, nakilala mo pa rin ang boses ko?" ang parang batang sabi nito

"syempre, nakita ko name mo sa phone ko adik!" ang sabi ko.

Space Between the LINES (girlxgirl) - on going EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon